WorksheetsFilipino 6 - Quiz #1.1
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Alin sa sumusunod ang HINDI halimbawa ng pabula?
Ang Aso at ang Uwak
Ang Kuneho at ang Pagong
Ang Alamat ng Sampaguita
Ang Matalinong Pagong at ang Hangal na Matsing
Ito ay anyo ng panitikang kathang isip lamang na karaniwang mga hayop ang pangunahing tauhan at nagwawakas sa isang mabuting aral.
alamat
epiko
pabula
parabula
Ano ang nangyari sa Batang Alimango?
Naputol ang isa sa kanyang sipit.
Nakalimutan niyang kumain.
Naligaw siya sa kanyang pag-uwi.
Napasarap siya sa pakikipaglaro sa kapwa niya alimango.
Ano ang magandang aral na itinuro ng Amang Alimango sa kanyang anak?
Maging magalang sa lahat ng oras.
Iyang kayabangan, malapit sa kaguluhan.
Mag-ehersisyo araw-araw.
Mag-impok upang sa oras ng pangangailangan may madukot.
Palagi nalang butas ang bulsa mo dahil palagi ka nagsusugal. Ano ang kahulugan ng idyomang may salungguhit sa pangungusap na ito?
walang trabaho
walang sweldo
walang pera
walang makain
__________ ang anumang tulong na inihahandog ko sa mga nangangailangan. Alin sa sumusunod na idyoma ang angkop na gamitin upang mabuo ang pangungusap na ito?
Busilak ang puso
Bukal sa loob
Itaga sa bato
Itim na tupa
Ang magkapatid na sina Carina at Casey ay parang aso’t pusa sa tuwing sila ay naglalaro. Bakit sila parang aso’t pusa?
hindi sila pantay ng laki
lagi silang nag-aaway
hindi sila nagbibigayan
lagi silang naghahabulan
Sa wakas nakauwi na ang mga bata kaya nakabalik na sila sa kanilang sariling pugad. Ano ang ibig sabihin ng sariling pugad sa pangungusap na ito?
pugad ng kanilang ibon
pugad ng kanilang mga manok
sariling tahanan
sariling kuwarto
Sa unang Lunes ng Hunyo ang simula ng pasukan sa Paaralan ng Lungsod ng San Pablo. Ilang pangngalang pantangi ang makikita sa pangungusap na ito?
isa
dalaw
tatlo
apat
Alin sa sumusunod na pangngalang pambalana ang kaugnay ng pangngalang pantanging Saturn?
planeta
lalawigan
bituin
buwan
Alin sa sumusunod na pangngalan ang HINDI magkaugnay na pantangi at pambalana?
UCCP Hope Christian School - paaralan
Dr, Jose Rizal - bayani
Ang Probinsyano - teleserye
Biogesic - kendi
Ang kaligtasan ng mga mamamayan tuwing may sakuna ay prayoridad ng pamahalaan. Anong uri ng pangngalang pambalana ang salitang nakasalungguhit sa pangungusap na ito?
tahas
basal
lansakan
pantangi
Anong uri ng pangngalang pambalana ang gagamba, bubuyog, tipaklong?
tahas
basal
lansakan
pantangi
Alin sa sumusunod na pangngalang pambalana ang HINDI halimbawa ng lansakan?
hukbo
klase
kabinet
orkestra
Alin sa sumusunod na pangngalan ang halimbawa ng salitang payak?
kahirapan
hanapbuhay
bahay-bahayan
salamin
Alin sa sumusunod na pangngalang pambalana ang HINDI halimbawa ng salitang maylapi?
halaman
paaralan
kayamanan
pagkabahala
Anong uri ng pangngalang pambalana ang ari-arian, sabi-sabi, pala-palagay?
payak
maylapi
inuulit
tambalan
Alin sa sumusunod na pangngalang pambalana ang maaaring itambal sa salitang hapag upang makabuo ng tambalan?
buhay
yaman
bayan
kainan
Alin sa sumusunod na pangngalang pambalana ang halimbawa ng tambalang ganap?
silid-tulugan
dalagang-bukid
hampaslupa
punongkahoy
Alin sa sumusunod na pangngalang pambalana ang halimbawa ng tambalang di-ganap?
silid-aklatan
bahaghari
balat-sibuyas
anak-pawis
