NEW
Font size
WorksheetsSubukin - Module 5
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Alin sa mga kwento sa banal na bibliya ang patunay ng makasaysayang imperyo ng Babilonya ng Mesopotamia?
Pagkapanalo ni David laban sa isang Pilisteo si Goliath
Matagumpay na pagtawid nina Moises sa Dagat na Pula sa tulong ni Yahweh pabalik sa Canaan (Israel).
Pagkilala kay Jose na pangalawa sa paraon dahil sa magaling na pagbigay intepretasyon sa mga panaginip ng pinuno
Pagtalaga at pagsangguni ni haring Nebuchadnezzar sa mga matatalinong kabataan sa na gaya ni Daniel na isang Israelita.
Ang kapital ng bansang India ngayon?
Baghdad
Cairo
New Delhi
Beijing
Si Abraham ay naninirahan sa siyudad ng UR, subalit siya ay hinirang ng Diyos na maging Ama ng Hebreo, at pinatungo sa Lupang pangako (Canaan/Palestina). Saan matatagpuan ang siyudad ng Ur?
Mesopotamia (Iraq)
Egypt
Saudi Arabia
Israel
Si Asoka ay tinuring na pinakamahusay na pinuno ng imperyong Maurya. Matapos ang madugong pakikipaglaban niya na ikinasawi ng daang libong tao minabuti niyang yakapin ang prinsipyong AHIMSA. Paano niya ito itinaguyod?
Pagyakap sa mga prinsipyo ni Mahatma Gandhi
Pag-iwas sa kaharasan at paggalang sa lahat ng may buhay
Pagpapakita na siya ang pinakamahusay na pinuno
Pagsunod sa walong tamang landas
Malaki ang impluwensiya ng konsepto ng reincarnation sa mga Hindu.Alin sa mga sumusunod
ang nagpapaliwanag ng Reinkarnasyon sa pananaw ng relihiyong Hinduismo?
Magpakabuti habang nabubuhay upang maging karapat-dapat sa gantimpala ng langit
Panatilihin ang kalusugan at kalakasan ng pisikal na katawan upang muling mabuhay
Paniniwala sa pagkabuhay,kamatayan at muling pagkabuhay hanggang sa maabot ang Moksha (Nirvana)
Pagsilang muli ng kaluluwa ay proseso ng paglilinis hanggang sa maabot ang “Avatar” (kaluluwa na naging tao)
Ang Tower of Babel na kwento sa bibliya ay pinagawa ni haring Nimrod sa lungsod ng Shinar (Babylon). Ito ay mataas na tore na nais umabot ang taluktok sa langit upang higit na mapatunayan ang kanyang kapangyarihan. Ano ang istruktura na sinasabing hawig o maari ang mismong “Tower of Babel”?
Pyramid of Gizah (Egpyt)
Etemenanki Ziggurat (Mesopotamia)
Mayan Pyramid of Kukulkan (Mexico)
Taj Mahal (India)
Sinasabing “Caste system is still alive in India today”. Alin ang wastong pagkasunod-sunod ng uri ng tao sa lipunang Hindu?
Sudra, Brahmin, Vaisya, Ksatriya
Brahmin, Ksatriya, Vaisya, Sudra
Vaisya, Ksatriya, Brahmin, Sudra
Ksatriya, Sudra, Vaisya, Brahmin
Nais mong mapasyalan ang sinasabing sagisag ng walang hanggan pag-iibigan, ang Taj Mahal na libingan na pinagawa ni Shah Jahan para sa kanyang paboritong asawang si Mumtaz Mahal. Saan ang eksaktong katatagpuan nito?
Giza, Egypt
Calicut, India
Agra, India
Beijing, China
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng templo para sa mga Diyos at Diyosa ng relihiyong Budhismo?
Angkor Wat (Cambodia) at Borobudur Temple (Indonesia)
Pagodas (China)
Ziggurat (Mesopotamia) at Chichen Itza (Mexico)
Mundeshwari Temple (India)
Mga kakaibang kultura ang India kabilang ang nasa larawan, ang pagsasagawa ng sati o suttee. Paano ito inilalarawan?
Pagsunog sa mga kababaihan para ihandog kay Agni ang Diyos ng Apoy.
Pagsunog sa asawang babae kasabay sa libing ng kanyang namatay na asawa.
Pagparada sa asawang babae sa libingan ng kanyang asawang namatay.
Pagsagawa ng ritwal para sa masaganang ani.
Ang kabisera ng bansang China noon ay Peking subalit noong 1949 pinalitan ito. Ano ang kapital ngayon ng bansang China na binubuo ng “38% flat and 62% mountainous”?
Mandarin
Dalian
Beijing
Shanghai
Ang Kabihasnang Indus ay nakapagpagawa ng “sewerage system at drainage”. Sa Pilipinas ang ahensiya ng gobyerno na namamahala sa mga ganitong proyekto ay ang ang DPWH at MWSS?
Bakit mahalaga na magkaroon ng ganitong sistema sa isang lungsod?
Nagsisilbing panlinis sa mga kanal at daanang tubig
Nagbibigay ng serbisyong inuming tubig at pagsaayos ng mga daluyang tubig upang maiwasan ang pagbaha
Nakokontrol ang pag-apaw at pagbaha ng mga ilog
Nakakatulong sa sanitasyon at kalinisan ng lipunan
Ano ang dalawang dinastiya sa China na pinamunuan ng mga dayuhang mananakop?
Dinastiyang Chin at Manchu
Dinastiyang Shang at Tang
Dinastiyang Yuan at Manchu
Dinastiyang Sung at Ming
Sino ang babaeng mandirigma ng China na nagbihis lalaki upang pumalit sa ama na may sakit sa pakikipaglaban sa mga tribong Hun, ginawan ito ng “Disney animated and live action film” na nagpakita ng tapang at kabutihan ng isang babae?
Pocahontas
Mulan
Elsa
Moana
Ipinatupad ng mga mananakop ang “Chinese male hairstyle” na Queue o pagpapakalbo at pagtira ng “single braid of hair”,lakip ang kautusang “ Lose your hair and keep your head or keep your hair and Lose your head”. Anong pangkat ng namunong dinastiya sa China ang nagpatupad nito?
Dinastiyang Han
Dinastiyang Yuan
Dinastiyang Chin
Dinastiyang Manchu
