NEW
Font size
WorksheetsFilipino-10
Total questions: 15
Worksheet time: 5mins
1.Ito ay kuwento tungkol sa diyos at diyosa.
A. alamat
B. mitolohiya
C. epiko
D. parabula
2. Mabuti bang taglayin ng Diyos ang katangian ng tao?
A. Hindi, dahil ang Diyos ay nasa langit samantalang ang tao ay nasa lupa.
B.Hindi, sapagkat banal ang Diyos at nakasalanan ang tao.
C. Oo, upang madaling magkaunawaan ang tao at Diyos.
D. Oo, upang maunawaan ng Diyos ang kahinaan ng tao.
3. Hari ng mga diyos, diyosa ng kalawakan at ng panahon.
A. Diana
B. Jupiter
C. Juno
D. mitolohiya
4.Ang itinuturing na diyosa ng kagandahan.
A. Athena
B. Hestia
C. Hera
D. Venus
5.Ang mga sumusunod ay kinabibilangan ng mga mito ng
Filipinas MALIBAN sa
A. anito
B. drakula
C. diyos at diyosa
D.kakaibang nilalang
6. Ang mga sumusunod ay gamit ng mitolohiya MALIBAN sa__________
A. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig
B. Maipaliwanag ang kasaysayan
C. Magturo ng mabuting aral
D Walang matinding damdamin sa kuwento
7. Diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika at panulaan.
A. Apollo
B. Athena
C. Artemis
D. Poseidon
8. Diyosa ng Karunungan, digmaan at katusuhan.
A. Apollo
B. Athena
C. Artemis
D. Poseidon
9. ______________Hari ng Karagatan at lindol.
A. Apollo
B. Athena
C. Artemis
D. Poseidon
10. ____________Ang tahanan ng mga diyos at diyosa.
A. langit
B. Olympus
C. lupa
D. Homer
11.Ang mito/myth ay hango sa salitang Latin na_____________.
A. mi
B. muthos
C. mu
D. mythos
12.Sino ang diyosa ng kagandahan at kalapati ang sagisag niya?
A. Cupid
B. Pluto
C. Mercury
D. Venus
13. Paano ipinakilala ang mga unang Panitikan sa Pilipinas?
A. pasalin-bayan
B. pasalin-tukso
C. pasalin-dila
D. pasalin-tula
14. Ito ay pinaghuhugutan ng inspirasyon ng iba’t ibang manunulat ng panitikan sa buong daigdig.
A. mitolohiya mula sa Amerika
B. mitolohiya mula sa Rome
C. mitolohiya mula sa Pilipinas
D. mitolohiya mula kay Venus
15. Sino ang diyos ng apoy at bantay ng mga diyos.
A. Mars
B. Vesta
C. Minerva
D. Vulcan
