wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPINO 2 REVIEW

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

MAGKAKATUGMANG-SALITA

Piliin ang salitang HINDI katugma ng mga salita sa loob ng pangkat.

a)

payong

b)

tahong

c)

ahon

d)

bayong

2.

MAGKAKATUGMANG-SALITA

Ang mga sumusunod na salita ay magkakatugma MALIBAN sa isa. Ano ito?

a)

ayaw

b)

galaw

c)

awa

d)

sayaw

3.

MAGKAKATUGMANG-SALITA

Piliin ang salitang walang tunog na /-i/ sa huling pantig.

a)

isa

b)

bili

c)

gawi

d)

tabi

4.

PAGPAPANTIG

Pantigin ang salitang:

"maaari"

a)

maa-a-ri

b)

maaa-ri

c)

ma-a-a-ri

d)

m-a-a-a-ri

5.

PAGPAPANTIG

Pantingin ang salitang:

"aklatan"

a)

a-kla-tan

b)

ak-la-tan

c)

ak-lat-an

d)

a-klat-an

6.

ANYO NG PANTIG

Ibigay ang anyo ng pantig ng bahaging nakasalungguhit sa salitang:

prinsesa

a)

KPK

b)

KPKK

c)

P

d)

KKPK

7.

ANYO NG PANTIG

Ibigay ang anyo ng pantig ng bahaging nakasalungguhit sa salitang:

tsart

a)

KPK

b)

KKPKK

c)

KPKK

d)

KP

8.

Ayusin ang mga salita nang paalpabeto:

1- baboy, 2- pusa, 3- kambing

a)

1-2-3

b)

3-2-1

c)

1-3-2

d)

3-1-2

9.

Ayusin ang mga salita nang paalpabeto:

1- Anna, 2- Abel, 3- Alice,

4- Aga, 5- Adelle

a)

1-2-3-4-5

b)

2-5-4-3-1

c)

3-2-4-5-1

d)

5-4-3-2-1

10.

Nabasag mo ang baso habang ikaw ay naghuhugas ng mga pinagkainan. Ano ang sasabihin mo?

a)

Salamat po.

b)

Walang anoman po.

c)

Patawad po.

d)

Magandang umaga po.

11.

Binisita ka ng iyong mga kamag-aral sa inyong tahanan dahil kaarawan mo. Paano mo sila babatiin?

a)

Ano ang ginagawa niyo dito?

b)

Tuloy kayo! Maraming salamat sa pagpupunta.

c)

Bakit pa kayo pumunta dito sa bahay namin?

d)

Sana hindi na lang kayo pumunta.

12.

Uwian na at nagpaalam na sa inyo ang inyong guro? Ano ang pagbating isasagot ninyo?

a)

Paalam na rin po! Hanggang sa muling pagkikita.

b)

Yehey! Uwian na rin sa wakas!

c)

Magandang hapon po.

d)

Kumusta po kayo?

13.

Ang salitang tinutukoy sa larawan ay kabilang sa anong KATEGORYA ng pangngalan?

a)

tao

b)

bagay

c)

hayop

d)

pangyayari

14.

Ang Bagong Taon ay kabilang sa anong KATEGORYA ng pangngalan?

a)

lugar

b)

bagay

c)

hayop

d)

pangyayari

15.

"Ang aming pamilya ay pupunta sa South Korea."

Aling pangngalan ang kabilang sa kategorya ng LUGAR?

a)

aming

b)

pamilya

c)

pupunta

d)

South Korea

16.

"Namasyal kami ng aking pamilya sa Star City kahapon."

Alin sa mga salita ang isang pantanging pangngalan?

a)

Namasyal

b)

pamilya

c)

Star City

d)

kahapon

17.

"Si Coco Martin ay isang sikat na artista."

Ano ang pangngalang pambalana sa pangungusap?

a)

Coco Martin

b)

isang

c)

sikat

d)

artista

18.

"Naririnig ko na ang tilaok ng tandang." Ang 'tandang" ay kabilang sa anong kasarian?

a)

panlalaki

b)

pambabae

c)

di-tiyak

d)

walang kasarian

19.

Ang mga sumusunod na salita ay may kasariang "di-tiyak" MALIBAN sa isa. Ano ito?

a)

mangingisda

b)

magsasaka

c)

guro

d)

manyika

20.

Tukuyin ang panauhan ng panghalip panao:

Siya ay isang mabait na bata.

a)

una

b)

ikalawa

c)

ikatlo

21.

Tukuyin ang panauhan ng panghalip panao:

Inutusan kami ng aming guro.

a)

una

b)

ikalawa

c)

ikatlo

22.

Tukuyin ang panauhan ng panghalip panao:

Kunin mo ang iyong mga gamit dito.

a)

una

b)

ikalawa

c)

ikatlo

23.

Tukuyin ang uri ng panghalip pamatlig:

Ganito ang wastong pagluluto ng adobo.

a)

una - malapit sa nagsasalita

b)

ikalawa - malapit sa kausap

c)

ikatlo - malayo sa nag-uusap

24.

Tukuyin ang uri ng panghalip pamatlig:

Ilagay mo diyan sa iyong tabi ang mga aklat.

a)

una - malapit sa nagsasalita

b)

ikalawa - malapit sa kausap

c)

ikatlo - malayo sa nag-uusap

25.

Tukuyin ang uri ng panghalip pamatlig:

Iyon ba ang iyong pitaka?

a)

una - malapit sa nagsasalita

b)

ikalawa - malapit sa kausap

c)

ikatlo - malayo sa nag-uusap