wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP Isip at Kilos-Loob

Total questions: 29

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng Panloob na pandama maliban sa:

a)

Kamalayan

b)

emosyon

c)

memorya

d)

imahinasyon

2.

Ito ay walang direktang ugnayan sa reyalidad.

a)

Panloob na pandama

b)

Panlabas na pandama

c)

Emosyon

d)

Materyal

3.

Ayon sa kanya, ang tao ay may dalawang kakayahan: Pangkaalamang pakultad at Pagkagustong pakultad.

a)

Robert Edward Brenan

b)

Manuel Dy

c)

Santo Tomas de Aquino

d)

Fr. Roque Ferriols

4.

Ang lahat ay halimbawa ng kakayahan ng isip maliban sa:

a)

Alamin ang diwa at buod

b)

Maghusga

c)

Mangatwiran

d)

Makatwirang pagkagusto

5.

Disiplinahin ang sarili at pigilin ang matinding emosyon kung kailangan

a)

Isip

b)

Kilos-loob

6.

Magkaroon ng pagpupunyaging magbago upang umunlad

a)

Isip

b)

Kilos-loob

7.

Humanap ng impormasyon

a)

Isip

b)

Kilos-loob

8.

Magsaliksik ng karagdagang datos kung kulang ang impormasyon

a)

Isip

b)

Kilos-loob

9.

Mag-isip at magnilay sa mga layunin at kahulugan ng mga impormasyong nakalap

a)

Isip

b)

Kilos-loob

10.

Sino sa mga nilikha ang obra maesta ng Diyos?

a)

Halaman

b)

Hayop

c)

Tao

d)

Lahat ng nabanggit

11.

Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan?

a)

Mag-isip

b)

Makaunawa

c)

Maghusga

d)

Mangatwiran

12.

Kung ang pandama ay depektibo nagkakaroon ito ng epekto sa isip. Tama ba o mali ang pahayag?

a)

Tama, dahil ang isip ay may koneksiyon sa pandama

b)

Tama, dahil ang pandama ang nagbibigay kaalaman sa isip

c)

Mali, dahil magkahiwalay ang pandama na kakayahan sa isip

d)

Mali, dahil may taglay na kakayahan ang isip upang salain ang impormasyon na naihahatid dito

13.

1. Ito ay kakayahang magpasya

a)

ISIP

b)

KILOS-LOOB

14.
  1. May malayang pagpili ng gustong isipin o gawin
a)

ISIP

b)

KILOS-LOOB

15.

Gamit nito ang humanap ng impormasyon

a)

ISIP

b)

KILOS-LOOB

16.

Umaasa, naghahanap, nawiwili at humuhilig sa anumang nauunawaan ng isip

a)

ISIP

b)

KILOS LOOB

17.

May kakayahang magnilay at makaunawa

a)

ISIP

b)

KILOS LOOB

18.

Pumayag si Maria na pagbigyan sa hindi magandang kagustuhan ng kanyang boyfriend

a)

ISIP

b)

KILOS LOOB

19.

Sa kanyang paghiga sa ilalim ng puno, napagbulayan ni Ruben ang mangyayari sa kanyang kinabukasan.

a)

ISIP

b)

KILOS LOOB

20.

Sumama ka sa inuman ng tropa kahit hindi ka pinayagan ng iyong magulang

a)

ISIP

b)

KILOS LOOB

21.

Pinigilan mo ang mga kaibigan mong nagkukwentuhan ng hindi maganda tungkol sa kapitbahay ninyong si Liza.

a)

ISIP

b)

KILOS LOOB

22.

Para sa bilang 2 at 3: Si Rona ay mahilig sa tsokolate subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes naging maingat na siya sa pagpili ng kanyang kinakain kahit gustung-gusto niya ito. Bakit kaya ni Rona na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kanyang damdamin?

a)

Ang tao ay may kamalayan sa sarili

b)

Malaya ang taong pumili o hindi pumili

c)

May kakayahan ang taong mangatwiran

d)

May kakayahan ang taong mag-abstraksiyon

23.

Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito?

a)

Magagawa ng taong kontrolin ang kanyang pandamdam at emosyon at ilagay ang paggamit nito sa tamang direksiyon

b)

Ang tao ang namamahala sa kanyang sarili at walang ibang makapagdidikta sa kanya ng kailangan niyang gawin

c)

Kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kanyang kakainin upang maiwasan ang pagkakasakit

d)

Hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya nga ang tao ay natatangi

24.

"Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensiyahan ang kilos-loob." Ano ang kahulugan nito?

a)

Walang sariling paninindigan ang kilos-loob

b)

Nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na impormasyon ng isip

c)

Kailangang maging matalino ang isip sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti

d)

Hindi maaaring maghiwalay ang isip at ang kilos-loob dahil magkakaugnay ang mga ito

25.

"Ang katotohanan ay ang tahanan ng mga katoto," ayon kay Fr. Roque Ferriols. Ano ang ibig sabihin nito?

a)

Ang katotohanan ay masusumpungan sa loob ng tahanan kung sama-samang hinahanap ito

b)

Ang katoto ay mga taong magkakasama sa tahanan

c)

May kasama ako na makakita sa katotohanan

d)

Ang katotohanan ay nakikita ng mga tao

26.

Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapwa?

a)

Kakayahang mag-abstraksiyon

b)

Kamalayan sa sarili

c)

Pagmamalasakit

d)

Pagmamahal

27.

Nabibigyang kahulugan ng isip ang isang sitwasyon dahil sa kamalayan at kakayahang mag-abstraksiyon. Kapag nabigyan ng kahulugan ang isang bagay o sitwasyon nagkakaroon ito ng tawag (calling) sa tao na dapat tugunan. Ano ang kaisipan mula rito?

a)

Nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo

b)

Nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapwa

c)

Napauunlad nito ang kakayahang mag-isip

d)

Nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob

28.

Ano ang tawag kapag tumugon ang tao sa obhektibong hinihingi ng sitwasyon?

a)

Pagmamahal

b)

Paglilingkod

c)

Hustisya

d)

Respeto

29.

Ang hayop ay may kamalayan sa kanyang kapaligiran dahil may matalas itong kakayahan upang kilalanin ang bagay na nakikita, tunog, o amoy ng kanyang paligid. Mayroon din itong pakiramdam. Mula sa mga pahayag para saan ang kakayahang ito ng hayop?

a)

Kailangang makita ang kakayahan ng hayop upang pahalagahan sila

b)

Ang kumilos upang pangalagaan o protektahan ang kanyang sarili

c)

Mapaunlad ng hayop ang mga kakayahang ito

d)

Upang maihalintulad ito sa kakayahan ng tao