wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Sanhi at Bunga

Total questions: 10

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Nagluto ng espesyal na almusal ang magkakapatid pagka’t nais nilang masorpresa si Nanay sa kanyang kaarawan.

(a)  

2.

Lumubog ang malaking barko sapagka’t ang bilang ng mga pasahero roon ay labis sa kapasidad nito.

(a)  

3.

Bumili ng mga bagong kagamitan para sa eskuwela sina Jun at Erica kasi malapit na ang pasukan.

(a)  

4.

Pinahintulutan ni Aling Tessie na maligo ang mga bata sa ulan kasi wala namang kulog at kidlat.

(a)  

5.

Dahil paulit-ulit na sinabi ni Anita ang numero ng cellphone ng kanyang kaibigan, nasaulo niya ito.

(a)  

6.

Tiniis niya ang kahirapan ng trabaho dahil nais niyang bigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak.

(a)  

7.

Malaki ang nabago sa hitsura at laki ng kanyang katawan kaya hindi ko siya agad namukhaan.

(a)  

8.

Nakalabas ang tuta kasi naiwan na nakabukas ang gate.

(a)  

9.

Naunawaan ni Gabby ang aralin kung kaya’t tama lahat ang sagot niya sa pagsasanay.

(a)  

10.

Malayo sa kabihasnan ang baryong tinitirhan ni Susan kaya mahirap itong puntahan.

(a)