wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 4

Total questions: 40

Worksheet time: 40mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang pinakamahalagang elemento ng isang bansa?

a)

teritoryo

b)

soberanya

c)

mamamayan

d)

pamahalaan

2.

Alin ang itinuturing na teritoro ng isang bansa?

a)

ang lupang tinitirhan ng mga tao na sakop nito

b)

ang lahat ng lupang nasasakupan at ibig sakupin nito

c)

ang lahat ng lupa, katubigan, at himpapawid na nasasakupan nito

d)

lahat ng lupa sa kabit-bahay

3.

Kailan maituturing na isang estado ang isang bansa?

a)

kapag ito ay may maraming mamamayan

b)

kapag ito ay may malawak na teritoryo

c)

kapag ito ay mayroong kalayaan

d)

kapag ito ay may soberanya

4.

Kailan maituturing na tunay na nagsasarili o Malaya ang isang bansa?

a)

kapag ito ay may pamahalaan at soberanya

b)

kapag ito ay may mayamang teritoryo

c)

kapag ito ay may mga mamamayan

d)

kapag ito ay may pagkakaisa

5.

Paano nakakamit ng isang bansa ang pagiging isang estado?

a)

nakikipagkalakalan ito sa bansa

b)

ito ay kinikilala ng ibang bansa bilang estado

c)

mayroon itong matatg na sandatahang lakas

d)

mayroong pagkakaisa ang mga mamamayan nito

6.

Ito ay isang paraan ng pagtumbas sa tunay na sukat ng mga lugar sa mas maliit na sukat upang magkasya sa mapa.

a)

Mapa

b)

Longhitud

c)

Eskala

d)

Latitud

7.

Ito ay tumutukoy sa lokasyon ng mga lugar gamit ang isla o mga isla bilang batayan.

a)

Lokasyon Insular

b)

Lokasyong Tiyak

c)

Lokasyong Maritime

d)

Lokasyong Absolute

8.

Ito naman ay tumutukoy sa lokasyon ng mga lugar gamit ang mga malalaking anyong tubig bilang batayan.

a)

Lokasyon Insular

b)

Lokasyon Absolute

c)

Lokasyon Tiyak

d)

Lokasyon Maritime

9.

Ito ay nakabatay sa kinalalagyan mula sa mga katabing pook nito ang _____________ isang bansa o ng isang lugar.

a)

relatibo

b)

relatibong lokasyon

c)

Lokasyong relatibo

d)

Lokasyong Binsinal

10.

Saan matatagpuan ang Asya?

a)

Timog Asya

b)

Timog Silangang Asya

c)

Hilagang Asya

d)

Silangan Asya

11.

Ito ay ayon sa ____________, ang karapatan ng isang bansang arkipelago (kapuluan) ay nakapaloob sa teritoryong sakop ng baselines.

a)

Exclusive Economic Zone

b)

Archipelagic Doctrine

c)

Latitud

d)

Longhitud

12.

Ito ay ang teritoryong tubig ng Pilipinas na may lawak na 12 nautical miles sa palibot ng bansa.

a)

Exclusive Economic Zone

b)

Archipelagic Doctrine

c)

Longhitud

d)

Latitud

13.

Ito ay isang patag na representasyon ng mundo.

a)

Globo

b)

Mapa

c)

Latitud

d)

Longhitud

14.

Tinatawag na ______________ ang isang eksperto sa paggawa ng mapa.

a)

Arkitekto

b)

Scientist

c)

Inhenyero

d)

Cartographer

15.

Nabuo ang mga pangalawang direksiyon sa ___________ ng dalawang magkalapit na pangunahing direksiyon.

a)

Pagtahi

b)

Pagbago

c)

Pagsama

d)

Paghiwalay

16.

Magbigay ng isang pangunahing Direksiyon.

(a)  

17.

Ano ang ibig sabihin ng HS sa pangalawang direksiyon.

(a)  

18.

Nakatutulong sa pagbibigay ng lokasyon ng isang lugar ang pagtukoy sa kinalalagyan ng mga katabing lugar nito. Ito ay tinatawag na _________ lokasyon.

a)

pangalawang

b)

pangunahing

c)

relatibong

d)

isang

19.

Magbigay ng isang katangian ng sobrenya.

(a)  

20.

Isulat ang tama kung tama ang pahayag, mali naman kung hindi.


Nasa gawing timog ng Pilipinas ang Brunei at Malaysia.

(a)  

21.

Ilagay ang bilang ng babala o signal (Signal #1, Signal #2, Signal #3, Signal #4)


Walang klase sa kolehiyo.

a)

3

b)

signal 3

c)

SIGNAL 3

d)

Signal # 3

22.

Ilagay ang bilang ng babala o signal (Signal #1, Signal #2, Signal #3, Signal #4)


Walang klase sa lahat ng antas ng paaralan.

a)

4

b)

Signal # 4

c)

SIGNAL #4

23.

Ano ang dapat gawin bago ang mga kalamidad o sakuna?

a)

Itali o ipako ang malalaking kagamitan upang hindi mahulog o matumba.

b)

Hindi gagawa ng anuman dahil matagal pa naman dumating ang kalamidad

c)

Magtatago sa mga liblib na lugar

d)

Magbibigay ng mga panis na pagkain sa kapit-bahay

24.

Ano ang iyong gagawin kapag lumilindol?

a)

Tumakbo papunta sa mga mga gusali

b)

Magsisigaw habang lumilindol

c)

Umiyak ng umiyak kung saan parte ka ng bahay

d)

Manatili sa iyong ligtas na lugar hanggang mawala ang pagyanig.

25.

Ano ang iyong gagawin pagkatapos ng lindol?

a)

Pumunta sa mga sirang bahay at makipagchismisan

b)

Suriin ang paligid. Alamin kung may mga gumuhong lupa o gusali. Lumayo sa mga ito.

c)

Panatili lamang sa mga sirang kagamitan

d)

Magtapon ng mga gamit sa loob ng bahay

26.

Ano ang mangyayari sa mga mababang lugar kapag may bagyo?

a)

Makakaranas ng magandang panahon dahil sila ay nasa mababang lugar

b)

Makakaranas ng pagbaha at pagguho ng mg lupa

c)

Magiging mabuti ang kanilang kinalalagyan

d)

Magsasaya sila dahil may bagyo

27.

Ang klima sa Pilipinas ay parating nagbabago.

a)

TAMA

b)

MALI

28.

Ang Pilipinas ay nakakaranas ng dalawang uri ng klima ang Mainit at Maulan na panahon.

a)

MALI

b)

TAMA

29.

May dalawang uri ng hangin ang hanging Amihan at Hanging Celebes

a)

MALI

b)

TAMA

30.

Bilang isang mamamayan sa lipunan paano ka makakatulong sa iyong pamilya kapag may kalamidad o sakuna na nangyayari sa kasalukuyan?

a)

Maliligo ng ulan

b)

Hindi ako lalabas ng bahay kapag may bagyo at pananatilihin ang pananampalataya sa Dyos sa panahon ng kalamidad

c)

Lalabas ng bahay upang makita ang mga nangyayari sa paligid

d)

Gagawa ng mga bagay na ikagagalit ng mga magulang

31.

Ang hugis ng mundo ay oblate spheroid.

a)

TAMA

b)

MALI

32.

Kabilang sa kontinente ng Asya ang Pilipinas.

a)

TAMA

b)

MALI

33.

Ang ekwador ay likhang-isip na patayong guhit sa gitna ng globo.

a)

TAMA

b)

MALI

34.

Bilang kapuluan sa Timog-silangang Asya, ang Pilipinas ay may mahabang baybayin sa buong daigdig dahil sa mga katubigang nakapalibot dito.

a)

tama

b)

mali

35.

Ang malalaking masa ng lupa na matatagpuan sa daigdig ay tinatawag na kontinente.

a)

TAMA

b)

MALI

36.

Sa panahon ngayon na laganap ang sakit dulot ng Covid19, makakabuti ba na maglakbay papunta sa mga bansa sa Timog Silangang Asya? Ipaliwanag ang iyong sagot.

4 lines
37.

Sa kabuuan, ang lokasyon o kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo ay masasabing __________.

a)

Layo-layo ang mga isla.

b)

Maliit na isla ngunit matubig.

c)

Matubig at watak-watak ang mga isla.

d)

Pahabang kapuluan na napapaligiran ng tubig

38.

Ang Asya ay nahahati sa limang rehiyon. Ito ay pinagpangkatpangkat upang __________.

a)

Mas makilala sa buong mundo.

b)

Mas madaling Makita sa mapa o globo.

c)

Mas madaling mapuntahan ng mga manlalakbay.

d)

Mas madaling mapag-aralan at maunawaan ang mga katangian nito bilang isang kontinente.

39.

Bakit madalas na dinaraanan ng bagyo ang Pilipinas?

4 lines
40.

Bakit mainit ang temperature sa ating bansa?

4 lines