WorksheetsWika Juander (Pagsasanay sa Kaantasan ng Pang-uri)
Total questions: 10
Worksheet time: 15mins
Alin sa sumusunod ang pang-uri na ginagamit kapag inihahambing ang kasipagan ng dalawang tao?
pinakamasipag
masipag
mas masipag
saksakan ng sipag
Ang Converge ang may _____________ ang koneksiyon sa lahat ng internet service provider sa Pilipinas.
mabilis
mas mabilis
pinakamabilis
hari ng bils
____________ ang koneksiyon sa Globe kaysa sa PLDT.
mabagal
mas mabagal
saksakan ng bagal
napakabagal
Ang pag-aaral noon ay _____________ kumpara ngayon.
nakapapagod
mas nakapapagod
di-gaanong nakapapagod
di-gasinong nakapapagod
Ang ECQ ang ____________ na uri ng kuwarantena sa buong bansa.
mahigpit
mas mahigpit
pinakamahigpit
higit na mahigpit
Magkasimputi na ang buhangin sa Manila Bay at Boracay. Nasa anong antas ang may salungguhit na pang-uri?
Lantay
Pahambing na Pasahol
Pahambing na Patulad
Pasukol
Sa paglalagay ng dolomite sand sa Manila Bay pihadong mas maraming lamag-dagat ang manganganib kaysa sa pagsasagawa ng natural na paraan ng rehabilitasyon dito. Nasa anong antas ang pang-uring ginamit?
Lantay
Pahambing na Pasahol
Pahambing na Patulad
Pasukol
Kung ikaw ay magkakaroon ng organisadong plano ng gawain di-gaanong mahirap para sa iyong makakuha nang mataas na puntos kumpara sa paggawa lang nagawain kung kailan pasahan na. Nasa anong antas ang pang-uring ginamit?
Lantay
Pahambing na Pasahol
Pahambing na Patulad
Pasukol
Tiktok ang pinakapatok na libangan sa kabataan sa panahon ng pandemya. Nasa anong antas ang pang-uring ginamit?
Lantay
Pahambing na Pasahol
Pahambing na Patulad
Pasukdol
Pang-uring Pasahol : _________________ ; Pang-uring Patulad : _______________?
pinakamalaya ; malaya
malaya ; pinakamalaya
mas malaya ; magkasinglaya
magkasinglaya ; mas malaya
