wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ALAMAT: KAHULUGAN, KATANGIAN, URI AT KATANGIAN

Total questions: 15

Worksheet time: 12mins

Name
Class
Date
1.

Sa pagdating naman ng mga Espanyol sa bansa ay saglit na nahinto ang paglaganap ng mga kuwentong-bayan at panitikang tulad ng alamat sanhi ng pagpapalaganap ng relihiyong Katolisismo.

a)

TAMA

b)

MALI

2.

Ito ay isang tuluyang kwentong nagsasalaysay ng mga tradisyong Pilipino. Karamihan sa kwentong-bayan ng mga Pilipino ay tungkol sa kanilang mga diyos at mga espiritu na siyang nagtatakda ng kapalaran ng tao.

a)

Alamat

b)

Kwentong Bayan

c)

Karanungan Bayan

d)

Bugtong

3.

Ito ay uri ng Di-etiolohikal na alamat na kung saan ang itinatampok dito ay ang mahahalagang yugto sa buhay ng mga dakilang tao.

a)

Alamat ng Relihiyon

b)

Alamat ng kabayanihan at Kasaysayan

c)

Alamat ng Pambihirang nilalang

d)

Alamat ng pinagmulan ng pook

4.

Ito ay uri ng Alamat na nakatuon sa mga pinagmulan ng mga anyong lupa, tubig, mga halaman o mga hayop.

a)

Etiolohikal

b)

Di- Etiolohikal

5.

Ito ay salaysay ng karaniwang kathang-isip lamang tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o pook. Ito din kwentong nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan na naglalaman ng pinagmulan ng isang pook, bagay, halaman, hayop, pangalan o katawagan, o iba pang bagay.

a)

Alamat

b)

Bugtong

c)

Kasabihan

d)

Tula

6.

Ang alamat ay artikulasyon ng kung paaano inuunawa ng ating mga ninuno sa paraang pasalaysay ang kanilang pamumuhay kung kaya naman marami sa alamat ay kakikitaan ng pagtalakay sa katutubong kultura, kaugalian, mga paniniwala, at gawi ng pamumuhay.

a)

TAMA

b)

MALI

7.

Ito ay bahagi ng alamat na kung saan makikita ang mga tauhan, tagpuan at suliranin sa kwento.

a)

Gitna

b)

Simula

c)

Wakas

d)

Kakalasan

8.

Sino ang bata na walang kalaro dahil sa katamaran niya sa pagligo at paglilinis ng katawan?

a)

Alena

b)

Darna

c)

Daria

d)

Rosa

9.

Ito ay tumutukoy sa isang maikling katha na binubuo ng mga pangungusap na magkakaugnay, may balangkas, may layunin at pag-unlad ng kaisipang nakasaad sa pinapaksang pangungusap na maaaring lantad o di-lantad.

a)

Buod

b)

Pagsusuri

c)

Pangungusap

d)

Pagtatalata

10.

Ang wakas na bahagi ng Alamat ay binubuo lamang ng Kakalasan at katapusan.

a)

Tama

b)

MALI

11.

Ano elemento ng alamat na tumutukoy sa pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin na minsan ay sa sarili, kalikasan, sa kapuwa o maging sa lipunan?

a)

Kasukdulan

b)

Katapusan

c)

Tunggalian

d)

Suliranin

12.

Ito ay elemento ng alamat na kung saan naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ano ang elemento ng alamat ang binanggit?

a)

Kakalasan

b)

Kasukdulan

c)

Katapusan

d)

Saglit na kasiglahan

13.

Ito ang pinakamadulang bahagi na kung saan maaaring makamtam ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

a)

Kakalasan

b)

Kasukdulan

c)

Katapusan

d)

Tunggalian

14.

Batay sa tekstong binasa na may pamagat na Alamat ng Durian, Paano ipinakita ang tunggalian sa pagitan ng pangunahing tauhan at sa kanyang sarili o ng kanyang kapuwa?

4 lines
15.

Sa paanong paraan pinaniniwalaan ng mga sinaunang Pilipino nabubuo ang mga bagay at bahagi ng kalikasan at ano ang kaugnayan nito sa kasalukuyan?

4 lines