wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

DIAGNOSTIC TEST - FILIPINO

Total questions: 30

Worksheet time: 3600secs

Name
Class
Date
1.

Ang dengue ay maiiwasan kung ibayong pag-iingat ay isasaalang-alang. Palitan nang madalas ang tubig sa plorera. Linisin ang loob at labas ng bahay. Maging malinis sa tuwina. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa mga nabanggit na gawain?

a)

Maging malinis sa kapaligiran upang maiwasan ang sakit.

b)

Palitan lagi ang tubig sa plorera.

2.

Kapag may sipon o ubo, iwasan ang pagdura kung saan-saan. Takpan ang bibig at ilong kapag umuubo o bumabahin nang hindi makahawa sa iba.Uminom ng maraming tubig at magpahinga. Ano ang tinutukoy ng mga nabanggit?

a)

Mga dapat gawin kapag inuubo at sinisipon.

b)

Uminom ng maraming tubig at magpahinga.

3.

Ugaliin ang pagkain ng mga prutas at gulay. Maraming bitamina ang nakukuha sa mga ito. Nakatutulong din ang mga ito upang mapanatiling malusog ang katawan. Ano ang tinutukoy ng mga nabanggit

a)

Ang mga prutas at gulay ay walang bitamina.

b)

Kumain ng mga prutas at gulay upang maging malusog ang katawan.

4.

Uminom ng walo o higit pang baso ng tubig sa araw-araw. Nakatutulong ito para sa mabilis na pagtunaw ng ating kinain. Ano ang tinutukoy dito?

a)

Kabutihang dulot ng sapat na pag-inom ng tubig.

b)

Ang masamang dulot ng pag-inom ng tubig araw-araw.

5.

Iwasang kumain ng junk food at pag-inom ng nakalatang inumin. May mga kemikal ito na hindi mabuti sa katawan. Ano ang tinutukoy dito?

a)

a. Pag-iwas sa pagkain ng junk foods at pag-inom ng nakalatang inumin.

b)

b. Mabuting maidudulot ng pagkain ng junk foods at pag-inom ng nakalatang inumin.

6.

Handang-handa na sina Nanay Carmen at Tatay Ramon. Dadalo sila sa pagtitipon nina Lolo at Lola. Anibersaryo ng kasal nila. Dapat ay naroon ang buong pamilya. Tinawag ni Aling Carmen ang mga anak. “Fe, Rey, nasaan na ba kayo? Bihis na kami ng Tatay ninyo.” “Nanay, may sinat po si Rey, isasama pa po ba ninyo kami?” tanong ni Fe. Dali-daling pumunta si Aling Carmen sa silid ng anak at hinipo ang ulo ni Rey. Nalaman niyang may sinat ito. Lumabas siya

at nang ito’y bumalik, nakabihis na ito ng damit pambahay. May dalang palangganang may tubig, botelya ng gamot, at yelo. Sino ang mag-asawa sa kuwento?

a)

Aling Carmen at Mang Ramon

b)

Aling Caren at Mang Ramon

c)

Aling Carmen at Mang Mon

7.

Saan pupunta ang mag-anak?

a)

sa kaarawan nina Lolo at Lola

b)

sa anibersaryo ng kasal ng Lolo at Lola

c)

sa binyag ng Lolo at Lola

8.

Ano ang nangyari kay Rey?

a)

nagsusuka

b)

sumasakit ang tiyan

c)

nilalagnat

9.

Anong uri ng ina si Aling Carmen?

a)

maalaga

b)

masikap

c)

madasalin

10.

Matutuwa kaya si Rey sa pag-aalaga sa kaniya ng ina?

a)

Oo

b)

Hindi

c)

Ewan ko

11.

Piliin ang tamang bilang ng pantig sa salitang masaya.

a)

1

b)

2

c)

3

12.

Alin ang tamang pagpapantig sa salitang pasyalan?

a)

pas-yal-an

b)

pas-yala-n

c)

pas-ya-lan

13.

Alin sa mga salita ang karaniwang ngalan o pambalana?

a)

mag-aaral

b)

Armando Reyes

c)

IIog Pasig

14.

14. Alin sa mga salita ang may tamang baybay?

a)

a. dekorasyon

b)

b. dekoration

c)

c. dikorasyon

15.

Si Aling Rosa ay mamimili sa palengke. Ang salitang may salungguhit ay pangngalang nagbibigay ngalan sa ______.

a)

tao

b)

lugar

c)

bagay

16.

Alin sa mga sumusunod ang tanging ngalan ng bagay?

a)

bag

b)

Mongol

c)

lapis

17.

Alin sa mga salita ang nagpapakita ng kayarian ng pangngalan na may katinig-patinig?

a)

itlog

b)

araw

c)

keso

18.

Ikaw ang napiling sumali sa patimpalak sa pagguhit. Alam mong may mas magaling pa sa iyo sa pagguhit. Ano ang gagawin mo?

a)

Sasali pa rin ako at ipapakita ko ang aking kakayahan.

b)

Sasabihin ko sa guro na may isa kaming kaklase na mas magaling sa akin sa pagguhit at hindi ako sasali.

19.

Nanonood ka ng paborito mong palabas sa telebisyon nang dumating ang iyong tatay at hiniling na ilipat ang estasyon sa basketbol. Ano ang iyong gagawin?

a)

Sasabihin ko sa tatay na maghintay na matapos ako sa panonood bago ko ilipat ang estasyon.

b)

Pagbibigyan ko ang tatay na ilipat ang estasyon sa palabas na basketbol.

20.

Dahil sa tagal ng pagkakakilala nila, ibinibigay ni Aling Doray ang kaniyang paninda kahit walang pambayad si nanay. Ano ang paksa sa pangungusap?

a)

Bawal umutang kay Aling Doray

b)

Walang tiwala si Aling Doray kay nanay

c)

Magsuki si Aling Doray at si nanay

21.

21. Minsan pinatawag ng Punong Barangay ang mga tindera kung ano ang maaari nilang magawa upang hindi masyadong mahirapan ang mga mamimili. Ano ang paksa sa pangungusap?

a)

a. May pagpapahalaga ang Punong Barangay sa kaniyang nasasakupan

b)

b. May reklamo ang mga mamamayan sa Punong Barangay

c)

c. May gulong nangyari sa mga tindera.

22.

“Bayani ka talaga, Sir!” wika ng mga bata. Napangiti siya at sinabing “ Kahit sino puwedeng maging bayani. O sige mga bata may gagawain pa ako. ” Ano ang angkop na diwa o kaisipan na nakapaloob sa binasa mo?

a)

Pwedeng maging bayani ang sinuman.

b)

Ilan lamang ang maaaring maging bayani.

c)

Ang guro lang ang totoong bayani.

23.

23. Si Gng.Gomez ay nagpunta sa Mindanao upang dalawin ang kaniyang nanay. Tuwang-tuwa ang nanay niya nang makita siya. May pasalubong siya na daster sa kaniyang nanay. Sino ang nagpunta sa Mindanao?

a)

a. si Gng. Reyes

b)

b. si Gng. Ruiz

c)

c. si Gng. Gomez

24.

Bakit siya pumunta ng Mindanao?

a)

dumalaw sa kaibigan

b)

dumalaw sa nanay

c)

dumalaw sa tatay

25.

Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit? Naliligo sila sa malinaw na tubig sa batis.

a)

malinis

b)

marumi

c)

malabo

26.

___________ kami ng gulay sa probinsiya sa sususnod na buwan.

a)

Magtatanim

b)

nagtanim

c)

Nagtatanim

27.

ito ang lugar kung saan nag-aaral ang mga mag-aaral. Saan ito?

a)

luksong-tinik

b)

silid-aralan

c)

balat-sibuyas

28.

Ang puno ng abokado ang ________ sa lahat ng mga puno sa bukid.

a)

pinakamayabong

b)

mayabong

c)

mas mayabong

29.

Ang sikat ng ________ ay nagbibigay ng bitamina D.

a)

buwan

b)

bituin

c)

araw

30.

Alin sa mga sumusunod ang salitang may diptonggo?

a)

kalabaw

b)

arnis

c)

bakod