wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagbabagong Morpoponemiko

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay ang anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensiya ng katabing ponema.

a)

asimilasyon

b)

morpoponemiko

2.

Makabuluhang yunit ng tunog na "nakakapagpabago ng kahulugan" kapag ang mga tunog ay pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita.

a)

ponema

b)

morpema

3.

Pinakamaliit na yunit na may kahulugan. Ito ay maaaring salita o bahagi lamang ng salita. Ito ay laging may kahulugang taglay sa sarili.

a)

ponema

b)

morpema

4.

Ito ay isa o ilang pantig na idinaragdag sa unahan, gitna o hulihan ng mga salitang ugat upang makabuo ng isang panibagong salita.

a)

makabuluhang tunog

b)

panlapi

5.

Ito ay ang mga panlaping nagtatapos sa -ng katulad ng sing- na maaaring maging sin- o sim-. Gayundin ang pang- na maaaring maging pan- o pam- dahil sa impluwensiya ng kasunod na katinig.

a)

asimilasyon

b)

asimilasyong ganap

6.

Ang pagbabagong nagaganap ay nasa pinal ba panlaping -ng.

a)

asimilasyong di ganap

b)

asimilasyong ganap

7.

Nagaganap ito kapag matapos na maging /n/ at /m/ ng panlapi dahil sa pakikibagay na kasunod na tunog ay nawawala pa ang sumusunod na unang titik ng salitang ugat at nananatili na lamang ang tunog na /n/ o /m/.

a)

asimilasyong ganap

b)

asimilasyong di ganap

8.

Tumutukoy sa ponemang nababago o napapalitan sa pagbuo ng mga salita.

a)

pagpapalit

b)

paglilipat

9.

Tinatawag na metatetis na nangangahulugang paglilipat ng posisyon ng mga ponema.

a)

paglilipat

b)

pagpapalit

10.

Ang pagkawala ng isang ponema or morpema sa isang salita. Maaari itong maganap sa unahan o gitna ng salita.

a)

pagpapalit

b)

pagkakaltas

11.

Tukuyin kung anong pagbabagong morpoponenimiko ang naganap sa salitang pandakot.

a)

asimilasyon

b)

pagpapalit

12.

Tukuyin kung anong pagbabagong morpoponenimiko ang naganap sa salitang pandalaga.

a)

asimilasyong ganap

b)

asimilasyong di ganap

13.

Tukuyin kung anong pagbabagong morpoponenimiko ang naganap sa salitang panali.

a)

asimilasyong ganap

b)

asimilasyong di ganap

14.

Tukuyin kung anong pagbabagong morpoponenimiko ang naganap sa salitang laroan-laruan.

a)

pagpapalit

b)

paglilipat

15.

Tukuyin kung anong pagbabagong morpoponenimiko ang naganap sa salitang katotoohan katotohanan

a)

pagdaragdag

b)

pagpapalit