wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Mabuting Pagsusuri (EsP Quarter 1, Week 1)

Total questions: 10

Worksheet time: 9mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang pinaka-angkop na tawag sa mga naririnig, napapanood, o nababasang impormasyon sa social media na mahirap paniwalaan dahil walang ibang detalye na sumusuporta nito?

a)

balita

b)

bulung-bulungan

c)

fake news

d)

tsismis

2.

Bilang isang social media user, paano mo malalabanan ang paglaganap ng fake news?

a)

Maging mapanuri sa lahat ng mga istoryang nakikita online.

b)

Maniwala kaagad sa mga pahayag kahit hindi ito napatotohanan.

c)

Mag-share ng mga artikulo kahit hindi nababasa ang buong istorya.

d)

Ang mga impormasyong nakukuha mula sa titulo ng balita ay sapat na upang maniwala sa mga ito.

3.

Tag-ulan na naman, nagbabala ang DOH na maari na namang kumalat ang sakit na dengue sa inyong lugar. Anong impormasyon ang kailangan mong malikom upang malabanan ng pamilya mo ang paglaganap ng sakit na ito?

a)

pagpapatibay ng mga bubong ng bahay

b)

pagsusuot ng face mask, gloves, at jacket

c)

pag-iimbak ng malinis na pagkain at maiinom na tubig

d)

paglilinis ng mga lugar na pinamumugaran ng mga lamok

4.

Saan mo maaaring makukuha ang pinaka-tama at totoong impormasyon tungkol sa pag-iwas sa sakit na Covid-19?

a)

kaibigan mong sikat na tiktoker

b)

pinsan na laging babad sa online games

c)

ninong mong doktor na mahusay sa twitter

d)

paboritong artista na may palabas sa youtube

5.

Narinig mo sa radyo na may nagpositibo pala sa Covid-19 sa inyong barangay. Kilalang-kilala mo ang pasyente kahit na hindi pinangalanan ito dahil isa lang naman ang bagong nakauwing LSI (locally stranded individuals) sa inyong lugar. Ang pasyente ay ama ng iyong kaklaseng si Bing na galit na galit ka dahil sa pagpapakalat niya ng maling impormasyon tungkol sa iyo sa facebook noong nakaraang taon. Ano ang gagawin mo?

a)

Ipakalat ang balitang ito sa facebook upang malaman din ng iba.

b)

Iti-text sa iba pang mga kaklase ang nangyari sa pamilya ni Bing.

c)

Puntahan ang bahay ni Bing upang tiyakin kung tama ba ang balita.

d)

Gawin nang mas masinsinan pa ang mga hakbang sa pag-iwas sa sakit.

6.

Dahil sa ipinatutupad na “new normal” ang ilan sa iyong mga kamag-aral sa ika-anim na baitang ay naisipang doon na lang muna sa kanilang bahay mag-aral sa kasalukuyan gamit ang Online Learning. Ang kanilang mga pamilya kasi ay may sariling kompyuter at internet sa bahay. Inaaya ka nila na ganun din ang gawin mo dahil sigurado na magingligtas ka sa sakit at makapag-chat pa kayo ng madalas. Ngunit alam mo na mahihirapan ang mga magulang mo sa pagbibili ng mga gadyet at ng palagiang pagbabayad ng internet. Ano ang sasabihin mo sa iyong mga kamag-aral?

a)

Hihinto ka muna sa pag-aaral.

b)

Pipilitin mo ang iyong mga magulang na bumili ng kinakailangang gadyet.

c)

Pupunta ka ng probinsiya at doon mag-aaral kahit na hindi naman totoo.

d)

Pisikal na papasok sa pinakamalapit na paaralan kasabay ang mahigpit na pagsunod sa mga alituntunin ng pamahalaan.

7.

Pinapanatiling nasa ilalim ng GCQ ang inyong lugar kahit na bumababa na ang naitalang kaso ng Covid-19. Pinadalhan ka ng text ng iyong kaibigan at inimbita ka na lumabas ng bahay upang sabay kayong pupunta sa isang nakatagong internet cafe at maglaro ng inyong kinagigiliwang video games. Ngunit mariin na ipinagbilin ng iyong ina bago pumasok ito sa trabaho, na kinakailangan mo talagang manatili sa loob ng iyong tahanan sa mga panahong ito. Ano ang gagawin mo?

a)

Lalabas ng bahay at samahan ang kaibigan, saglit lang naman ito.

b)

Huwag pansinin ang kaibigan dahil masama ang kanyang binabalak.

c)

Kukumbinsihin ang sarili na walang masama sa paglabas kasama ang kaibigan.

d)

Kakausapin siya tungkol sa kahalagahan ng pananatili sa loob ng bahay dahil sa banta ng Covid-19.

8.

Natuklasan mo mula sa isang facebook post na ang prutas na saging pala ay isang mabisang gamot laban sa Covid-19. Ayon sa ulat, nagkakaubusan na ng saging sa maraming pamilihan sa inyong lugar dahil sa impormasyong ito. Kaagad mong ibinahagi ito sa iyong mga magulang kaya lang sinabi nila sa iyo na ang balitang ito ay isang fake news. Ano ang gagawin mo?

a)

Iisipin na hindi ka pinaniniwalaan nila dahil ikaw ay bata pa.

b)

Magalit sa mga magulang dahil wala silang pakialam sa iyo.

c)

Magsaliksik pa mula sa mga maaasahang mapagkukunan ng balita.

d)

Dagliang lalabas ng bahay upang bumili ng maraming saging.

9.

Isang kaibigan sa facebook ang nagpasa ng balita sa iyo na may isang taga-barangay na nag-positibo sa Covid-19. Sinabi niya sa iyo na hindi talaga sa kanya galing ang naturang balita kundi ito ay ipinasa rin sa kanya mula sa isang nababahalang netizen. Dagdag pa niya na kaya ipinasa niya ito sa iyo ay upang makaiwas ka at ng buo mong pamilya na mahawaan sa nasabing virus. Mariin din niyang sinabi sa iyo na kailangan mo ring ipasa ang impormasyon na ito sa iba pa upang sila rin ay makaiwas sa sakit. Ano ang gagawin mo sa kanyang panawagan?

a)

Madaliang ilagay sa iyong facebook wall ang balita

b)

Ipasa kaagad sa mga kaibigan at kamag-anak ang impormasyon.

c)

Magtanong sa mga magulang kung totoo ang balita.

d)

Huwag pansinin ang balita ng kaibigan, natanto mo kasing nakahiligan na niya ang pagtsi-tsismis.

10.

Narinig mo mula sa isang kaibigan na nahihirapan na ang kanyang pamilya sa paghahanap ng bigas dahil sa community quarantine. Hindi na nakapagtrabaho pa ang kanyang ama at kapos daw ang tulong na natanggap nila mula sa inyong barangay. Awang-awa ka sa iyong kaibigan. Nais mong makatulong sa kanyang pamilya lalo na na marami pa kayong bigas sa bahay. Gayunpaman, palaging ipinapaalala sa iyo ng iyong mga magulang na hindi ka pinahihintulutan nila na lumabas ng bahay. Ano ang gagawin mo?

a)

Papuntahin ang kaibigan sa inyong bahay.

b)

Palihim na dalhan ng bigas ang kaibigan.

c)

Magpatulong sa magulang upang matulungan ang kaibigan.

d)

Magalit sa barangay dahil hindi nila lubos na natulongan ang kaibigan.