NEW
Font size
WorksheetsAGRI QUIZ # 1
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
. Ang “compost pit” ay isang paraan ng pagbubulok ng basura sa _______.
isang kahong sisidlan
isang hukay
isang basket
Lahat ay tama
Nais mong gumawa ng abonong organiko ngunit wala kang sapat na lugar. Ano ang mainam at nararapat mong gamitin upang makagawa nito? ________
plastic cup
anumang sisidlang may sapat na laki
lumang gulong na hindi na ginagamit
karton
Ang mga organikong sangkap na nagtataglay ng sustansiya upang mapanatili ang maayos na kundisyon ng lupa ay ___________.
protina at “carbohydrates”
“nitrogen” at “phosphorus”
“calcium” at “magnesium”
“nitrogen”, “phosphorus” at
“potassium”
Mainam gumamit ng “compost” sa pagtatanim. Ano ang kabutihang naidudulot ng paggamit nito? __________
Pinalalambot nito at higit na pinatataba ang lupa.
Naibibigay ang sustansiyang kailangan na wala sa mga kemikal na abono.
Makatitipid sa tustusin sa paggamit ng kemikal na abono
Lahat ay tama.
Ilang metro ang lapad dapat ng isang compost pit?
1 metro
2 metro
5 metro
10 metro
Ilang buwan ang kailanganng hintayin bago magamit ang abono sa compost pit?
1 buwan
2 buwan
3 buwan
5 buwan
Mahilig sa paghahalaman si Mang Kardo.Marami siyang ipinunlang buto ng talong. Upang pangalagaan ang mga ito sa init ng araw, alin sa mga sumusunod ang tamang oras ng paglilipat ng punla.
pagsikat ng araw
katanghaliang tapat
hapon o makulimlim na ang araw
sa pagitan ng ika-10 at ika-11 ng tanghali
Kailangang _________ ang basurang nabubulok at di-nabubulok sa paggawa ng abonong organiko.
paghaluin
sunugin
paghiwalayin
tunawin
Ang “compost pit” ay inilalagay sa medyo mataas na lugar upang __________________.
madaling makita
hindi mapuno ng tubig-baha o ulan
madaling mabulok
maging maganda
Ilan ang pamamaraan sa paggawa ng abonong organiko?
isa
dalawa
tatlo
apat
