Font size
WorksheetsAP 5-Aralin 1
Total questions: 20
Worksheet time: 19mins
I-type ang iyong pangalan at section:
Ang Pilipinas ay isang _____ dahil binubuo ito ng maraming pulo.
peninsula
kontinente
bansa
arkipelago
Ilan ang pulo ng Pilipinas ayon sa pinakahuling tala noong 2017?
7,520
7,107
7,641
7,005
Ang mga sumusunod ay mga anyong tubig na nakapaligid sa Pilipinas maliban sa isa. Alin dito ang hindi makikita sa paligid ng ating bansa?
Dagat Celebes
Yellow Sea
Dagat Pasipiko
Kanlurang Dagat ng Pilipinas
Alin sa mga sumusunod na bansa ang HINDI nakapaligid sa Pilipinas?
Taiwan
Vietnam
Indonesia
India
Ang Pilipinas ay matatagpuan sa rehiyong ______ Asya.
Hilaga-Silangan
Hilagang-Kanluran
Timog-Silangan
Timog-Kanluran
Ang Karagatang Pasipiko ay nasa ______ ng Pilipinas.
kanluran
silangan
timog
hilaga
Ang linyang itinuturo sa litrato ay tinatawag na ______.
latitud
longhitud
ekwador
meridyano
Ito ay isang patag na representasyon ng daigdig:
globo
mapa
libro
papel
Gamit ang mga linya sa globo, malalaman natin ang
_______ ng isang lugar.
tiyak na lokasyon
tamang lokasyon
maling lokasyon
relatibong lokasyon
Lahat ng latitud at longhitud ay may sukat na 00 (zero degrees).
Tama
Mali
Kung ang _____ ay espesyal na uri ng latitud, ang ____ naman ay espesyal na uri ng longhitud.
ekwador; punong meridyano
punong meridyano; ekwador
ekwador; latitud
punong meridyano; longhitud
Ito ay logo ng isang app na ginagamit para malaman ang lokasyon ng mga lugar sa mundo. Ano ang tawag sa app na ito?
Google Earth
Google Maps
Google Globe
Google Streets
Ang klima sa Pilipinas ay tropikal. Ito ay nakararanas ng tag-init, taglamig, at tagsibol na panahon.
tama
mali
Sa pamamagitan ng pag-alam sa mga nakapaligid na anyong-____ at anyong-____ sa isang lugar, malalaman natin ang relatibong lokasyon nito.
anyong-gubat at anyong-dagat
anyong-lupa at anyong-tubig
anyong-lupa at anyong-hangin
anyong-tubig at anyong-bundok
Dahil ang Pilipinas ay isang arkipelago, madaling nasakop ng mga dayuhan ang ating bansa.
Tama
Mali
Dahil mainam ang lokasyon ng Pilipinas, maraming barko at eroplano na may dalang mga produkto ang dumadaan dito. Ito ay isa sa mga sentro ng _____ sa Asya.
agrikultura
turismo
pag-unlad
kalakalan
Ano ang pinagkaiba ng tiyak na lokasyon at relatibong lokasyon?
Magbigay ng dalawang epekto ng pagiging arkipelago ng Pilipinas sa pamumuhay at ugali nating mga Pilipino.
Ang lesson para sa araw na ito ay:
madali
mahirap
magkahalong madali at mahirap
