wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Inaasahang kakayahan at kilos

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Alin dito ang hindi kabilang sa palatandaan ng pag-unlad pangkaisipan sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata?

a)

Pantay ang pagtingin o pakikitungo sa kapwa

b)

Madalas malalim ang iniisip

c)

Nakagagawa ng mga pagpaplano sa hinaharap.

d)

Karaniwang na nararamdamang labis na mahigpit ang mga magulang.

2.

Madalas mairita sa mga nakababatang kapatid, ay palatandaan ng pag-unlad....

a)

Panlipunan

b)

Pandamdamin

c)

Pangkaisipan

d)

MOral

3.

Alin dito ang hindi kabilang?

a)

Alam kung ano ang tama at mali.

b)

Nahihilig sa pagbabasa.

c)

Pantay ang pagtingin o pakikitungo sa kapwa.

d)

Hindi nagsisinungaling

4.

Bakit mahalaga ang pagtamo sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad?

a)

upang magkaroon siya ng makakasundo na tutulong sa kanya upang matanggap sa isang pangkat na labas sa kanyang pamilya.

b)

upang mapatunayan sa lahat ng tao na may kakayahan siyang makipag-ugnayan nang maayos sa kanyang kasing-edad.

c)

upang magkaroon siya ng kalaro na magtuturo sa kanya ng pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad.

d)

upang masiguro niya na mayroong tao na tatanggap sa kaniyang mga kalakasan at kahinaan.

5.

Alin sa mga sumusunod ang hindi nagiging-daan sa pagtamasa ng pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad?

a)

Pagbabahagi ng problema sa malalapit na kaibigan.

b)

Nagkakaroon ng interes sa mga katapat na kasarian.

c)

Pinipili lamang ang mga magiging kaibigan.

d)

iniiwasan ang pakikipag-away.

6.

Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng palatandaan ng pag-unlad sa panahon ng pagdadalaga maliban sa:

a)

Nag-aalala sa kasikatan sa hanay ng kapwa tinedyer.

b)

Madalas malalim ang inisip.

c)

Hindi pantay na pagtingin o pakikitungo sa kapwa.

d)

Madalas na nag-aala sa kaniyang pisikal na anyo

7.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao maliban sa:

a)

Nagsisilbing pagganyak o motibasyon upang gawin ng isang nagdadalaga / nagbibinata ang inaasahan sa kanya ng lipunan.

b)

Nagtuturo sa isang nagdadalaga / nagbibinata ng mga nararapat na gawin na akma sa kanilang edad.

c)

Nagsisilbing gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng buhay.

d)

Nakatutulong upang malinang ang kakayahang iakma ang sarili sa mga bagong sitwasyon

8.

Masasabi lamang na ganap ang pakikipag-ugnayan kung handang ipaalam ang lahat sa kapwa. Ang pangungusap ay

a)

Tama , dahil ito ang magiging simula ng isang malalim napakikipag-ugnayan.

b)

Tama, dahil ito ay nagpapakita ng tiwala sa kapwa.

c)

Mali, dahil mahalagang magkaroon ng limitasyon upang hindi magamit ang mga impormasyon tungkol sa sarili laban sa kanya sa hinaharap .

d)

Mali, dahil sa kasapi ng pamilya lamang nararapat na sabihin ang lahat ng sikreto.

9.

Ang sumusunod ay ilan sa mga inasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata maliban sa_____

a)

Pagtatamo at pagtanggap ng maayos na ugali sa pakikipagkapwa

b)

Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad.

c)

Pagsisikap na makakilos ng angkop sa kanyang edad.

d)

Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki.

10.

Ang pagbabago ay may dulot na positibo at negatibo sa sarili. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng negatibong resulta?

a)

Nagkakaroon ng maingat na pagpapasya.

b)

Sumusunod sa batas

c)

Pagkakaroon ng mas maraming maraming oras sa pakikipag-barkada kaysa sa pamilya.

d)

maging mabuting mag-aaral.