wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

2. Lokasyon ng Pilipinas

Total questions: 30

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

PANUTO A: I-click ang letra ng tamang sagot.


Ano ang tawag sa pagtukoy ng lokasyon ng isang lugar gamit ang mga guhit latitud at guhit longhitud?

a)

Lokasyong Relatibo

b)

Lokasyong Absolute

c)

Lokasyong Bisinal

d)

Lokasyong Insular

2.

Anong batayang panglokasyon ang maaaring gamitin kung ang bansang Taiwan ay matatagpuan sa Hilagang bahagi ng Pilipinas?

a)

Grid

b)

Lokasyong Absolute

c)

Lokasyong Bisinal

d)

Lokasyong Insular

3.

Kung ang Pilipinas ay matatagpuan sa itaas ng 0o latitud, saang bahagi ng mundo ito makikita?

a)

Timog hating-globo

b)

Hilaga hating-globo

c)

Silangang hating-globo

d)

Kanlurang hating-globo

4.

Alin ang HINDI TOTOO tungkol sa lokasyon ng Pilipinas?

a)

Makikita ang Pilipinas sa Timog Silangang Asya.

b)

Nasa kanlurang bahagi ng mundo ang Pilipinas.

c)

Ang ating bansa ay nasa pagitan ng ekwador at Tropic of Cancer.

d)

Nasa istratehikong (strategic) lokasyon ang Pilipinas para sa transportasyon, komunikasyon at kabuhayan sa Timog Silangang Asya.

5.

Paano nakatutulong ang lokasyon ng Pilipinas sa ekonomiya ng bansa?

a)

Madalas itong daanan ng mga bagyo.

b)

Isa ito sa sentro ng kalakalan sa Asya.

c)

Ginamit itong base militar ng mga Amerikano.

d)

Malapit ito sa makapangyarihang bansa tulad ng China at Japan.

6.

Ano ang nakasaad sa Kasunduan (Treaty) ng Paris ng 1898 na may kinalaman sa teritoryo ng Pilipinas?

a)

Paglalarawan ng Pilipinas bilang isang kapuluan

b)

Pag-angkin ng Pilipinas sa mga katubigan at iba pang kalupaan

c)

Paglilipat ng pagmamay-ari sa teritoryo ng Pilipinas mula Spain patungo sa United States

d)

Paglilimita ng Estados Unidos at United Kingdom (UK) ng hangganan sa pagitan ng Sabah at Pilipinas

7.

Paano magiging mahirap sa pag-unlad ng ekonomiya o kabuhayan ng bansa ang pagiging isang arkipelago ng Pilipinas?

a)

Pagkakaroon ng iba’t ibang rehiyon

b)

Madali itong masakop ng ibang bansa.

c)

Pagdadala at paglilipat ng mga produkto

d)

Marami at malawak ang mga pangisdaan

8.

PANUTO B: Gamitin ang mapang pangmundo sa pagsagot. I-click ang letra ng tamang sagot.


Anong bansa ang matatagpuan sa lokasyong 0° Latitud at 105° S?

a)

Indonesia

b)

Singapore

c)

Thailand

d)

India

9.

Kung titingnan ang lokasyong 35° H at 135° S, anong teritoryo ang matatagpuan?

a)

Japan

b)

Taiwan

c)

North Korea

d)

West Philippine Sea

10.

Ano ang absolute location ng Pilipinas?

a)

5° - 21 ° T at 116 ° - 127 ° K

b)

18° - 21 ° H at 120 ° - 127 ° S

c)

10° - 28 ° T at 106 ° - 137 ° K

d)

4° - 21 ° H at 116 ° - 127 ° S

11.

Kung maglalakbay ka nang pakanluran, anong mga bansa matatagpuan sa parehong guhit latitud ng Pilipinas?

a)

Iraq-China-New Zealand

b)

Cambodia-India-Vietnam

c)

Norway-Egypt-Ecuador

d)

Mexico-Sri Lanka-Botswana

12.

Panuto: I-click ang letra ng tamang sagot.


Ang pambansang teritoryo ay binubuo ng kapuluang Pilipinas kabilang ang KALUPAAN, KATUBIGAN, at HIMPAPAWIRIN nito.

a)

Tama

b)

Mali

13.

Maraming Likas na Yaman tulad ng mga beach resorts at baybaying dagat ang Pilipinas.

a)

Tama

b)

Mali

14.

Wala sa estratihikong lokasyon sa Asya para sa turismo at kalakalan ang Pilipinas.

a)

Tama

b)

Mali

15.

Mahirap maglakbay sa Pilipinas dahil sa pagkakahiwahiwalay ng mga pulo.

a)

Tama

b)

Mali

16.

Mabilis na umunlad ang bansang Pilipinas dahil sa pagkakakaroon ng iba’t-ibang wika.

a)

Tama

b)

Mali

17.

Mahirap bantayan ang teritoryo Pilipinas dahil maraming pwedeng pasukan. Ito sng nsging dahilan sa mabilis na pananakop ng mga Espanyol.

a)

Tama

b)

Mali

18.

Ang Treaty of Paris ang unang dokumento na nagtatakda at naglalarawan ng hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas

a)

Tama

b)

Mali

19.

Kailangan pahalagahan ang teritoryo ng Pilipinas.

a)

Tama

b)

Mali

20.

Tungkulin ng bawat mamamayan na pangalagaan ang teritoryo ng bansa.

a)

Tama

b)

Mali

21.

Ito ang linyang nagmumula sa Hilagang Polo patungong Timog Polo

a)

Ekwador

b)

Parallel

c)

Meridian

d)

Grid

22.

Pagkuha ng lokasyon ng isang bansa gamit ang pagtukoy sa mga kalapit na karagatan, dagat o iba pang anyong tubig.

a)

Tiyak na Lokasyon

b)

Lokasyong Bisinal

c)

Pagkuha ng Lokasyon

d)

Lokasyong Maritima

23.

Siya ang tagagawa ng mapa

a)

Manunulat

b)

Kartograpo

c)

Arkitekto

d)

Maritimo

24.

Pagtukoy sa lokasyon ng isang bansa o lugar batay sa mga kalapit nitong bansa

a)

Lokasyong Bisinal

b)

Tiyak na Lokasyon

c)

Lokasyong Maritima

d)

Pagkuha ng Lokasyon

25.

Ayon sa Kasunduan sa Paris, magkaano ang ibinigay ng Amerika sa Espanya kapalit ang bansang Pilipinas?

a)

5 milyong dolyar

b)

10 milyong dolyar

c)

15 milyong dolyar

d)

20 milyong dolyar

26.

Ilan ang mga pulo sa Pilipinas?

a)

7, 641

b)

7, 107

c)

6, 641

d)

6, 107

27.

Ang Kasunduan sa Washington ay tinatawag ding ________________.

a)

Kasunduan sa Paris

b)

Kasunduan sa Britanya

c)

The Cession Treaty

d)

The Cession of Paris

28.

Ilan ang kabuoang bilang ng mga rehiyon sa ating bansa?

a)

16

b)

17

c)

18

d)

19

29.

Ang teritoryo ng Pilipinas ay binubuo ng kalupaan, katubigan at espasyong panghimpapawid. Tama o Mali?

a)

Tama

b)

Mali

30.

Ano ang pinakamalaking pulo sa Pilipinas?

a)

Luzon

b)

Visayas

c)

Samar

d)

Mindanao