WorksheetsUnang Markahang Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao - G5
Total questions: 50
Worksheet time: 50mins
Narinig mo sa iyong kapitbahay na mayroong darating na malakas na lindol sa inyong lugar. Ano ang nararapat mong gawin?
Ibalita kaagad ang narinig.
Suriin muna kung totoo ang balita.
Aalis kaagad sa inyong lugar
Ano ang dapat gawin kung makaririnig ng balita sa telebisyon man o pahayagan?
Maniwala kaagad
Isangguni sa kinauukulan ang narinig
Ipagkalat agad ang balita
Narinig mo sa radyo ang balita na mayroong asong ulol na nangangagat ng mga bata na nagiging sanhi ng kanilang pagkamatay dahil sa rabies. Paano mo ito ibabahagi?
Ipaalam ang balita sa punong barangay
Balewalain ang narinig na balita
Hayaan ang iba na makaalam nito.
Alin sa mga sumusunod ang magandang balita?
Ang pag-aagawan ng teritoryo.
Ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa
Ang lindol na naganap sa Batangas
Sa pagbabalita pawang _______lamang ang dapat manaig upang magkaroon nang maayos na pamayanan.
Katotohanan
Kasinungalingan
Katapangan
Nakita mong nasusunog ang bahay ng iyong kapitbahay. Ano ang iyong gagawin?
Hindi papansinin ang nasunugang kapitbahay
Ipaalam ang balita sa punong barangay
Aalis ng walang pakialam
Nabalitaan mo sa iyong kapitbahay na nanakawan ang inyong bahay ng mga mahahalaga at mamahaling kagamitan. Ano ang iyong gagawin.
Maniniwala kaagad sa balita at magsusumbong na sa mga pulis.
Uuwi ako ng bahay upang masigurado kung tunay nga ang balita
Babalewalain ang balita
Alin sa mga sumusunod ang magandang balita?
Ikaw ay pinagkalooban ng gantimpala ng iyong guro dahil sa iyong husay sa pag-aaral
Ikaw ay nakipag-away sa iyong kaklase
Ikaw ay naging palasagot sa iyong guro
Narinig mo ang balita sa telebisyon na bawal lumabas ang mga kagaya mong bata upang maglaro sa lansangan dahil sa sakit na covid-19. Ano ang iyong gagawin?
Sumunod sa ordinansa o batas na ipinatupad ng pamahalaan
Babaleawalain ang balita
Lalabas ng bahay upang maglaro sa lansangan.
Ibinalita sa iyo ng iyong kaibigan na may darating na malakas na bagyo sa susunod na araw. Ano ang iyong gagawin?
Maniniwala agad
Ipagkakalat ang balita
Suriin muna ang balita kung totoo ang balita
Narinig mo sa radyo na may 3 bagyong nabubuo papasok sa ating bansa. Ano ang dapat mong gawin?
Maghanda ng mga kakailanganin tulad ng emergency kit
Hindi papansinin ang balita
Ipagkakalat ang balita sa lahat
Sinabi ng iyong kaibigan na lumiban sa klase ang iyong kapatid. Ano ang iyong gagawin?
Maniniwala kaagad
Tatanungin ko ang aking kaptid kung totoo nga na siya ay lumiban sa klase
Hindi papansinin ang kaibigan
Alin sa mga sumusunod ang magandang balita?
Ako ay binigyan ng mataas na grado ng aking guro sa aking proyekto
HIndi ako gumagawa ng mga iniaatas na gawain
Hindi ako nakikinig sa aking guro.
Nasaksihan mo ang iyong pinsan na kumuha ng tinapay sa inyong tindahan. Ano ang iyong gagawin?
Isusumbong ko agad sa may tindera
Ipagpapasawalang bahala ko na lamang ang aking nakita
Kokomprontahin ko ang aking pinsan at tatanungin ko kung bakit niya iyon nagawa
Ang pahayag ay isang _________kung ito ay mapatutunayan sa pamamagitan ng mga ebidensya.
Katotohanan
Kuro kuro
Kasinungalingan
Batay sa tala ng Departamento ng Edukasyon ngayong taon ay lumaki ang bilang ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan.
Tama
Mali
Nararapat lamang na humingi ng paumanhin sa nagawang pagkakamali dahil sa maling imporamasyon
Tama
Mali
Hindi ko na kailan man mapapatawad ang mga taong nagbibigay ng maling impormasyon.
Tama
Mali
Lahat ng napapanood natin sa telebisyon at naririnig na mga katatawanan sa radyo ay dapat gayahin.
Tama
Mali
Dapat suriing mabuti kung tama o makatotohanan ang mga balitang ating naririnig o nakikita.
Tama
Mali
Mas pinakikinggan ko ang impormasyon na nanggagaling sa aking mga naririnig sa ibang tao kaysa sa mga impormasyon na nagmumula sa telebisyon o radyo.
Tama
Mali
Maaari mong mailigtas ang ating kapwa sa pagbibigay ng tama at makatotohanang impormasyon.
Tama
Mali
Iniiwasan ko na makinig ng mga balita na ng walang basehan.
Tama
Mali
Ayon sa bibliya, ang taong may mabuting kalooban ay pinagpapala.
Tama
Mali
Ayon sa sampung utos ng diyos, bawal o masama ang magnakaw.
Tama
Mali
Isa sa mga kultura nating mga Pilipino na ang pagmamano ay simbolo ng paggalang sa nakatatanda.
Tama
Mali
Maaari tayong makapagpasaya ng ating kapuwa sa pamamagitan ng mga salitang ating ginagamit.
Tama
Mali
Iniiwasan ang pamamasyal upang hindi makasagap ng mga huwad na impormasyon.
Tama
Mali
Mas mainam makinig ng balita sa telebisyon o sa radyo sapagkat ito ay naglalaman ng tama at makatotohanang impormasyon.
Tama
Mali
Pinaniniwalaan agad ang mga balitang hindi mo pa nakikita o naririnig.
Tama
Mali
Maraming kaalaman ang mababasa natin sa komiks.
Tama
Mali
Sa diksyunaryo natin makikita ang kahulugan ng mga salita.
Tama
Mali
Marami tayong matututunan sa pagbabasa.
Tama
Mali
Lahat ng napapanood sa telebisyon ay pawang kabutihan.
Tama
Mali
Ang paglalaro ng video games ay nakatutulong sa mga kabataan ngayon.
Tama
Mali
Naibabahagi ko ang mga magandang bagay na nakikita ko sa mga palabas
Tama
Mali
Naisasabuhay ko ang mga magandang aral na aking nakita sa telebisyon.
Tama
Mali
Nakagagawa ako ng sariling desisyon batay sa aking nakita/narinig sa balita sa radyo at telebisyon.
Tama
Mali
Nagagamit ng may pag-iingat ang mga babasahing tulad ng aklat, dyaryo, komiks at iba pa.
Tama
Mali
Nagagawa kong maging maingat sa paggamit ng multi-media tulad ng computer at cellphone
Tama
Mali
Ang pagbabasa ng aklat at magasin ay nakadaragdag sa iyong kaalaman at kakayahan
Sumasang-ayon
Hindi Sumasang-ayon
Paglalaro ng computer games kaysa paggawa ng takdang-aralin.
Sumasang-ayon
Hindi Sumasang-ayon
Pagbabasa ng dyaryo upang malaman ang mga pangyayari sa loob at labas ng bansa
Sumasang-ayon
Hindi Sumasang-ayon
Pagpapahalaga sa panonood ng telenobela kaysa sa mga balita.
Sumasang-ayon
Hindi Sumasang-ayon
Pakikinig ng mga programa sa radyo na nagtuturo ng paggawa ng makabuluhang bagay.
Sumasang-ayon
Hindi Sumasang-ayon
Pagtulong at paggawa ng mga kapaki-pakinabang na gawain.
Sumasang-ayon
Hindi Sumasang-ayon
Paniniwala sa patalastas na napanood o narinig.
Sumasang-ayon
Hindi Sumasang-ayon
Pagkalap sa iba't ibang sanggunian ng mga impormasyon sa tuwing pinagagawa ka ng pag-uulat sa klase.
Sumasang-ayon
Hindi Sumasang-ayon
Pagtimabang ng magkabilang panig sa isyu bago ka gumawa ng pagpapasiya.
Sumasang-ayon
Hindi Sumasang-ayon
Pagpapahalaga sa opinyon ng ibang tao kahit na ito ay iba sa opinyon mo.
Sumasang-ayon
Hindi Sumasang-ayon
