NEW
Font size
WorksheetsAP 1st Quarterly Assessment
Total questions: 45
Worksheet time: 2hrs 8mins
Ito ay tumutukoy sa mataas na lupang may matarik na gilid o dalisdis.
burol
lambak
talampas
bundok
Ano ang pinaka mataas na bundok sa Pilipinas?
Bundok Banahaw
Bundok Apo
bundok Bulusan
Bundok Halcon
Ano ang tawag sa hanay ng mga bundok?
burol
bundok
bulubundukin
bulkan
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng bulubundukin sa Pilipinas maliban sa isa.
Sierra Madre
Caraballo
Cordillera
Bulkang Pinatubo
Ito ay anyong lupa na maaring sumabog na nagbubuga ng mainit na putik o lava, buhangin o lahar at malalaking bato.
bundok
burol
bulkan
kapatagan
Ito ay tumutukoy sa anyong lupa na higit na mas mababa kaysa bundok.
bulkan
burol
talampas
kapatagan
Ito ang pinaka tanyag na burol sa Pilipinas. Kulay tsokolate kung tag araw at berde kung tag ulan.
Chocolate hills
Banat-i Hills
Himontagon Hills
Cassamata Hills
Ang mga sumusunod ay patag na anyong lupa maliban sa?
bundok
kapatagan
lambak
talampas
Ito ay tumutukoy sa isang malawak na patag na lupa.
talampas
kapatagan
lambak
burol
Ito ang pinaka kilalang kapatagan, tinawag itong "rice granary" dahil ito ang may pinaka malaking taniman ng palay.
Hilagang Luzon
Gitnang Visayas
Gitnang Luzon
Mindanao
Ito ay patag na lupa sa pagitan ng mga bundok.
kapatagan
talampas
burol
lambak
Ito ay isang patag na lupa sa itaas ng bundok.
kapatagan
talampas
lambak
bundok
Mainit ang klima sa mga talampas dahil sa mataas nitong kinaroroonan.
tama
mali
Ito ang tinaguriang "Summer Capital of the Philippines"
Tagaytay
Manila
Nueva Ecija
Baguio
Ito naman ang tinaguriang "little Baguio" dahil sa klima at lokasyon nito.
Benguet
Baguio
Tagaytay
Cabanatuan
Mahalaga ang mga anyong lupa sa komunidad dahil dito kumukuha ng kabuhayan ang mga mamamayan.
tama
mali
maaring tama o mali
Ang mga anyong lupa ay mga biyayang hindi dapat ingatan, pangalagaan o pahalagahan.
tama
mali
Ito ay isang bulkan na may perpektong kono na matatagpuan sa Albay.
Bulkang Taal
bulkang Pinatubo
bulkang Mayon
Dapat nating sunugin ang mga tuyong sanga at dahon sa paligid ng bundok.
mali
tama
Ito ang pinaka malakawak na anyong tubig. Maalat ang tubig nito.
dagat-sea
karagatan-ocean
ilog-river
sapa-stream
Ito ang sinasabing pinaka malalim na bahagi ng katubigan sa Pilipinas.
Philippine Deep
Philippine sea
Dagat Sulu
Ito ay maalat na katubigan na mas maliit kaysa karagatan.
Ilog- river
karagatan- ocean
dagat- sea
sapa- stream
Ito ay malawak na anyong tubig na halos napalilibutan ng lupa. Ito ang bukana ng dagat at nagsisilbing daungan ng mga barko.
lawa- lake
look-bay
dagat- sea
karagatan- ocean
Ito ang pinaka tanyag na look sa Pilipinas
look ng Maynila
look ng Iligan
Look ng San Miguel
Look ng Subic
Ito ang anyong tubig na napaliligiran ng lupa.
look- bay
dagat - sea
lawa- lake
talo - waterfalls
Ang malalaking lawa tulad ng lawa ng Laguna ay tinatayuan ng mga baklad at fish cage na nagsisilbing palakihan ng mga isda.
tama
mali
Ito ay anyong tubig kung saan dumadaloy mula sa mataas na lugar paibaba.Ito ay karaniwang tubig tabang.
lawa- lake
bukal- spring
ilog- river
talon - waterfalls
Ano ang pinaka kilalang talon sa Pilipinas?
Talon ng Pagsanjan
Talon ng Maria Cristina
Talon ng Tigis
Talon ng Agnaga
Ito ay isang malaking daloy ng tubig tabang na umaagos papunta sa dagat, lawa at iba pang ilog.
lawa - lake
look- bay
bukal - spring
ilog- river
Ito ang pinaka mahabang ilog sa Pilipinas
Ilog Cagayan
Ilog Pasig
Ilog agno
Ilog Cabuyao
Ito ay anyong tubig na nagmumula sa ilalim ng lupa, maaring malamig o mainit ang tubig dito.
lawa- lake
look- bay
bukal- spring
dagat- sea
Ito ay halimbawa ng bukal na pinagkukunan ng enerhiyang heotermal.
Tiwi Hot Spring
bukal ng Tongonan
bukal ng Pansol
Ito ay isang maliit na ilog. Karaniwang mababaw ang tubig.
lawa- lake
sapa- stream
look- bay
bukal- spring
Ang Pilipinas ay mayaman sa tubig alat at tubig tabang. Dapat nating pangalagaan ang ating mga likas na yaman dahil dito tayo kumukuha ng pang araw araw nating ikabubuhay.
tama
mali
Masdan ang larawan, anong direksiyon matatagpuan ang ospital?
kanluran
hilaga
silangan
timog
Saang bahagi matatagpuan ang simbahan
harap ng bata
likod ng bata
kanang bahagi
kaliwang bahagi
Matatagpuan ang pangalawang direksyon sa pagitan ng mga pangunahing direksiyon.
tama
mali
Masdan ang larawan anong lugar ang makikita sa timog silangan?
parke
botika
paaralan
palengke
Ito ay tumutukoy sa palapad na larawang nagpapakita ng kabuuang anyo ng isang lugar.
globo
mapa
pangunahing direksiyon
pangalawang direksiyon
Ito ay simbolong tumutukoy sa ____________?
ospital
paaralan
munisipyo
bahay
Ang nasa larawan ay halimbawa ng simbolo sa mapa na tumutukoy sa______________?
paaralan
simbahan
palengke
munisipyo
Ang mapang pangkomunidad ay gumagamit ng mga panandang bagay at lugar na matatagpuan sa isang komunidad.
tama
mali
Ano ang North Arrow?
ipinapakita nito ang lokasyon sa timog
itinuturo nito kung nasaan ang hilaga
nakaturo ito sa silangan
ipinapakita nito ang kanluran
Ang lugar nila Chesan ay nasa pagitan ng hilaga at silangan. Gusto niyang malaman ang eksaktong lokasyon ng kaniyang lugar. Kung titingnan mo ang pangalawang direksiyon. Saan matatagpuan ang kanilang tirahan?
hilagang kanluran
hilagang silangan
timog kanluran
timog silangan
Magiging mahirap ang paghahanap natin sa isang lugar kung gagamit pa tayo ng mapa. Dahil maraming nakasulat dito.
mali
tama
