wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Tagisan ng Talino Grade 1 Eliminantion Round

Total questions: 20

Worksheet time: 22mins

Name
Class
Date
1.

Kung ang patinig ay binubuo ng limang titik. Ilang titik naman binubuo ang katinig?

a)

dalawampu’t walong tititk

b)

dalawampu’t tatlong titik

c)

pitong titik

2.

Kung si Dr. Jose Rizal ay ang pambansang bayani ng Pilipinas, at si Emilio Aguinaldo naman ang kauna-unahang pangulo ng Republika ng Pilipinas. Sino naman ang kasalukuyang pangulo ng Republika ng Pilipinas.

a)

Dr. Wilma U. Galicia

b)

Rodrigo Roa Duterte

c)

Mrs. Corazon R. Ulep

3.

Kung si inay ay ang ilaw tahanan. Siya naman ang nagpapayo sa kanila ni ama sa pagpapalakad ng pamilya.

a)

kuya

b)

lolo

c)

ninong

4.

Ang mga salita ay binubuo ng pantig. Ilang pantig mayroon sa salitang kasaysayan?

a)

apat

b)

tatlo

c)

lima

5.

Ang paaralan ay mayroong iba-ibang lugar na ginagamit sa iba-ibang sitwasyon. Anong bahagi ng paaralan kung saan tinuturuan ng mga guro ang mga mag- aaral?

a)

silid-aralan

b)

silid-tulugan

c)

silid-aklatan

6.

Ito ay isa sa mahalagang pangangailangan ng mag-anak, dahil ito ang nagbibigay ng proteksiyon laban sa init o lamig, nagbibigay rin ito ng seguridad o kaligtasan laban sa masasamang tao.

a)

bahay

b)

pagkain

c)

pera

7.

Siya ang katuwang ni ama sa pag-aalaga ng kanilang mag-anak. Tinatawag din siya na ilaw ng tahanan.

a)

anak

b)

bunso

c)

ina

8.

Kung ang ating Punong-guro ay si Ginang Wilma U. Galicia. Sino naman ang pambansang bayani ng Pilipinas?

a)

Dr. Jose P. Rizal

b)

Rodrigo Roa Duterte

c)

Manuel L. Quezon

9.

Ang Araw ng mga guro ay ipinagdiriwang sa buwang ng Setyembre. Anong uri ng ngalan ang salitang Araw ng mg guro?

a)

bagay

b)

tao

c)

pangayayari

10.

Kung ang Lolo ay tumutukoy sa kasarian ng lalaki. Anong kasarian ng pangngalan naman tumutukoy ang kalendaryo?

a)

di-tiyak

b)

panlalaki

c)

walang kasarian

11.

Ang pamilya ang pinakamaliit na yunit ng isang komunidad. Anong uri ng pamilya ang may kasamang kamag-anak sa pamilya.

a)

extended family

b)

single-parent family

c)

two-parent family

12.

Kung ang tawag sa kapatid na babae ng tatay o nanay mo ay tiya. Ano naman ang tawag sa magulang ng nanay at tatay mo?

a)

ate at kuya

b)

lolo at lola

c)

tiyo at tiya

13.

Ang mga batang tulad mo ay kailangang matuto. Ito ang pook na ginagamit ng mga mag-aaral na nais matuto at tinatawag din natin na ikalawang tahanan.

a)

barangay hall

b)

ospital

c)

paaralan

14.

Kung ang doktor at nars pinangangalagaan nila ang kalusugan. Sino naman ang nagpapanatili ng kalinisan ng mga silid at iba pang bahagi ng paaralan.

a)

diyanitor

b)

guwardiya

c)

guro

15.

Ito ay pinakamaliit na yunit ng isang komunidad. Ito ang pangunahing nagbibigay ng pagmamahal sa bata.

a)

pamilya

b)

paaralan

c)

simbahan

16.

Si Liza ay masipag mag-aral kaya tuwang tuwa ang kaniyang ina dahil sa matataas niyang mga marka. Ang Liza at Ina ay halimbawa ng anong uri ng ngalan?

a)

bagay

b)

hayop

c)

tao

17.

Sa salitang Transportasyon ano ang kayarian ng pantig ang may salungguhit?

a)

KKPK

b)

KKPKK

c)

KPKKK

18.

Kung ang Alpabetong Ingles ay may dalawampu’t anim na titik. Ilan naman ang titik ng Alpabetong Filipino?

a)

dalawampu’t dalawa

b)

dalawampu’t tatlo

c)

dalawampu’t walo

19.

Kung ang pantangi ay tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o pangyayari. Ano naman ang uri ng pangngalan na tumutukoy sa karaniwang ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o pangyayari?

a)

pambalana

b)

pangngalan

c)

pantangi

20.

Ang tradisyon ang tawag sa mga nakagawiang gawain, mga kaugalian, at paniniwala. Ito ay isang uri ng tradisyon kung saan ang mga katolikong pamilya ay ipinagdirwang ang kapanganakan ni Hesus.

a)

bagong taon

b)

pista

c)

pasko