wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Tagisan ng Talino Grade 2 Elimination Round

Total questions: 20

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Uri ng komunidad kung saan dito makikita ang mga matataas na gusali, malalaking pamilihan, maraming sasakyan at iba pa.

a)

rural

b)

urban

c)

paaralan

2.

Ito ay ahensiya ng pamahalaan na nagbibigay ng mga pangalan sa mga bagyong pumapasok sa Pilipinas. Sila din ang nagbibigay babala kung may paparating na bagyo.

a)

DepEd

b)

DOH

c)

PAGASA

3.

Ang Pilipinas ay isang kapuluan. Saang Kontinente nabibilang ang bansang Pilipinas?

a)

Asya

b)

Amerika

c)

Europa

4.

Kung ang Lungsod ng Baguio ay tinatawag na Summer Capital of the Philippines. Saang lungsod naman makikita ang higanteng sapatos na sumisimbolo sa lungsod bilang Shoe Capital?

a)

Cavite

b)

Batangas

c)

Marikina

5.

Kung ang ating pambansang Prutas ay ang manga. Ano naman ang ating pambansang bulaklak?

a)

gumamela

b)

rosas

c)

sampaguita

6.

Kung ang ating Punong-guro ay si Ginang Wilma U. Galicia. Sino naman ang Pangulo ng pilipinas?

a)

Dr. Jose P. Rizal

b)

Rodrigo Roa Duterte

c)

Manuel L. Quezon

7.

Mahalaga ang bawat titik sapagkat ito ay bumubuo sa mga salita. Ilang patinig mayroon ang Alpabetong Filipino?

a)

apat

b)

lima

c)

tatlo

8.

Ito ay madalas makita sa paaralan, plasa, harap ng bahay-pamahalaan, harap ng himpilan ng pulisya, at iba pang tanggapan ng pamahalaan at ito rin ang sumasagisag ng ating bansa.

a)

bantayog

b)

gusali

c)

watawat

9.

Kung ang itaas na bahagi ng pambansang watawat ay kulay bughaw. Anong kulay naman ang nasa ibabang bahagi nito?

a)

dilaw

b)

puti

c)

pula

10.

Kung ang Philippine National Pulis ang humuhuli sa mga gumagawa ng kaguluhan at krimen. Anong kagawaran naman ng pamahalaan ang laging handang tumulong kung may sunog?

a)

Armed Forces of the Philippines

b)

Bureau of Fire Protection

c)

DSWD

11.

Kung ang mangingisda ay nanghuhuli ng isda. Sino naman ang gumagawa ng mga tinapay, biskuwit, at keyk?

a)

drayber

b)

doktor

c)

panadero

12.

Kung ang bulkan ay maaring pumutok anumang oras. Saang lalawigan matatagpuan ang aktibong bulkan na tinaguriang may perpektong hugis apa?

a)

Albay

b)

Batangas

c)

Catanduanes

13.

Uri ng komunidad kung saan dito makikita ang mga bangko, ospital, restoran, sinehan, tanggapan, supermarket, at iba pa. Maaaring Makita rin dito ang mga gusaling pampaaralan, pangkultura, pampamahalaan.

a)

komunidad na industriyal

b)

komunidad ng mga informal settler

c)

komunidad ng komersiyal

14.

Kung ang Alpabetong Ingles ay may dalawampu’t anim na titik. Anong Alpabeto naman ang mayroong dalawampu’t walong titik?

a)

Alpabetong Espanya

b)

Alpabetong Ingles

c)

Alpabetong Filipino

15.

Kung si Manuel L. Quezon tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa. Sino naman ang ating Pambansang Bayani?

a)

Dr. Wilma Galicia

b)

Dr. Jose Rizal

c)

Manny Pacquiao

16.

Kung ang Klaster ay tinatawag din na kambal-katinig. Ano naman ang tawag sa salitang nagtatapos na w at y?

a)

Diptonggo

b)

klaster

c)

pantig

17.

Kung sa salitang tsart, klerk,at engrande ay may kambal-katinig sa unahan, gitna at hulihan . Ano ang tawag sa mga salitang ito?

a)

Diptonggo

b)

klaster

c)

katinig

18.

Kung ang Buwan ng Nutrisyon ay ipinagdiriwang tuwing buwan ng Hulyo. Anong Buwan naman ipinagdiriwang ang buwan ng Wika?

a)

Agosto

b)

Hunyo

c)

Setyembre

19.

Ito ay tunay na pahayag ng nararamdaman o damdamin. Kailangang gawin ito ng maayos, mahinahon, at may paggalang.

a)

pagsabi ng saloobin

b)

paglalarawan

c)

pangungumusta

20.

Kung ang pabula ay kuwento ng mga hayop o element ng kalikasan ang mga tauhan at nag-iiwan ng aral sa mababasa. Ito naman ay tumutukoy sa pinagmulan ng isang bagay o pook.

a)

alamat

b)

maikling kuwento

c)

salawikain