wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pangangalaga sa Sarili

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Gabi na at nanonood ka pa ng palabas sa telebisyon. Pinatutulog ka na ng iyong nanay. Ano ang iyong gagawin?

a)

Ipagpapatuloy ko ang panonood.

b)

Ipasasara ko ang telebisyon sa nanay.

c)

Isasara ko ang telebisyon at matutulog.

d)

Isasara ko ang telebisyon nang padabog.

2.

Katatapos lang ninyong maglaro ng mga kaibigan mo. Umuwi ka na dahil pawis na pawis ka na. Ano ang iyong gagawin?

a)

Maliligo agad ako.

b)

Magpapalit agad ako ng damit.

c)

Matutulog muna ako para makapagpahinga.

d)

Manonood ako ng palabas sa telebisyon.

3.

Pinansin ng guro ang mahaba at marumi mong kuko sa daliri. Ano ang iyong gagawin?

a)

Iiyak at magsusumbong ako kay Nanay.

b)

Magagalit ako a gyro dahil napahiya ako.

c)

Gugupitin ko ang aking kuko pagdating sa bahay.

d)

Kakagatin ko ang mga kuko ko para luminis at umikli.

4.

Biglang umulan nang malakas nang kayo ay palabasin sa silid-aralan. Wala kayong payong. Ano ang iyong gagawin?

a)

Tatakbo ako pauwi.

b)

Makikisukob ako sa kaklase ko.

c)

Hihintayin kong huminto ang ulan.

d)

Hihiramin ko ang payong ng kaklase ko.

5.

Hindi ka makapasok sa paaralan dahil maysakit ka. May pagsusulit kayo nang araw na iyon. Ano ang iyong gagawin?

a)

Pipilitin kong pumasok dahil sa pagsusulit.

b)

Hindi ako papasok para makapagpahinga sa bahay.

c)

Hindi ako papasok para makapanood ako ng programa sa telebisyon.

d)

Papasok ako at dadalhin ko ang aking gamot.

6.

Ang mga bata ay dapat maligo _____________.

a)

minsan sa isang buwan

b)

minsan sa isang Linggo

c)

tuwing ikalawang Linggo

d)

araw- araw

7.

Ilang baso ng tubig ang dapat inumin sa isang araw?

a)

24

b)

16

c)

8

d)

4

8.

Ugaliing kumain ng gulay upang katawan ay lumusog.

a)

tama

b)

mali

c)

hindi

d)

di alam ang sagot

9.

Bakit dapat palaging nililinis ang ating mga buhok?

a)

para magkakuto

b)

para huwag humaba kaagad

c)

para humaba kaagad

d)

para maiwasang magkakuto

10.

Ilang beses dapat magsipilyo ng ngipin?

a)

wala

b)

1

c)

2

d)

3

11.

Ano ang dapat gawin matapos gumamit ng palikuran?

a)

magsuot ng guwantes

b)

ipunas ang kamay sa damit

c)

hugasang mabuti ang mga kamay

d)

amuyin ang kamay at wisikan ng tubig

12.

Pagkagising mo sa umaga, ano ang gagawin sa unan at kumot sa inyong silid tulugan?

a)

titiklupin ng maayos

b)

ipapatiklop sa nanay

c)

iiwan na lang

d)

itatambak sa ilalim ng kama

13.

Napansin mo na nagkalat ang mga laruan ng iyong kapatid sa inyong sala. Ano ang iyong gagawin?

a)

aayusin ko ito

b)

di ko ito papansinin

c)

itatapon ko ito

d)

uutusan ko si nanay na ayusin ito

14.

Naglilinis ka. Ano ang gagawin mo sa bunot at walis pagkatapos?

a)

pababayaan kong nakakalat

b)

itatapon ko na lang sa labas

c)

ilalagay sa tamang taguan

d)

uutusan ko ang tatay na itago ito

15.

Ano ang dapat gawin sa baso at plato na ginamit pagkakain?

a)

iiwan sa mesa

b)

ilalagay sa lababo at huhugasan

c)

uutusan ko si ate na hugasan ito

d)

wala sa nabanggit

16.

Tukuyin kung ang kagamitang ito Mouthwash

a)

Pansarili

b)

Pampamilya

17.

Tukuyin kung ang kagamitang ito Toothpaste

a)

Pansarili

b)

Pampamilya

18.

Tukuyin kung ang kagamitang ito sipilyo

a)

pampamilya

b)

pansarili

19.

Tukuyin kung ang kagamitang ito sabon

a)

pansarili

b)

pampamilya

20.

Tukuyin kung ang kagamitang ito suklay

a)

pansarili

b)

pampamilya