Font size
WorksheetsKabutihang Panlahat
Total questions: 14
Worksheet time: 31mins
1.Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng Pilosopiya sa Ateneo de Manial University, binubuo ng tao ang lipunan at binubuo ng lipunan ang tao. Ito ay nangangahulugang:
a. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan at hinuhubog ng lipunan ang mga tao
b. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pagsilang ay nariyan na ang pamilyang nag-aaruga sa kaniya; binubuo ng lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito.
c. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mg kontribusyon ang nagpapalago at nagpapatakbo dito; binubuo ng lipunan ang tao dahil ang lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng tao.
d. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aruga sa tao at dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito; binubuo ng lipunan ang tao dahil sa lipunan makakamit ang kaniyang kaganapan ng pagkatao.
- Ang salitang lipunan ay nagmula sa salitang ugat na lipon na nangangahulugang__________?
kasapi
common
pangkat
pamayanan
Manunulat at propesor na nagsabi na ang buhay ay panlipunan?
Dr. Jose Rizal
Aristotle
Jacques Maritain
Dr. Manuel Dy Jr.
Ito ay galing sa salitang Latin na communis na nangangahulugan common o nagkakapareho.
Komunidad
Lipunan
Barangay
Pamayanan
5.Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad?
a. Sa lipunan, ang nangingibabaw ay ang iisang tunguhin o layunin samantalang sa komunidad ang mahalaga ay ang pagkakabukod-tangi ng mga kabilang nito.
b. Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes, mithiin at pagpapahalaga samatalang sa komunidad, ang namumuno ang nagbibigay ng direksiyon sa mga taong kasapi nito.
c. Sa lipunan, ang namumuno ay inatasan ng mga mamamayan na kamtin ang mithiin ng mga kasapi nito samantalang sa komunidad ang mga tao ang nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang mga mithiin.
d. Sa lipunan, mas malaking pamahalaan ang nakasasakop samantalang sa komunidad ay mas maliit na pamahalaan.
6.Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay
b. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa
c. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapag-isa
d. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan
7.Ang mga sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:
a. Kapayapaan
b. Katiwasayan
c. Paggalang sa indibidwal na tao
d. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat
8.Ang tunay na tunguhin ng lipunan ay ang kabutihan ng kumonidad na nararapat na bumalik sa lahat ng indibidwal na kasapi nito. Ang salaysay ay nagpapahiwatig ng______?
Katotohanan
Opinyon
Kuro-Kuro
Likhang isip lamang
9. Ano ang tunay na layunin ng lipunan?
a. kapayapaan
b. kabutihang panlahat
c. katiwasayan
d. kasaganaan
10.Ano ang kabutihang panlahat?
a. Kabutihan ng lahat ng tao
b. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
c. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
d. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito
Lagyan ng check ang tatlong gawain na nagpapakita ng kabutihang Panlahat.
Paggalang ng dignidad ng tao
Pagtitipid para yumaman
Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat
Pagbibigay sa mga mahihirap upang may maipost sa facebook.
Kapayapaan
Upang masiguro ang katarungan ng isang lipunan kailangang nasisiguro ang tatlong sumusunod na bagay______. Lagyan ng check ang tatlong bagay na iyon.
Ginagalang ang karapatan
Hinahayaan ang maling gawain
Pinoprotektahan ang karapatan
Pinahahalagahan ang karapatan ng bawat isa.
Walang pakialam sa bawat karapatan.
Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat ay nasusukat sa tatlong pamamaraan.Lagyan ng check ang tatlong pamamaraan.
Pampublikong sistema ng pangangalaga sa kalusugan
Pagbubuklod buklod ng bawat isa.
Epektibong pampublikong kaligtasan at seguridad.
Kapayapaan ng puso ng bawat isa.
Malinis na kapaligiran at umuunlad na sistemang legal at pampolitika
Binubuo ang tao ng lipunan. Binubuo ng lipunan ang tao. Ang salaysay ay nagsasaad ng ______?
Opinyon
Haka -haka
Mali
Katotohanan
