NEW
Font size
WorksheetsWEEK 2 MODULE PABULA
Total questions: 10
Worksheet time: 4mins
Basahin ang nilalaman ng pabula at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot.
Bakit kaya lumapit si Tipaklong sa kaibigang Langgam?
a. dahil siya ay nagugutom
b. dahil masama ang panahon
c. may sakit si Tipaklong
d. tutulungan ni Langgam si Tipaklong
Ano kaya sa palagay mo ang katangian na ipinapakita ni Langgam sa akda?
a. laging masaya
b. masipag magtrabaho
c. masipag kapag tag-ulan
d. masipag at pinaghahandaan ang hinaharap
Sino ang mahilig magsaya, lumukso at kumanta?
a. Kuneho
b. Langgam
c. Pilandok
d. Tipaklong
Sa palagay mo, ano kaya ang mangyayari kay Langgam kung hindi siya nakapag-ipon ng pagkain at matatagalan pa ang pagtigil ng ulan?
a. hihingi ng tulong kay Tipaklong
b. pupunta sa kagubatan
c. maaaring siya ay malunod
posibleng magugutom, magkasakit at mamatay
Ano ang ipinahihiwatig sa pahayag, "Siguro matatagalan pa bago tumigil ang ulan", bigyang pansin ang salitang siguro.
a. ulan ng ulan
b. walang tigil sa kakaulan
c. natitiyak ang pagtatagal ng ulan
d. hindi natitiyak ang pagtatagal ng ulan
Sa palagay mo, ano ang motibo ni Langgam sa pagpapatuloy niya kay Tipaklong?
a. tuturuan niya ng leksiyon
b. natatakot siya kay Tipaklong
c. gusto niya itong pagsabihan
d. nagmalasakit at naawa sa kaibigan
Ano ang mahihinuhang mangyayari kay Tipaklong kung hindi naawa si Langgam?
a. magtatampo kay Langgam
b. magkakalagnat si Tipaklong
c. maghahanap ng pagkain sa kabukiran
d. maaaring magkasakit dahil sa gutom
Sa palagay mo, bakit hindi sumama si Langgam kay Tipaklong upang magsaya?
a. maghahanap siya ng ibang libangan
b. dahil inuuna ang pag-iipon ng pagkain
c. ayaw niyang kasama si Tipaklong
d. hindi siya marunong sumayaw
Ano ang nais ipakahulugan ng salitang pahiwatig?
a. pakuwento
b. paliwanag
c. parinig o pasabi
d. pasalaysay
Batay sa binasang akda, paano mo paghahandaan ang kinabukasan?
a. hihingi ng tulong sa kamag-anak
b. pagsusumikap, mag-ipon at magsinop
c. uunahin ang kasiyahan bago magtrabaho
d. paramihin ang kaibigan
