wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 10 Module 1 unang pagtataya

Total questions: 5

Worksheet time: 4mins

Name
Class
Date
1.

Alin ang hindi tinutukoy ng bahaging “madaling maging tao” sa kasabihang “Madaling maging tao, mahirap magpakatao?

a)

May isip at kilos-loob ang tao.

b)

May kamalayan siya sa kaniyang pagtungo sa kaniyang kaganapan.

c)

Tapat ang tao sa kaniyang misyon

d)

May konsensiya ang tao.

2.

Alin ang hindi tinutukoy ng bahaging “mahirap magpakatao” sa kasabihang “Madaling maging tao, mahirap magpakatao?

a)

Ito ang nagpapabukod-tangi sa tao sa kaniyang kapuwa-tao.

b)

Ibang mag-isip at tumugon ang bawat isa sa magkapatid na kambal kung maharap sa parehong sitwasyon.

c)

Nililikha niya sa kaniyang sarili ang mga katangiang nagpapabukod-tangi sa kaniya habang siya ay nagkakaedad.

d)

May kakayahan ang tao na itakda ang kaniyang kilos para lamang sa katotohanan at kabutihan.

3.

Alin ang nagpapahayag sa katangian ng tao bilang indibidwal?

a)

Ang tao ay may matibay na paninindigan, pagpapahalaga, at paniniwalang bukod-tangi sa lahat

b)

Hiwalay ang tao sa ibang tao dahil noong siya ay isinilang, nagsimula na siyang mag-okupa ng espasyong hiwalay sa ibang sanggol.

c)

Lahat ng tao ay pantay-pantay kahit magkakaiba ang mga katangian, pangarap at pagpapahalaga ng bawat isa.

d)

Bukod-tangi ang tao at naiiba sa kaniyang kapuwa dahil siya ang lumilikha ng kaniyang pagka-sino.

4.

Ano ang kahulugan ng pangungusap? “Ang tao bilang persona ay isang proseso ng pagpupunyagi tungo sa pagiging ganap na siya.

a)

Nililikha ng tao ang kaniyang pagka-sino sa pamamagitan ng pagsisikap.

b)

Lahat ng tao ay dumadaan sa proseso ng pag-unlad.

c)

Dapat magsikap ang lahat ng tao.

d)

Nagiging ganap ang tao dahil sa kaniyang pagpupunyagi.

5.

Aling yugto ng pagka-sino ng tao ang nagpapakita ng pagkamit ng kaniyang kabuuan, kaya hindi siya naiimpluwensiyahan ng pananaw ng nakararami dahil sa kaniyang matibay na paninindigan?

a)

Persona

b)

Personalidad

c)

Pagme-meron

d)

Indibidwal