Font size
WorksheetsFILIPIKNOW
Total questions: 20
Worksheet time: 3mins
Ang mito ay nagmula sa salitang latin na _____,na ang kahulugan ay Kuwento.
Myth
Muthos
Mythos
Akdang isinalasaysay ang mga kakaiba o kakatuwang nangyari sa buhay ng isang sikat, o kilalang mga tao.
Pabula
Alamat
Anekdota
Ito ay tumutukoy sa mga maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan.
Haiku
Tanaga
Tanka
Siya ang tinaguriang “father of English Essay”.
Alejandro G. Abadilla
Michael de Montaigne
Francis Bacon
Uri ng sanaysay na mayroong seryosong paksa at nilalaman.
Di-Pormal
Pormal
Tuluyan
Uri ng impormasyon , maging komposisiyon na naglalaman ng mga kuro-kuro o opinyon ng may-akda.
Sanaysay
Maikling Kuwento
Nobela
Akda na kung saan ang kuwento ay hango sa banal na bibliya
Pabula
Alamat
Parabula
Uri ng panitikan o mga panulat na nagsasaad ng totoong kwento.
Di-Piksiyon
Piksiyon
Prosa
Anyo ng panitikan na nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
Panitikan
Panulaan
Prosa
Pinakamakapangyarihan sa lahat ng Diyos at siya ang diyos ng kulog at kidlat sa Mitolohiyang Griyego.
Zeus
Poseidon
Neptune
Diyosa ng kagandahan at pag-ibig ng Mitolohiyang Griyego?
Venus
Aphrodite
Athena
Alin sa mga sumusunod na akda ang nabibilang sa Anyong Panulaan?
Tanaga
Alamat
Talumpati
Diyos sa ilalim ng lupa at diyos ng kamatayan ng Mitolohiyang Griyego?
Pluto
Hades
Ares
Diyos ng Karagatan sa Mitolohiyang Romano?
Poseidon
Vulcan
Neptune
Kilala sa tawag na kathambuhay, ito ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang kabanata.
Maikling Kuwento
Nobela
Sanaysay
Nagpapahayag sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng isang bansa.
Balita
Nobela
Maikling Kuwento
Ito ay mga tradisyonal na kuwento ng pantasya at kababalaghan na karaniwang tumatalakay sa buhay ng mga diyos, diyosa at iba pang makapangyarihang nilalang.
Parabula
Alamat
Mitolohiya
Mga panulat na nagpapahayag ng mga karanasan, damdamin, kaisipan o kwento ng isang tao.
Kuwento
Prosa
Panitikan
Ito ay sumasaklaw sa mga uri ng panulat na walang katotohanan, kathang-isip o gawa-gawa lamang?
Piksiyon
Di-Piksiyon
Tuluyan
Miss niyo na ba si Teacher Maricris?
OO
HINDI
