wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP Quiz

Total questions: 15

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Ang tawag sa guhit na humahati sa mundo sa Northern Hemisphere at Southern Hemisphere.

a)

hating globo

b)

ekwador

c)

digri

d)

globo

2.

Panimulang guhit longitude na nasa 0° at dumadaan sa Greenwich, England.

a)

prime meridian

b)

ekwador

c)

latitude

d)

longitude

3.

Siya ang kauna-unahang pangulo ng Katipunan

a)

Andres Bonifacio

b)

Jose Rizal

c)

Roman Basa

d)

Deodato Arellano

4.

Ano ang kahulugan ng pagpunit ni Bonifacio at ng kanyang mga kasama ng kanilang cedula?

a)

Pagpapalit ng bagong cedula sapagkat ito’y luma na.

b)

Pagpupunyagi ng mga katipunero sa pagkakatuklas sa Katipunan.

c)

Hudyat ng pagsisimula ng kanilang pakikipaglaban sa mga Espanyol.

d)

Naglalaman ng listahan ng mga kalaban ng katipunan.

5.

Kasama sa walong lalawigan na nag-alsa noong panahon ng himagsikan ang Cavite, Laguna, Maynila, Bulacan, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga at

a)

Mindoro Oriental

b)

Batangas

c)

Romblon

d)

Quezon

6.

Nagdesisyon ang mga katipunero na ituloy ang himagsikan dahil __________________.

a)

paparating na ang mga Amerikano

b)

nagbigay ng suporta ang Espanya

c)

nabulgar ang kanilang samahan

d)

napagtantong wala silang ginagawa

7.

Nahati ang pangkat ng mga Katipunero sa Cavite sa dalawa: ang ________ at _________.

a)

Magtanggol at Magsadia

b)

Magalang at Maglingkod

c)

Magsaya at Magdiwang

d)

Magdiwang at Magdalo

8.

Saang lugar nagtungo si Emilio Aguinaldo bilang pagsunod sa Kasunduan sa Biak-na-Bato?

a)

HongKong

b)

Guam

c)

Paris

d)

Barcelona

9.

Siya ang itinuturing na “Utak ng Katipunan”.

a)

Apolinario Mabini

b)

Emilio Jacinto

c)

Andres Bonifacio

d)

Melchora Aquino

10.

Saang bansa ginawa ang pambansang bandila ng Pilipinas?

a)

Japan

b)

HongKong

c)

Indonesia

d)

Singapore

11.

Bakit nagarote sina Padre Gomez, Burgos, at Zamora?

a)

Nahuli silang nagpupulong at nagpaplanong pabagsakin ang pamahalaan

b)

Hinikayat nila ang mga paring Pilipinong mag-alsa laban sa pamahalaan

c)

Napagbintangan sila na pinamunuan nila ang pag-aalsa sa Cavite

d)

Napagbintangan silang nakipagsabwatan upang pabagsakin ang pamahalaang Espanyol

12.

Ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda na unang inilathala sa Barcelona, Spain noong Pebrero 15, 1889.

(a)  

13.

Tawag sa mga paring Pilipino sa panahon ng mga Espanyol.

(a)  

14.

Samahang itinatag ni Rizal noong Hulyo 3, 1892 na naglalayon na magkaisa ang lahat ng Pilipino sa paghingi ng reporma sa mapayapang paraan.

(a)  

15.

Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng pangkat na ilustrado?

a)

Nakapag-aral sa ibang bansa.

b)

Namulat sa kaisipang liberal.

c)

Naglakbay sa ibang bansa.

d)

Sang-ayon sa mga patakaran ng Espanyol.