WorksheetsQUIZ-Aralin 3: Ang Kapaligirang Pisikal ng Aking Lalawigan a
Total questions: 20
Worksheet time: 15mins
1. Ito ang tawag sa anyo ng mga lugar sa bansa. Bahagi nito ang mga anyong-lupa at anyong-tubig.
a. Topograpiya
b. Sosyolohiya
c. Ekonomiya
d. Teorya
2. Ito ay uri ng anyong lupa na patag o halos pantay na lupa. Ito ay tinataniman ng mga palay, mais, niyog, pinya, abaka, at tubo.
a. tangway
b. baybayin
c. kapatagan
d. bulkan
3.Ito ay patag na lupa sa tabing-dagat. Angkop itong pasyalan at daungan ng mga sasakyang-pantubig na ginagamit sa pangangalakal at transportasyon.
a. tangway
b. baybayin
c. bundol
d. bulkan
4.Ito ay anyong-lupa na kung saan matatagpuan ang mga minahan ng metal at di metal na yamang nagbibigay ng hanapbuhay sa maraming mamamayan at ng malaking kita sa ating bansa.
a. tangway
b. talampas
c. bulkan
d. bundok
5.Ito ay anyong-lupa na may patag na lupain sa pagitan ng mga bundok.
a. tangway
b. talampas
c. bulkan
d. lambak
6.Ito ay anyong-lupa na katulad ng bundok ngunit ito ay may bunganga na nagbubuga ng kumukulong putik at bato kung pumuputok o aktibo.
a. lambak
c. talampas
c. baybayin
d. bulkan
7.Ito ay anyong-lupa na mas mababa kaysa sa bundok. Karaniwan itong ginagawang pastulan ng iba't ibang hayop.
a. burol
b. tangway
c. talampas
d. bundok
8.Ito ay mga tunaw na bato sa mainit na ilalim ng bulkan ang lumalabas mula sa bulkan bilang ______.
a. asupre o sulfur
b. lahar
c, lava
d. putik
9.Ito ay anyong-lupa na may magkakatabing bundok at mga burol.
a. bundok
b. bulubundukin
c. bulkan
d. talampas
10.Ito ay anyong-lupa na may patag na lupain sa mataas na lugar. Sa ingles ay tinatawag itong plateau at karaniwang malamig ang klima rito.
a. lambak
c. bundok
d. talampas
d. tangway
11.Ito ay anyong tubig na karaniwang nagmumula sa mataas na lugar sa kabundukan.
a. dagat
b. ilog
c. lawa
d. bukal
12.Ito ay karugtong ng dagat. Ito ay may liko sa baybayin kaya ang ibang bahagi nito ay napaliligiran ng lupa
a. look
b. talon
c. bukal
d. karagatan
13.Ito ay anyong-tubig na nagmumula sa mataas na lugar, bumabagsak ito pababa sa bangin.
a. bukal
c. kipot
c. talon
d. look
14.Ito ay anyong-tubig na nasa pagita ng dalawang pulo na hindi gaanong magkalayo. Nag-uugnay rin ito sa dalawang malalaking anyong-tubig.
a. bukal
b. dagat
c. talon
d. kipot
15.Ito ay isang anyong-tubig na napaliligiran ng lupa.
a. dagat
b. lawa
c. ilog
d. bukal
16.Ito katulad ng dagat ngunit ito ay mas malawak, malalim at malaking anyong-tubig.
a. lawa
b. look
d. dagat
d. karagatan
17.Ito ay tubig na nagmula sa ilalim ng lupa. Napagkukunan din ito ng lakas o enerhiya.
a. look
b. lawa
c. bukal
d. dagat
18.Ang Pilipinas ay nasa kanlurang bahagi ng ________.
a. Karagatang Atlantiko
b. Karagatang Indian
c. Karagatang Artiko
d. Karagatang Pasipiko
19.Ito ay pangunahing anyong-tubig sa ating bansa. Ito ay ang maliit na parte ng karagatan.
a. lawa
b. dagat
c. bukal
d. talon
20.Ito ay ang tanyag na talon na matatagpuan sa Laguna.
a. Talon ng Maria
b. Talon ng Pagsanjan
c. Talon ng Kawasan
d. Talon ng Tinago
