wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

SUMMATIVE TEST IN ARALING PANLIPUNAN (Grade 3)

Total questions: 41

Worksheet time: 54mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay ang patag na representasyon ng isang lupa na ipinapakita nito ang lokasyon at direksyon ng isang lugar.

a)

Globo

b)

Mapa

c)

GPS

2.

Alin sa mga ito ang hindi kabilang sa isang mapa?

a)

Simbolo o Pananda

b)

Mga Direksyon

c)

Populasyon ng Bansa

d)

Eskala o Scale

3.

Ito ang direksiyon na nasa pagitan ng timog at silangan.

a)

Hilagang Silangan

b)

Hilagang Kanluran

c)

Timog Silangan

d)

Timog Kanluran

4.

Ito ang nasa itaas o katapat na direksiyong timog.

a)

Hilaga

b)

Kanluran

c)

Silangan

d)

Timog

5.

Anong direksyon ang may sagisag na "TK"?

a)

Hilagang Silangan

b)

Hilagang Kanluran

c)

Timog Silangan

d)

Timog Kanluran

6.

Alin sa mga direksyong ito ang tinuturing isang pangunahing direksyon?

a)

Timog Kanluran

b)

Hilagang Silangan

c)

Silangan

d)

Hilagang Kanluran

7.

Anong direksyon ang may pulang ekis na marka?

a)

Hilaga

b)

Silangan

c)

Kanluran

d)

Timog

8.

Anong direksyon ang may pulang ekis na marka?

a)

Hilagang Kanluran

b)

Hilagang Silangan

c)

Timog Silangan

d)

Timog Kanluran

9.

Kung ikaw na nakatayo sa simbahan (letrang K), saang direksiyon ka tutungo kung ikaw ay pupunta sa bakery (letrang L)?

a)

Hilaga

b)

Timog

c)

Kanluran

d)

Silangan

10.

Kung ikaw ay nasa cinema (letrang E) at pupunta ka sa post office (letrang C) para magpadala ng liham, anong direksyon ka pupunta?

a)

Hilagang Silangan

b)

Hilagang Kanluran

c)

Timog Silangan

d)

Timog Kanluran

11.

Kung ikaw ay nasa bahay ninyo at pupunta ka sa ospital (letrang N), saang direksyon ka pupunta?

a)

Hilaga

b)

Timog

c)

Silangan

d)

Kanluran

12.

Anong uri ng mapa ito na kung saan ipinapakita ang iba't - ibang anyong lupa at tubig na mayroon ang isang lugar?

a)

Mapang Pangklima

b)

Mapang Politikal

c)

Mapang Ekonomiko

d)

Mapang Pisikal

13.

Anong uri ng mapa ito na kung saan ay ipinapakita ang iba't ibang produkto at likas na yaman na mayroon ang isang lugar?

a)

Mapang Politikal

b)

Mapang Pisikal

c)

Mapang Ekonomiko

d)

Mapang Pangklima

14.

Anong uri ng mapa ito na kung saan ay ipinapakita ang uri ng klima na nararanasan sa lugar?

a)

Mapa ng Populasyon

b)

Mapang Pangklima

c)

Mapang Pampolitikal

d)

Mapang Ekonomiko

15.

Anong rehiyon sa Pilipinas ang tinatawag na Gitnang Luzon na kung saan ang mga probinsya ay Nueva Ecija, Pampanga, Zambales, Aurora, Bataan, Tarlac at Bulacan?

a)

Rehiyon III

b)

CALABARZON

c)

MIMAROPA

d)

Rehiyon V

16.

Ilang probinsya mayroon ang Rehiyon III?

a)

6 (anim)

b)

7 (pito)

c)

8 (walo)

d)

9 (siyam)

17.

Anong uri ng simbolo ang nakikita sa larawan?

a)

Lambak

b)

Kapatagan

c)

Bundok

d)

Bulkan

18.

Anong uri ng simbolo ang nakikita sa larawan?

a)

Tangway

b)

Bulubundukin

c)

Lambak

d)

Talampas

19.

Isang uri ng anyong lupa na kung saan ito ay malawak at patag. Ang Gitnang Luzon ang pinakamalawak na ganito sa bansa.

a)

Bulubundukin

b)

Talampas

c)

Kapatagan

d)

Pulo

20.

Ang bulkan ay isang anyong lupa na may bunganga o butas at maaaring sumabog. Anong bulkan ang matatagpuan sa Zambales na kung saan ay pumutok noong 1991?

a)

Bulkan Taal

b)

Bulkan Mayon

c)

Bulkan Pinatubo

21.

Ito ay patag na lupa sa itaas ng isang bundok. Karaniwan itong nagtataglay ng malamig na klima katulad ng Baguo City at Tagaytay City.

a)

Lambak

b)

Bundok

c)

Pulo

d)

Talampas

22.

Ito ay isang uri ng anyong lupa na napaliligiran ng tubig. Ang Pilipinas ay isang bansa na binubuo ng 7, 641 na ganito. Ano ito?

a)

Kapatagan

b)

Bundok

c)

Talampas

d)

Pulo

23.

Ang tangway ay isang pahabang anyong lupa na nakakabit sa kalupaan ngunit ang iba nitong bahagi ay napapalibutan ng tubig. Sa Rehiyon III, anong probinsya ang halimbawa ng isang tangway?

a)

Pampanga

b)

Zambales

c)

Bataan

d)

Aurora

24.

Ito ay isang anyong lupa na mataas din ngunit mas mababa kaysa sa bundok. Karaniwang ginagawang pastulan dahil nababalot ito ng mga damo.

a)

Bundok

b)

Kapatagan

c)

Burol

d)

Lambak

25.

Ito ay patag at mababang anyong lupa sa pagitan ng mga bundok. Ang ________ ng Cagayan ang pinakamalaking anyong lupa sa bansa. Ano ito?

a)

Lambak

b)

Bulubundukin

c)

Kapatagan

d)

Bundok

26.

Sa bansang Pilipinas, ano ang pinakamataas na bundok?

a)

Bundok Samat

b)

Bundok Apo

c)

Bundok Arayat

d)

Bundok Hibok - Hibok

27.

Ito naman ang tawag sa mga hanay ng mga bundok na kung saan ang ___________ ng Sierra Madre ang pinakamahaba sa bansa. Ano ito?

a)

Bulubundukin

b)

Bundok

c)

Burol

d)

Pulo

28.

Isang uri ng anyong tubig na nagmumula sa mataas na lugar at bumabagsak paibaba. Ano ito?

a)

Karagatan

b)

Talon

c)

Kipot

d)

Look

29.

Ito ay isang mahabang anyong tubig na karaniwang umaagos papunta sa dagat. Ang ______ Cagayan ang pinakamahabang uri ng katubigan na ito sa bansa. Ano ito?

a)

Kipot

b)

Lawa

c)

Ilog

d)

Golpo

30.

Isang makitid o makipot at pahabang anyong tubig na nakapagitan sa dalawang pulo na hindi gaanong magkalayo.

a)

Golpo

b)

Look

c)

Dagat

d)

Kipot

31.

Ito ay isa ring malaking anyong tubig ngunit higit na mas malaki ang karagatan kasya rito. Ano ito?

a)

Look

b)

Ilog

c)

Dagat

d)

Talon

32.

Ang karagatan ay ang pinakamalalim at pinakamalawak na anyong tubig. Mayroon tayong (4) apat na pangunahing karagatan. Saang karagatan mo makikita sa mapa ang Pilipinas?

a)

Karagatang Atlantiko

b)

Karagatang Arktiko

c)

Karagatang Indian

d)

Karagatang Pasipiko

33.

Ito ay anyong lupa na napaliligiran ng lupa. Ang uri ng katubigan na ito sa Laguna ang pinakamahaba at malawak sa bansa. Ano ito?

a)

Ilog

b)

Golpo

c)

Lawa

d)

Dagat

34.

Isang anyong tubig na karugtong ng dagat na malapit sa kalupaan. Ito ay pinagdadaungan rin ng mga barko. Ano ito?

a)

Look

b)

Kipot

c)

Lawa

d)

Golpo

35.

Punan ng check mark ang lahat ng tamang sagot tungkol sa anyong tubig.

a)

Ang anyong tubig na kipot ay matatagpuan sa pagitan ng (2) dalawang isla o pulo.

b)

Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Karagatang Atlantiko.

c)

Ang look ay mas malaki at mas malalim kumpara sa golpo.

d)

Dagat ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong tubig.

e)

Ang Ilog Cagayan ang pinakamahabang ilog sa bansa.

36.

Ito ay isang kalamidad na namumuo sa karagatan at nagdadala ng malalakas na pag - ulan at hangin sa dinaraanan nito.

a)

Bagyo

b)

Lindol

c)

Storm Surge

d)

Pagbaha

37.

Ito ay tumutukoy sa paggalaw o pag – uga ng lupa na nagdudulot ng pagkasira ng mga imprastraktura.

a)

Pagbaha

b)

Paglindol

c)

Pagguho ng Lupa

d)

Pagputok ng bulkan

38.

Ito ang mabilis na pagtaas ng tubig sa kabayanan o komunidad dahil sa walang tigil na pag-ulan.

a)

Pagputok ng Bulkan

b)

Storm Surge

c)

Bagyo

d)

Pagbaha

39.

Ito ang nangyayari kapag ay lupa ay malambot dahil sa walang tigil na pag - ulan at karaniwang nangyayari sa mga matataas o mabubundok na lugar.

a)

Pagguho ng Lupa

b)

Paglindol

c)

Pagputok ng Bulkan

d)

Tagtuyot

40.

Punan ng check mark ang lahat ng dapat mong gawin kapag parating, nandito na, o pagkatapos ng mga sakuna.

a)

Ako ay makikinig o manonood ng balita kapag may kalamidad.

b)

Nakita ang ibang bata na naliligo sa baha kaya ako rin ay maliligo rito.

c)

Maghanda ng first aid kit upang maging handa kung may mangyari mang masama.

d)

Ako ay magpapanic at hindi kakalma kapag nagkaroon ng landslide o paglindol.

e)

Excited akong gumala sa labas habang bumabagyo.

41.

Isulat ang (7) pitong probinsyang bumubuo sa Rehiyon III.

4 lines