WorksheetsQ2: Anyong Lupa, Anyong Tubig, Vegetation Cover
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Ito ay ang pinakamataas na bundok sa buong mundo na may taas na halos
8,850 metro.
Mt Everest
Mt Fuji
Mt Pinatubo
Mt Kanchenjunga
Ano ang pinakamalaking archipelagic state sa buong mundo na may humigit
kumulang 13,000 na pulo?
Indonesia
Pilipinas
Japan
Brunei
Ano ang tawag sa isang uri ng anyong lupa na nakausli sa karagatan ng
Asya?
Kapatagan
Tangway o peninsula
Talampas
Disyerto
Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga anyong lupa sa
pamumuhay ng mga Asyano?
Nagsisilbi itong panirahan ng mga hayop
Nililinang ng mga tao ang mga kagubatan para sa ma pananim
Ang mga bulubundukin ay nagsisilbing likas na tanggulan
Nakakapagbigay ito ng malaking suliranin sa pamumuhay ng mga tao
Ano ang mahahalagang ilog na nagsilbing lundayan ng mga kabihasnan
hindi lamang sa Asya kundi sa buong daigdig?
Tigris at Euphrates, Indus, Huang Ho
Ilog ng Lena
Ilog ng Amu Darya
Yangtze
Alin sa sumusunod ang sumusupurta sa ugnayan ng tao at kapaligiran?
Kapaligiran ko, tahanan ko
Kumukuha ng ikabubuay sa kapaligiran
Kapaligiran lundayan ng pamumuhay
Lahat tama
Paano mo pahahalagahan ang iyong kapaligiran?
Gumamit ng Dinamita
Pagputol ng Kahoy
Pagtapon ng plastic sa dagat
Huwag magtapon ng basura sa dagat
Alin sa sumusunod na pangungusap ang tamang nagpapaliwanag ukol sa
klimang tropikal?
Mayroong labis o di kaya’y katamtamang init o lamig ang lugar na ito.
Nakararanas ang mga bansa dito ng iba-ibang panahon.
Nakararanas ang mga bansa ng tag-init, taglamig, tag-araw, at tagulan
Nakararanas ang mga bansa dito ng mahabang taglamig.
Kayo ay naatasang magsaliksik tungkol sa mga anyong lupa at
ipinalalarawan ang katangian ng bawat anyo. Paano mo ilalarawan ang
arkipelago o kapuluan?
Ito ay napaliligiran ng tubig
Ito ay binubuo ng mga pulo.
Ito ay malawak na kalupaan na may bulubundukin
Ito ay kapatagan na nasa ibabaw ng bundok.
Ito ay uri ng behetasyon na inilararawan bilang damuhan at kagubatan at
karaniwang makikita sa bansang Myanmar at Thailand na nasa Timog-
Silangang Asya. Anong behetasyon ang inilalarawan dito?
Prairie
Savanna
Taiga
Rainforest
Hindi lingid sa ating kaalaman na lahat ng bagay ay may limitasyon at
katapusan. Bilang mag-aaral papaano ka makakatulong upang mapanatili
ang mga likas na yaman ng iyong lugar para sa susunod pang henerasyon?
Sasama ako sa mga illegal loggers para sa walang habas na pagputol
ng mga puno sa kagubatan.
Makikiisa ako sa aking mga kanayon sa pagsusulong ng mga gawaing
makakabuti sa aming lugar tulad ng pagtatanim ng puno sa mga
nakakalbo ng kabundukan.
Ipagwawalang bahala ko na lamang ang lahat dahil naririyan ang
aking mga kapwa para sila ang gumawa ng mga hakbang sa paglutas.
Mananahimik na lamang ako upang hindi madamay.
Ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Napapalibutan ito ng iba’t- ibang anyong tubig. Anong malaking anyong tubig ang nasa gawing silangan ng kontinente?
Karagatang Pasipiko
Karagatang Indian
Karagatang Antartiko
Karagatang Arctic
Maraming bansa sa Kanlurang Asya ang bihira at halos hindi nakararanas ng pag-ulan. Anong vegetation cover ang higit na makikita rito?
A. taiga
B. tundra
C. desert
D. prairie
Anong bansa sa Hilagang Asya ang may pinakamaraming deposito ng ginto sa buong mundo?
Tajikistan
Kyrgyztan
Turkmenistan
Uzbekistan
Sa rehiyong ito matatagpuan ang may pinakamaraming deposito ng gas at petrolyo?
Kanlurang Asya
Timog Asya
Silangang Asya
Timog Silangang Asya
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang kabilang sa Timog Silangang Asya na nagtataglay ng mayamang likas na yaman. Ano ang pangunahing produkto na iniluluwas ng bansang Pilipinas?
Langis ng niyog at kopra, palay, at Trigo
Natural gas at Liquefied gas
Palay at Trigo
Tilapia at Bangus
Ang Hilagang Asya ay sagana sa likas na yaman at kinikilala ang rehiyon na nangunguna sa produksiyon at pinakamalaking deposito ng ginto. Kung ating tutukuyin, saan yamang likas napapabilang ang ginto?
Yamang Lupa
Yamang Tubig
Yamang Gubat
Yamang Mineral
Sa pagkakaroon ng lambak-ilog at mababang burol ng mga bundok na mainam na pagtaniman sa Hilagang Asya, ano ang mahihinuha mong maaaring maging hanap buhay ng mga naninirahan dito?
Pangingisda
Pagmimina
Pagsasaka
Pagpipinta
Ang rehiyon ng Timog Silangang Asya ay sagana sa lahat ng uri ng likas na yaman. Kung totoo iyon, bakit may mga bansa pa rin dito na hindi maunlad? Pangatwiranan.
Ang pag-unlad ng bansa ay nakasalalay sa taglay nitong likas na yaman.
Ang mga bansang maunlad ay may masaganang likas na yaman, ang mga bansang hindi maunlad ay salat sa pinagkukunang yaman.
Nasa tao nakasalalay ang pag-unlad ng isang bansa.
Ang pag-unlad ng bansa ay nakasalalay sa wasto at tamang paglinang at paggamit ng tao sa kanilang likas na yaman.
Alin ang pinakaangkop na paglalarawan sa taglay na likas na yaman ng rehiyon ng Kanlurang Asya?
Ang rehiyon ng Kanlurang Asya ay salat sa likas na yaman
Ang Kanlurang Asya ay mayaman sa langis at petrolyo
Ang Kanlurang Asya ay nagluluwas ng Caviar (itlog) na mula sa Sturgeon.
Ang Kanlurang Asya ay nagtataglay ng malalawak na kagubatan.
