wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Konsepto ng Ekonomiks

Total questions: 10

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Ang Ekonomiks ay nangangahulugang pamamahala ng tahanan. Sa anong dalawang salitang Griyego ito nagmula?

a)

oikos at namos

b)

oikus at nomos

c)

oikos at nomos

d)

oikons at nomos

2.

Ang sumusunod ay tumutukoy sa kahulugan ng Ekonomiks, maliban sa isa. Alin ito?

a)

Ang Ekonomiks ay pag-aaral sa kung paanong ang indibidwal at ang lipunan sa kabuuan ay pumipili kaugnay ng paggamit sa kapos na pinagkukunang-yaman sa harap ng iba’t ibang alternatiibong kagustuhan na dapat matugunan.

b)

Ang Ekonomiks ay ang pag-aaral ng wasto at mahusay na paggamit ng mga walang katapusang pinagkukunang-yaman upang makabuo ng mga kalakal para sa kasiyahan ng limitadong pangangailangan at kagustuhan ng tao.

c)

Ang Ekonomiks ay ang pag-aaral ng wasto at mahusay na paggamit ng mga limitadong pinagkukunang-yaman upag makabuo ng mga kalakal para sa kasiyahan ng walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.

d)

Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia, ang oikos ay nangangahuluhang bahay, at ang nomos na pamamahala.

3.

Alin sa sumusunod ang hindi saklaw ng Makroekonomiks?

a)

kabuuang antas ng presyo

b)

kabuuang antas ng empleyo

c)

pangkalahatang produktong pambansa (GNP)

d)

kilos o gawi ng bawat indibidwal

4.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng konsepto ng incentives?

a)
b)
c)
d)
5.

Paano mo maipakikita ang paggamit mo ng Marginal Thinking sa pagbuo mo ng isang matalinong pagdedesisyon?

a)

Mamimili ako kung ako ba ay bibili ng bagong sapatos o gagamitin ko na lang ang luma kong sapatos.

b)

Mag-aaral akong mabuti sapagkat maaari akong makakuha ng mataas na marka sa lahat ng asignatura.

c)

Kung pipiliin ko ang mag-aral kaysa maglaro ng basketbol, hindi ko makakasama ang aking mga kaibigan sa paglalaro.

d)

Pag-iisipan kong mabuti kung anong kurso ang aking kukunin pagdating ko sa kolehiyo.

6.

Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng ugnayan ng trade-off at opportunity cost?

a)

Si Jose ay nagpasya na magtanim na lang ng gulay kaysa mag-alaga ng mga manok sapagkat mas malaki ang kita sa pagtatanim ng gulay.

b)

Si Alecxis ay bumili ng bagong bag kaysa gamitin ang luma dahil ito ay naka-sale.

c)

Pinili ni Aina ang magtrabaho dito sa Pilipinas kaysa sa ibang bansa kung kaya’t nanghihinayang siya sa maaari niyang kitain mula sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

d)

Pinag-isipang mabuti ni Amiel kung siya ba ay liliban sa klase dahil manonood sila ng mga kaibigan ng concert ng paborito nilang banda. Iniisip niya kung makabubuti ba o makasasama ito para sa kaniyang pag-aaral.

7.

Ang sumusunod ay nagpapakita ng paggamit ni Nathan ng mahahalagang konsepto sa Ekonomiks upang makabuo ng matalinong pagdedesisyon maliban sa isa. Alin ito?

a)

Pinag-iisipang mabuti ni Nathan ang kahihinatnan ng anumang desisyong kaniyang gagawin.

b)

Binibili ni Nathan ang lahat ng bagay na kaniyang gusto kahit na hindi naman niya ito kailangan

c)

Bago bilhin ni Nathan ang isang bagay ay tinitingnan niya kung saan siya higit na makakatipid ng hindi nasasakripisyo ang kalidad ng produkto

d)

Nang pinili ni Nathan ang maglaro ng computer kaysa ang pumasok, nawala ang pagkakataon na matuto siya ng aralin sa araw na iyon.

8.

Nanganganib na huminto sa pag-aaral si Rafael sapagkat natanggal sa trabaho ang kaniyang ama bilang isang messenger. Paano makatutulong kay Rafael ang kaalaman niya sa Ekonomiks sa sitwasyong kinakaharap ng kaniyang pamilya?

a)

Maaaring magamit ni Rafael ang kaniyang kaalaman sa pamamahala at alokasyon upang makatulong sa pagbabadyet sa mga gastusin ng pamilya.

b)

Mauunawaan ni Rafael ang mga batas kung bakit natanggal sa trabaho ang kaniyang ama.

c)

Mauunawaan niya ang mga napapanahong isyu ng pamilya hinggil sa pagkakatanggal sa trabaho ng kaniyang ama.

d)

Mahuhubog ang pag-uugali at gawi ni Rafael sa pagharap niya sa sitwasyong makaaapekto sa kaniyang sariling interes.

9.

Bilang isang mamamayang Pilipino, paano makatutulong sa pang-araw-araw mong pamumuhay ang kaalaman mo sa ekonomiks?

a)

Magagamit ko ang mga kaalaman ko sa mga batas at programa ng pamahalaan upang makatulong sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya

b)

Magagamit ko ang mga kaalaman ko sa mga napapanahong isyu upang makilahok sa mga rally na isinasagawa laban sa pamahalaan.

c)

Magagamit ko ang kaalaman ko sa ekonomiks sa aking pagbabadyet upang mabili ko ang lahat ng aking pangangailangan at kagustuhan.

d)

Magagamit ko ang kaalaman ko sa ekonomiks upang makaiwas ako sa mga suliraning kinakaharap ng ating bansa.

10.

Alin sa sumusunod na larawan ang hindi nagpapakita ng paggamit ng konsepto ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay?

a)
b)
c)
d)