wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino

Total questions: 50

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang kasingkahulugan ng hawla?

a)

tahanan

b)

bag

c)

kulungan

2.

Ano ang kasingkahulugan ng kalye?

a)

simbahan

b)

kalsada

c)

plasa

3.

Ilang patinig mayroon ang alpabeto?

a)

3

b)

4

c)

5

4.

Ang B, C, D, F, G, H, J, at K ay halimbawa ng _______?

a)

Patinig

b)

Katinig

c)

Panghalip

5.

Pagsunod-sunurin paalpabeto ang mga salita. Alin dito ang una?


maya

agila

pipit

a)

pipit

b)

agila

c)

maya

6.

Pagsunod-sunurin paalpabeto ang mga salita. Alin dito ang pangalawa?


akasya

narra

banaba

a)

banaba

b)

akasya

c)

narra

7.

Ano ang bunga sa pangungusap na nasa ibaba?


Maagang gumigising si MJ para kumain at maligo. Hindi siya nahuhuli sa kanyang klase.

a)

Maagang nagigising si MJ para kumain at maligo.

b)

Hindi siya nahuhuli sa klase

8.

Alin ang sanhi sa pangungusap na nasa ibaba?


Mahilig kumain ng sitsirya si Onse kaya siya nagkasakit.

a)

Nagkasakit si Onse

b)

Mahilig kumain ng sitsirya si Onse

9.

Nagsisimula ito sa malaking titik.

a)

Pantangi

b)

Pambalana

10.

Ito ay ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.

a)

Pantangi

b)

Pambalana

c)

Pangalan

11.

Nagsisimula sa maliit na titik

a)

Pambalana

b)

Pantangi

12.

Ang mga salitang reyna, ate, ninang, ale, inahin, madre at tita ay halimbawa ng anong kasarian ng pangalan?

a)

Panlalaki

b)

Pambabae

c)

Di-tiyak

13.

Ang bata, anak, ibon at pusa ay halimbawa ng anong kasarian ng pangalan?

a)

Walang kasarian

b)

Di-tiyak

c)

Panlalaki

14.

Tumutukoy sa pangalang walang kasarian.

a)

Dagat

b)

Tatay

c)

Pusa

15.

Ang ako, kami, tayo ay halimbawa ng ano?

a)

Panghalip panao

b)

Panghalip paari

16.

Ginagamit kung ang tutukuyin ay sarili lamang.

a)

Kami

b)

Ako

c)

Tayo

17.

Ginagamit kung ang tinutukoy ay ang taong nagsasalita at kasama

a)

Ako

b)

Ikaw

c)

Kami

18.

Ginagamit kung ang tinutukoy ng nagsasalita ay kanyang sarili at kanyang kausap.

a)

Ako

b)

Kami

c)

Tayo

19.

Ginagamit kung ang tinutukoy ng taong nagsasalita ay ang kausap.

a)

Ikaw

b)

Kayo

20.

Ginagamit kung ang tinutukoy ng nagsasalita ay ang kanyang mga kausap.

a)

Kayo

b)

Kami

c)

Ikaw

21.

Ginagamit kung ang tinutukoy ay ang taong pinag-uusapan.

a)

Siya/sila

b)

Kami

c)

Tayo

22.

Ang akin, amin, namin, at natin ay halimbawa ng?

a)

Panghalip

b)

Panghalip panao

c)

Panghalip paari

23.

Ginagamit kung ang nagmamay-ari ay taong nagsasalita

a)

Akin

b)

Amin

c)

Namin

24.

Ilang pantig mayroon ang salitang simbahan

a)

3

b)

4

c)

2

25.

Anong kayarian ng pantig ang may salungguhit sa larawan?

a)

KP

b)

PK

c)

P

26.

Anong kayarian ng pantig ang may salungguhit sa larawan?

a)

PK

b)

KPK

c)

KKPK

27.

Anong tunog ang bumubuo sa salitang DRAM?

a)

KKP

b)

KPKK

c)

KKPK

28.

Ilang pantig mayroon ang salitang Filipino?

a)

5

b)

2

c)

4

29.

Alin sa mga sumusunod ang magkatugma?

a)

Mabilis-sumilip

b)

Mataas-lumipas

c)

Alaga-bahay

30.

Ano ang kasalungat ng salitang PUMIKIT?

a)

matanda

b)

mainit

c)

dumilat

31.

Pinakamahalagang bahagi dahil dito mababasa ang mga impormasyong taglay ng aklat.

a)

Talaan ng nilalaman

b)

Nilalaman ng aklat

c)

Pabalat

32.

Dito makikita ang taon ng pagkakalathala ng aklat. Nakasulat din dito ang awtor at palimbagan.

a)

Pabalat

b)

Karapatang sipi

c)

Bibliyograpiya o talasanggunian

33.

Dito makikita ang pamagat ng aklat at kung sino ang may akda ay tagapaglimbag nito.

a)

Paunang salita

b)

Pabalat

c)

Talaan ng nilalaman

34.

Ito ang ginagamit sa pagtuturo sa kinalalagyan ng mga pangngalan o panghalip.

a)

Panghalip

b)

Panghalip pamatlig

c)

Panghalip pananong

35.

Ang ito, dito, rito, heto ang gagamitin kapag ano?

a)

Malapit sa taong nagsasalita

b)

Malapit sa taong kausap

c)

Malayo sa dalawang taong nag-uusap

36.

Ano ang panghalip pamatlig sa pangungusap na nasa ibaba.


Ito ang aming libangan.

a)

aming

b)

ito

c)

libangan

37.

Ang iyan, diyan, riyan, hayan, ganyan ay ginagamit kung

a)

Malapit sa taong kausap

b)

Malayo sa dalawang taong nag-uusap

c)

Malapit sa taong nagsasalita

38.

Ang iyon, doon/roon, niyan, hayun, ganoon ay ginagamit kung

a)

Malapiy sa taong kausap

b)

Malapit sa taong nagsasalita

c)

Malayo sa dalawang taong nag-uusap

39.

Mga panghalip na ginagamit sa pagtatanong o pag-uusisa at ang inaasahang sagot ay isang pangalan o isang panghalip

a)

Panghalip

b)

Panghalip pamatlig

c)

Panghalip pananong

40.

Ano ang mga salitang panghalip pananong na pang-isahan?

a)

Sino

b)

Ano-ano

c)

Kanino

d)

Ano

41.

Piliin ang mga panghalip pananong na pangmaramihan.

a)

Kailan

b)

Sino-sino

c)

Ano-ano

d)

Kani-kanino

42.

Ginagamit sa petsa o panahon.

a)

Saan

b)

Kailan

c)

Bakit

43.

Ito ay ginagamit pangtanong sa lugar o saan nakatira.

a)

Kanino

b)

Ilan

c)

Saan

44.

Ginagamit sa pagtatanong tungkol sa dahilan

a)

Ilan

b)

Bakit

c)

Magkano

45.

Ginagamit sa pagtatanong tungkol sa pamamaraan.

a)

Magkano

b)

Kailan

c)

Paano

46.

Ginagamit sa pagtanong sa dami o bilang

a)

Bakit

b)

Ano

c)

Ilan

47.

Ginagamit sa pagtatanong tungkol sa halaga ng pera o presyo.

a)

Paano

b)

Magkano

c)

Ilan

48.

Anong panghalip pananong ang ginamit sa pangungusap na nasa ibaba?


Anong klaseng pagtulong ang sisimulan mo?

a)

Sino-sino

b)

Kanino

c)

Anong

49.

Anong panghalip pamatlig ang ginamit sa pangungusap na nasa ibaba?


Dalhin mo dito ang mga pinggan at baso.

a)

Pinggan at baso

b)

Dalhin

c)

dito

50.

Papasok ka na sa paaralan. Ano ang sasabihin mo sa iyong magulang?

a)

Magandang umaga po!

b)

Paalam na po!

c)

Kumusta po kayo?