wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

M2-APRIL 2021-LAC output

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ito ang orihinal at pangunahing karapatan ng mga anak o ng mga kabataan.

a)

edukasyon

b)

kalusugan

c)

pagkain

d)

tahanan

2.

Parte na ng buhay ng isang lalaki at babae na nagmamahalan at nagpasiyang magpakasal at ang magkaroon ng mga anak. Ito ay_________.

a)

bunga ng kanilang pagsunod at pagawa sa tawag ng Diyos na magmahal.

b)

isa sa importanteng dahilan na makapagpapatatag sa ugnayan ng magasawa.

c)

kakayahang ipakita ang kanilang pananagutan bilang magulang.

d)

kagustuhan nila na maparami ang tao sa mundo.

3.

Isa sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng tunay na pagiging mapanagutan ng magulang.

a)

pagharap sa iba’t ibang pagsubok na ginagabayan ng prinsipyong moral

b)

paggabay sa mga anak sa mga panahon ng mga hamon upang ang mga ito ay matagumpay na malampasan

c)

pagmamahal sa Diyos, at sa lahat ng mga taong ibinigay sa kanila ng Diyos upang paglingkuran at alagaan

d)

sa pagganap ng kanilang mga tungkulin ay malayang-malaya silang gumawa nito.

4.

Isa sa mga magulang sa ibaba ang gumaganap ng kanilang mga mahahalagang gampanin para sa mga anak.

a)

Si Lino at Rica na nagpapaplano at nagpapasiya para masiguro na magkaroon ng magandang buhay ang kanilang mga anak.

b)

Sina Eden at Jose na pinag-aaral ang kanilang mga anak sa mamahaling pribadong unibersidad upang masiguro ang magandang kinabukasan nila.

c)

Si Marcio at Annie na namumuhay nang simple kasama ang mga anak, at gumagabay sa kanila sa mundong kanilang gagalawan lalo na sa hinaharap.

d)

Sina Aya at Melchor na parehong nagtrabaho sa ibang bansa upang matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak.

5.

Ito ang dahilan kung bakit itinuturing na una at pangunahing guro ang mga magulang sa kanilang mga anak.

a)

Dahil misyon ng mga magulang ang pagbibigay ng edukasyon sa mga anak kaya ito rin ang kanilang karapatan na turuan sila.

b)

Dahil sa kanila nakasalalay ang mga anak sa kaalamang makukuha sa paaralan.

c)

Dahil sila ang magtuturo sa mga anak sa pag-aaral at kaalaman.

d)

Dahil ang mga ipinakikitang kilos at asal ang tutularan ng mga anak.

6.

Isa sa mga dahilan ang nasa pagpipilian sa ibaba kung bakit mahalagang maturuan ang mga anak na mamuhay nang simple.

a)

Para maisabuhay nila ang pagkakaroon ng mapagkumbaba na ugali.

b)

Upang masanay sila na maging kuntento sa mga biyayang natanggap.

c)

Upang sila ay lumaking marunong na magpahalaga sa perang kanilang pinaghirapan.

d)

Upang sila ay marunong na magsasabuhay ng kahalagahan ng tao sa kung ano siya at hindi sa kung ano ang mayroon siya.

7.

Ito bunga kung hindi matuturoan ng simpleng pamumuhay ang mga anak.

a)

katarungan

b)

pagmamahal

c)

pagtanggap

d)

pagtitimpi

8.

Isa sa mga sumusunod ang hindi makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya.

a)

pagkakaroon ng lubos na kalayaan

b)

pagtataglay ng karunungan

c)

. pagtitiwala

d)

. pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga

9.

Isa sa mga sumusunod ay hindi paraan upang mahubog sa mga anak ang pagpapahalaga sa mga gawaing ispiritwal.

a)

Ilagay ang Panginoon sa sentro ng pamilya.

b)

Iparanas ang tunay na mensahe ng mga salita ng Diyos tungkol sa pananampalataya.

c)

Ituon ang pansin sa pag-unawa sa nilalaman ng Bibliya sa Kristiyano o ibang aklat tungkol sa pananampalataya.

d)

Magbigay ng partikular na panahon upang makinig at matuto sa mga aral ng pananampalataya

10.

Ito ang isa sa mga paraan na magagawang posible ang pagsasakatuparan ng mga misyon ng pamilya.

a)

Paghingi ng tulong sa ibang mga magulang tungkol sa kanilang malalim na karanasan.

b)

Pagsasagawa nito nang may pagmamahal at malalim na pananalig ng Diyos at may pananampalataya.

c)

Pagtiyak sa mga anak ang hirap sa pagharap sa hamon upang ito ay maisakatuparan.

d)

Pagtiyak sa pagsasagawa ng mga ito na may bahagi ang lahat ng kasapi ng pamilya.