wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Unang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 4

Total questions: 50

Worksheet time: 26mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa mga elemento ng isang bansa?

a)

Tao

b)

Soberanya

c)

Teritoryo

d)

Lahat ng nabanggit

2.

Ano ang elemento ng bansa na tumutukoy sa lupang nasasakupan?

a)

Pamahalaan

b)

Teritotoryo

c)

Soberanya

d)

Tao

3.

Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa soberanya?

a)

Ang mga mamamayang naninirahan sa bansa

b)

Ang kalayaan ng isang bansa mula sa pakikialam ng ibang bansa

c)

Ang kabuuang lawak ng kalupaang nasasakupan ng isang bansa

d)

Ang institusyon na nangangalaga sa pangangailangan ng mga mamamayan

4.

Ano ang maaaring mangyari kung walang soberanya sa isang bansa?

a)

Maaaring bumagsak ang ekonomiya nito

b)

Maaaring masakop uli ng mga dayuhan ang bansa?

c)

Maaaring malugi ang mga negosyo sa bansa

d)

Lahat ng nabanggit

5.

Ano bansang matatagpuan sa Hilagang Pilipinas?

a)

Guam

b)

Malaysia

c)

Taiwan

d)

Singapore

6.

Paano matutukoy ang relatibong lokasyon ng isang bansa?

a)

Sa pamamagitan ng pagkuha ng katabing kalupaan o katubigan

b)

Sa mapa sa pamamagitan ng paggamit ng iskala, mapa at pangunahing direksyon

c)

Sa pamamagitan ng paggamit ng latitude at longhitud sa mapa

d)

Sa pamamagitan ng pagkuha ng eksaktong lokasyon ng bansa gamit ang mapa

7.

Saang kontinente nabibilang ang Pilipinas?

a)

Asya

b)

Europe

c)

Africa

d)

Austrilia

8.

Nais mong hanapin sa mapa ang Pilipinas. Ano ang maaari mong gawin?

a)

Hanapin kung saang kontinente ito nabibilang

b)

Alamin ang direksyon ng kinaroroonan

c)

Gumamit na la lang ng globo at paikutin ito.

d)

A at B

9.

Sa anong batas napapaloob ang tungkol sa teritoryo ng Pilipinas?

a)

Saligang batas 1935

b)

Saligang batas 1987

c)

Saligang batas 1973

d)

Wala sa nabanggit

10.

Tinawag na kontinente ang mga bahaging lupa sa daigdig, samantalang ang maliliit na bahagi ng lupa ay tinatawag na __________.

a)

kalupaan

b)

pulo

c)

kapatagan

d)

tangway

11.

Ang Pilipinas ay matatagpuan sa ___________.

a)

Timog Asya

b)

Kanluran Asya

c)

Silangang Asya

d)

Timog-Silangang Asya

12.

Ang anyong tubig na nasa timog na bahagi ng Pilipinas

ay ang __________.

a)

Bashi Channel

b)

Karagatang Pasipiko

c)

Dagat Celebes

d)

Dagat Kanlurang Pilipinas

13.

Ang direksiyon ng Vietnam mula Pilipinas ay nasa

gawing __________.

a)

Hilaga

b)

Timog

c)

Silangan

d)

Kanluran

14.

Ang pinakamalapit na bansa sa hilaga ng Pilipinas ay

ang __________.

a)

China

b)

Taiwan

c)

Japan

d)

Hongkong

15.

Ang pinakamalayong bansa mula sa kanluran ng

Pilipinas ay ang __________.

a)

Laos

b)

Myanmar

c)

Thailand

d)

Cambodia

16.

Ang Pilipinas ay kapuluang napapaligiran ng ________.

a)

tao

b)

tubig

c)

lupa

d)

hayop

17.

Ang Estados Unidos ay masasabing _______________.

a)

malapit sa Pilipinas

b)

napakalayo sa Pilipinas

c)

malayo sa Pilipinas

d)

napakalapit sa Pilipinas

18.

Kung manggagaling ka sa Pilipinas, ang iyong

lalakbayin papuntang South Korea ay masasabing

_______________ kaysa Taiwan.

a)

malapit

b)

malayong malayo

c)

medyo malapit

d)

malapit na malapit

19.

Kung ihahambing sa kapuluan ng Indonesia, ang lawak

ng teritoryo ng Pilipinas ay masasabing _______.

a)

kasinlaki

b)

mas malaki

c)

mas maliit

d)

malaking-malaki

20.

Sa kabuuan, ang lokasyon o kinalalagyan ng Pilipinas

ay masasabing _________________.

a)

buong kalupaan na napaliligiran ng tubi

b)

maliit na isla ngunit matubig

c)

matubig at watak-watak ang mga isla

d)

layo-layo ang mga isla

21.

Mga guhit na pahalang at patayo sa globo: _­­­­­­­­­­________ at __________.

a)

Latitud

b)

Longhitud

c)

Ekwador

22.

Espesyal na guhit na 23.50 hilaga at timog latitude: _________ at ___________.

a)

Arctic Circle

b)

Tropic of Capricorn

c)

Tropic of Cancer

23.

Digri ng ekwador: ________

a)

0 digri

b)

66.5 digri

c)

23.5 digri

24.

Espesyal na guhit pahalang na may sukat 66.50 sa hilaga at timog ng globo: ________ at _______.

a)

Tropic of Cancer

b)

Antartic Circle

c)

Arctic Circle

25.

May kanlurang hating-globo at ________ hating-globo

a)

Kanluran

b)

Silangan

c)

Hilaga

26.

Ano ang tawag sa espesyal na guhit na 23.50 hilaga latitud?

a)

Arctic Circle

b)

Tropic of Capricorn

c)

Tropic of Cancer

27.

Ito ang dalawang paraan upang matukoy ang lokasyon ng Pilipinas sa mundo

a)

Lokasyon sa dagat at lupa

b)

Di-Tiyak at Relatibong Lokasyon

c)

Tiyak at Payak na Lokasyon

d)

Tiyak at Relatibong Lokasyon

28.

Ang Pilipinas ay binubuo ng ___________ na mga pulo.

a)

7,700

b)

7,815

c)

7,641

d)

7,107

29.

Ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas ay matutukoy sa pamamagitan ng...

a)

mga lupaing nakapalibot sa bansa

b)

longhitud at latitud

c)

mga anyong tubig na nakapaligid sa bansa

d)

mga karatig bansa

30.

Ang relatibong lokasyon ng Pilipinas ay matutukoy sa pamamagitan ng nakapaligid na...

a)

anyong tubig

b)

iba pang mga bansa

c)

lupain

d)

lahat ng nabanggit

31.

Ang mga bansang nasa hilaga ng Pilipinas ay ang...

a)

Guam at China

b)

Taiwan, China, Japan, at Korea

c)

Vietnam, Thailand, Cmabodia, Myanmar, at Laos

d)

Brunei at Indonesia

32.

Anong anyong tubig ang nasa silangan ng Pilipinas?

a)

Philippine Sea at Pacific Ocean

b)

West Philippine Sea

c)

Bashi Chanel

d)

Celebes Sea at Sulu Sea

33.

Ang mga bansang nasa Timog ng Pilipinas ay ang...

a)

Guam at China

b)

Taiwan, China, Japan, at Korea

c)

Vietnam, Thailand, Cmabodia, Myanmar, at Laos

d)

Brunei at Indonesia

34.

Anong anyong tubig ang nasa kanluran ng Pilipinas?

a)

Philippine Sea at Pacific Ocean

b)

West Philippine Sea

c)

Bashi Chanel

d)

Celebes Sea at Sulu Sea

35.

Ano ang heograpiya?

a)

siyentipikong pag aaral ng daigdig

b)

pag aaral tungkol sa buhay

c)

pag aaral tungkol sa katubigan

d)

pag aaral ng mga mapa

36.

Ano ang tawag sa taong dalubhasa sa pag aaral ng heograpiya?

a)

Heologo

b)

Heograpo

c)

Doktor

d)

Guro

37.

sino ang tinaguriang ama ng Heograpiya?

a)

Plato

b)

Socrates

c)

Eratosthenes

d)

Aristotle

38.

Ano ang klima na nararamdaman sa Pilipinas?

a)

Taglamig

b)

Taglagas

c)

Tagsibol

d)

Tag init at tag ulan

39.

Ang tawag sa klima sa Pilipinas na tag araw at tag ulan at tinatawag na klimang _________.

a)

tropikal

b)

tropikana

c)

tag lamig

d)

tag ulan

40.

Dalwang paraan ng pagtukoy ng lokasyon.

a)

Absolute

b)

Relatibo

c)

Di-tiyak n auri ng lokasyon

41.

Ito ang tawag sa lugar sa mundo na maraming aktibong bulkan kayat maraming paglindol at pagsabog ng bulkan ang nagaganap.

a)

fault

b)

arkipelago

c)

Pacific Theory

d)

Pacific Ring of Fire

42.

Ang ahensya na ito ng pamahalaan ang may pananagutan na tiyakin ang kaligtasan at kabutihan ng mga mamamayang Pilipino sa panahon ng sakuna.

a)

National Disaster Risk Reduction Management Council

b)

Department of Education

c)

Department of National Defense

d)

Department of Interior and Local Government

43.

Ang pangulo ay nag atas na mamahagi ng mga relief goods sa mga nasalanta ng bagyo at asikasuhin ang mga pangangailangan ng mga mamamayan. Anong ahensya ang namamahala sa gawain na ito ng pamahalaan

a)

Department of Education (DepEd)

b)

Department of Social Welfare and Development (DSWD)

c)

National Food Authority (NFA)

d)

Department of Interior and Local Government (DILG)

44.

Naging madalas ang lindol sa Kamaynilaan sa kasalukuyan. Dahil dito, nagpatawag ang ahensya ng pamahalaan ng pulong sa mga punong barangay upang ihanda ang kanilang mga kinasasakupan sa mga kaganapan. Anong ahensya ng pamahalaan ang namamahala sa gawain na ito ng mga barangay?

a)

Department of National Defense (DND)

b)

Department of Interior and Local Government (DILG

c)

Metro Manila Development Authority (MMDA)

d)

Department of Social Welfare and Development (DSWD)

45.

Kapag may matinding kalamidad, tumutulong ang kagawaran ng pamahalaang ito sa pagsasaayos ng ating kapaligiran.

a)

Philippine Astronomical Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA)

b)

Department of Health (DOH)

c)

Department of Public Works and Highways (DPWH)

d)

Department of Environment and Natural Resources (DENR)

46.

Ang ahensya ng pamahalaan na ito ang nagbibigay babala sa pagdating ng bagyo. Nag-uulat ito tungkol sa lakas ng hangin, ulan, at galaw ng bagyo.

a)

DSWD

b)

PAG-ASA

c)

NDRRMC

d)

PHIVOLCS

47.

Ang ahensya ng pamahalaan na ito ang nagbibigay babala sa pagdating ng lindol.

a)

DSWD

b)

PAG-ASA

c)

NDRRMC

d)

PHIVOLCS

48.

Isinasaad sa Artikolo I Seksiyon 1 ng 1987 Sanligang Batas ng Pilipinas ang Teritoryong bumubuo sa ating bansa.

a)

Tama

b)

Mali

49.

Ang pambansang teritoryong ay binubuo ng kapuluang Pilipinas, kasama ang lahat ng mga pulo at mga karagatan na nakapaloob dito.

a)

Tama

b)

Mali

50.

Mahalagang salik din ang kinaroroonan ng bansa sa aspekto ng ekonomiya at politikal .

a)

Tama

b)

Mali