WorksheetsAP5 -Q1- Quiz 2-MGA IMAHINARYONG GUHIT
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Ano ang mga guhit ginagamit upang matukoy ang tiyak na kinalalagyan ng Pilipinas?
Prime Meridian at International Dateline
Ekwador at Prime Meridian
Longhutud at Latitud
Ekwador at International Date line
Ano ang tiyak na kinalalagyan ng Pilipinas?
4 ° 23' - 21 ° Hilagang Latitud at 116° 127° Silangang Longhitud
4 ° 23' - 21 ° Hilagang Latitud at 130° 137° Silangang Longhitud
8 ° 23' - 21 ° Hilagang Latitud at 111° 127° Silangang Longhitud
4 ° 23' - 21 ° Hilagang Latitud at 116° 197° Silangang Longhitud
Ito ang bilog na modelo o kawangis ng ating mundo. Makikita rito ang lokasyon, hugis, at laki ng mga pangunahing katubigan at kalupaan sa daigdig.
Mapa
Globo
Grid
Ang mga guhit na makikita sa mapa at globo. Ginagamit ito sa pagtukoy ng lokasyon ng mga lugar sa mundo. Ang mga guhit na ito ay nakatutulong upang higit na maging madali ang paggamit sa mapa at globo.
Horizontal Lines
Imaginary Lines
Double lines
Ang tawag sa mga guhit na pahalang( ___ ) sa globo. Ito rin ay tumutukoy sa layo o distansiya ng isang lugar mula sa ekwador.
Prime meridian
Parallel/Latitude
Ekwador
Ang pangunahing guhit latitude na humahati sa mundo sa hilagang hating-globo (Northern Hemisphere) at timog hating-globo (Southern Hemisphere).
Prime meridian
Ekwador/Equator
Longitude
Tumutukoy sa eksaktong kinaroroonan ng isang lugar sa mundo. Ginagamitan ito na sukat na tinatawag na degee.
Tiyak na Lokasyon
Relatibong Lokasyon
Lokasyong Insular
Tawag sa pagtukoy ng lokasyon ng isang lugar gamit ang mga karatig na kalupaan o bansa ng isang lugar.
Lokasyong Insular
Lokasyong Bisinal
Tiyak na Lokasyon
Ito ay isang kathang-isip na bilog na ginuguhit sa palibot ng planeta. Isa sa mga bahagi ng globo na humahati sa nasabing bagay sa dalawang magkasinlaking bahagi - ang hilaga at timog hatingglobo.
Prime Meridian
International Date Line
Ekwador
Kabilugang Antarktiko
Ito ay ang pinakagitnang guhit na humahati sa silangan at kanluran ng globo na nasa Zero Digri Longhitud.
Ito ang guhit sa mukha o ibabaw ng globo na nagmumula sa Hilagang Polo papunta sa Timog Polo, na dumaraan sa Greenwich,England.
Ekwador
Prime Meridian
Tropiko ng Kanser
Kabilugang Arktiko
Ito ay kung saan malalaman ang tamang oras mula sa magkaibang lugar na tawag ay sona ng oras. Ito ay isang kathang-isip na guhit sa globo o mapa. Ang linyang ito ay mula polong hilaga at polong timog. May 180○ ang layo nito sa guhit Greenwich, England
International Date Line
Prime Meridian
Ekwador
Grid
Ito ay mga pababang linya sa mapa o globo. Ito ang nagbibigay direksyon sa silangan o kanluran. Ang Linyang ito ang gamit upang matukoy ang oras sa bawat bahagi ng mundo.
Latitud
Longhitud
Grid
Ekwador
Ito ay mga pahalang na linya sa mapa o globo. Ang latitud ang nagbibigay ng lokasyong hilaga o timog ng ekwador. Ito rin ang mga linyang ginagamit upang tukuyin ang klima sa isang bahagi ng mundo.
Prime Meridian
International Date Line
Longhitud
Latitud
Ito ay mga pinagtagpu-tagpong mga guhit Longhitud at mga guhit Latitud na nakatutulong upang matukoy ang lokasyon ng iba-ibang lugar sa globo.
Longhitud
Latitud
Grid
Ekwador
Ito ay makikita sa hilaga ng ekwador na nasa 23 at ½ digri. Ito ang pinakahilagang latitud kung saan maaaring magpakita ang Araw ng diretso sa ibabaw sa tanghali.
Tropiko ng Kaprikornyo
Kabilugang Arktiko
Tropiko ng Kanser
Kabilugang Antarktiko
Ito ay makikita sa timog ng ekwador na nasa 23 at ½ digri. Minamarkahan nito ang pinakatimog na latitud kung saan maaaring tuwirang lumitaw ang araw sa dagat o sa lupa tuwing gabi
Tropiko ng Kanser
Tropiko ng Kaprikornyo
Kabilugang Arktiko
Kabilugang Antarktiko
Ang espesyal na guhit na ito ay makikita sa
66 1/2 digri timog ng ekwador.
Kabilugang Antarktiko
Kabilugang Arktiko
Hilagang Polo
Timog Polo
Ito ay ang Pinakahilagang bahagi ng mundo na nasa
90 digri Hilagang Latitud at nasa mataas na latitude na may Klimang Polar.
Tropiko ng Kanser
Tropiko ng Kaprikornyo
Hilagang Polo
Timog Polo
Ito ay ang Pinakatimog na bahagi ng mundo na nasa
90 digri Timog Latitud at nasa mataas na latitude na may Klimang Polar.
Hilagang Polo
Timog Polo
Grid
Prime Meridian
Ano ang klima na nararanasan ng mga bansa na nasa Tropiko ng Kanser at Tropiko ng Kaprikornyo?
Malamig na Klima
Klimang Tropikal
Klimang mahalumigmig
Klimang maulan
