wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino Review Quiz

Total questions: 15

Worksheet time: 6mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay mga salita kung saan nagpapakita ng respeto sa kapwa at ginagamit sa iba't ibang sitwasyon.

a)

Po at Opo

b)

Magagalang na Pananalita

c)

Marespetong Pananalita

2.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa sitwasyong pagbibigay opinyon?

a)

Sa tingin ko mananalo siya bilang Ms. Universe.

b)

Palagay ko po ay mananalo siya bilang Ms. Universe.

c)

Sigurado akong siya po ang mananalo bilang Ms. Universe.

3.

Mayroon kang nais sabihin hinggil sa pag-uusap ng iyong mga magulang, alin sa mga sumusunod ang pinakatamang sabihin?

a)

Paumanhin po, maari po ba akong magsalita?

b)

Excuse me, meron po akong gustong sabihin.

c)

Magandang araw, maaari ba akong magsalita po?

4.

Inutusan ka ng iyong lola na abutin ang kanyang tungkod upang makatayo mula sa kinauupuan, ano ang pinaka- angkop na tugon mo dito?

a)

Sandali lamang po at may ginagagawa pa ako.

b)

Hayy, sige na nga po lola, nakakaawa naman kayo.

c)

Opo lola, kukunin ko na po ngayon din.

5.

Ito ay uri ng panghalip na humahalili sa ngalan ng tao, bagay, o hayop.

a)

Panao

b)

Pamatlig

c)

Pananong

6.

Anong uri ng panghalip ang salitang "karamihan"

a)

Pamatlig

b)

Paari

c)

Panaklaw

7.

Sa pangungusap na nasa ibaba, alin ang panghalip?


Sino ba ang pupunta sa piging?

a)

pupunta

b)

sino

c)

ba

8.

Ano ang panghalip paari sa pangungusap?


Mainam na ibalik mo iyan sa kanya.

a)

mo

b)

iyan

c)

kanya

9.

Punan ang patlang ng tamang panghalip.


Hindi natin _________ makikita ang nawawalang sapatos ni Andy.

a)

dito

b)

hayun

c)

iyon

10.

Sa mga sumusunod na pangungusap, alin ang may maling gamit ng panghalip?

a)

Huwag ninyong hawakan ang insektong ito dahil delikado.

b)

Karamihan sa mga insekto ay makikita sa paligid namin.

c)

Delikado ang hawak mong insekto kaya ibigay mo siya sa akin.

11.

Ito ang elemento ng kwento kung saan makikita ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

a)

Tagpuan

b)

Banghay

c)

Tema

12.

Sa tagpuan isinasaad ang _________________.

a)

lugar at karakter

b)

karakter at panahon

c)

panahon at lugar

13.

Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng tema.

a)

Ito ay unibersal na mensahe.

b)

Ito ay malayang gumganap.

c)

Ito ay ang aral ng kwento.

14.

Sa anong bahagi ng banghay matatagpuan ang talatang ito:


Mula noon nakita ko kung paano naghihirap si Kuya sa kanyang sakit. Malimit syang dalhin sa ospital para gamutin ng doktor. Pero habang tumatagal lalo siyang naghihina at namumutla.

a)

Simula

b)

Kasukdulan

c)

Wakas

15.

Hi, ako si Kenzo, labing-isang taong gulang, pogi (sabi ng nanay ko), kulot ang buhok, medyo matangos ang ilong at nasa Grade 6 na ako.


Ang talata sa itaas ay nagsasaad ng anong elemento ng kwento?

a)

Tauhan

b)

Tagpuan

c)

Tema