NEW
Font size
WorksheetsESP_Q1W3T5_Pagpapahalaga sa Kakayahan
Total questions: 5
Worksheet time: 10mins
Ang nagpapakita ng tama ang ginagawa sa kaniyang taglay na kakayahan ay si________________.
Jenny na nakasimangot habang gumuguhit ng larawan
Carlo na nakangiti habang sumasayaw
Maricel na nahihiya habang umaawit
Inaya ka ng iyong kaibigang si James upang mag-aral sumayaw. Marunong ka na at taglay mo ang kakayahang ito kaya________________.
hindi na sasama dahil mahusay ka na
sasama at panunoorin mo siya
sasama at mag-eensayo upang mas matuto
Ang kakayahang hindi ginagamit o ipinakikita ay maaaring________________.
makalimutan o mawala nang tuluyan
mas lalo pang humusay
maging bagong kakayahan
Nagkuwentuhan kayo ng kapitbahay mong si Azenith. Nabanggit niya sayo na lima ang taglay niyang kakayahan. Tatlo lamang ang mayroon ka kaya ikaw ay________________.
malulungkot dahil kakaunti ang taglay mo
matutuwa dahil kakaunti ang ipakikita mo
magsisikap na maragdagan din ang kakayahan
Ang sumusunod ay paraan upang mapahalagahan ang mga kakayahan, maliban sa________________.
pagpapaturo sa hindi marurunong o hindi mahuhusay
pagpapasalamat sa Diyos sa kakayahang taglay
paggamit o pagpapakita ng mga ito
