Font size
WorksheetsAko ang tama! (Quiz #2)
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
Ang mitong "Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan" ay mula sa bansang _____.
Gresya
Roma
Pilipinas
Italya
"Nang mag-away ang mag-asawang Araw at Buwan, binitbit ni Buwan ang kaniyang mga anak na bituin. Pilit sinundan ni Araw ang asawa ngunit hindi sila nagpapang-abot."
Ano ang gamit ng mitong ito?
Maikuwento ang mga sinaunang gawaing panrelihiyon
Magturo ng mabuting aral
Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig
maipahayag ang marubdob na pangarap, matinding takot at pag-asa ng sangkatauhan
Ito ay nangangahulugang babae.
Bugan
Wigan
Bu-ad
Ritwal
Ito ay isinasagawa upang mabiyayaan ng anak.
Bugan
Wigan
Bu-ad
Ritwal
Ito ay sinaunang paraan sa pag-aalay sa mga diyos at diyosa.
Bugan
Wigan
Bu-ad
Ritwal
Ang mga sumusunod ay nakasalubong ni Bugan nang papunta siya sa tahanan ng mga diyos, MALIBAN sa _____.
pating
buwaya
tupa
igat
Bakit kailangang magkaroon ng anak nina Wigan at Bugan?
dahil matagal na nila itong pangarap
dahil sa kanila magmumula ang susunod na henerasyon
dahil kaunti pa lamang ang anak nila
dahil ito ang inaasahan sa kanila ng mga kamag-anak
Nabigla ang mga mamamayan sa mabilis na paglaganap ng Covid-19. Ano ang gamit ng pandiwang NABIGLA?
aksiyon
karanasan
pangyayari
Nagbuhat ng mga libro ang mga mag-aaral bago makansela ang klase. Ano ang gamit ng pandiwang NAGBUHAT?
aksiyon
karanasan
pangyayari
Kahapon pa siya nasasabik.
Ano ang gamit ng pandiwang NASASABIK?
aksiyon
karanasan
pangyayari
