wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Modyul 2. Pagtataya

Total questions: 12

Worksheet time: 7mins

Name
Class
Date
1.

Si Ferdie ay malaki na ang pinagbago sa pakikipaglaro. Dati gusto niya na lahat ng laruan ay kanya. Ngayon marunong na siyang magbahagi sa mga kalaro at hindi na siya nakikipag-away. Si Ferdie ay nagpakita ng:

a)

Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan

b)

Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan

c)

Pagtamo ng mapanagutang asal

d)

Pagtanggap ng papel sa lipunan

2.

Ang mga sumusunod ay kasama sa paghahanda para sa paghahanapbuhay, maliban sa isa na hindi. Alin ito?

a)

Kilalanin ang iyong mga talento, hilig at kalakasan

b)

Magkaroon ng plano sa kursong nais

c)

Sumangguni sa mga matagumpay na kakilala na may hanapbuhay

d)

Magkaroon ng oras sa paglalaro at libangan

3.

Si Leah ay nais maging guro pagdating ng araw. Bata pa lamang siya ay ito na talaga ang kanyang nais. Kahit hikayatin siya ng mga kaibigan na kumuha ng ibang kurso sa kolehiyo ay hindi niya ito pinapakinggan. Pag-aaral nang mabuti ang kanyang ginagawa para matupad ang kanyang pangarap. Sa tulong ng gabay ng kanyang magulang ay umaasa siya na matutupad niya ito. Ano ang ipinakita ni Leah sa kanyang pangarap na maging guro kahit hikayatin siya ng kaibigan ay hindi pa rin nagbago ang nais niya?

a)

Alam talaga kung ano ang nais sa buhay

b)

Nanatiling bukas ang komunikasyon

c)

Ipinakita ang tunay na ikaw

d)

Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan

4.

Batay sa modyul, alin sa mga sumusunod ang bahagi ng paghahanda sa paghahanapbuhay?

a)

Kilalanin ang iyong talento, hilig, kalakasan at kahinaan.

b)

Ipakita ang tunay na ikaw

c)

Panatilihin ang tiwala sa isa't isa

d)

Tanggapin ang kapwa at kaniyang tunay na pagkatao

5.

Isa sa inaasahang kakayahan at kilos: Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad.

a)

Tama

b)

Mali

6.

Batay sa modyul, anu-ano ang mga hakbang na makatutulong upang matamo ang ganap na pakikipag-ugnayan. May apat na tamang sagot.

a)

Alamin mo kung ano talaga ang iyong nais.

b)

Ipakita ang tunay na ikaw.

c)

Maging masipag sa tahanan.

d)

Panatilihing bukas ang komunikasyon

e)

Tanggapin ang kapwa at kaniyang tunay na pagkatao

7.

Isa sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa mga nagdadalaga at nagbibinata ay ang pagtanggap ng (a)   sa lipunan bilang lalake o babae.

8.

Isa sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa mga nagdadalaga o nagbibinata ay ang __ sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito

a)

Pag-iwas

b)

Pagtataka

c)

Pagtanggap

d)

Pagsiyasat

9.

Batay sa modyul, isa pa rin sa inaasahang kakayahan at kilos para sa mga nagdadalaga at nagbibinata ay ang pagtamo at pagtanggap ng ___ asal sa pakikipagkapwa

a)

masusing

b)

mapagkakatiwalaang

c)

maaasahang

d)

mapanagutang

10.

Ayon sa modyul, ang isa sa inaasahang kakayahan at kilos sa mga nagdadalaga o nagbibinata ay ang pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na (a)  

11.

Kasama sa inaasahang kakayahan at kilos ay ang paghahanda sa pag-aasawa at pagpapamilya. Ngunit mahalagang maunawaan na ganap lamang na matatamo ang kakayahang ito sa __ yugto ng pagdadalaga o pagbibinata.

a)

huling

b)

unang

c)

gitnang

d)

wala sa pagpipilian

12.

Kung hindi mo ito matututunang mahalin ang iyong sarili, hindi mo matututunang magpahalaga sa ibang tao.

a)

Tama

b)

Mali

c)

Hindi tiyak