Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Sistemang Pang-ekonomiya (Subukin)

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay tumutukoy sa mekanismo ng paglalaan o pagbabahagi ng takdang dami ng pinagkukunang yaman ayon sa pangangailangan at kagustuhan.

a)

alokasyon

b)

preparasyon

c)

organisasyon

d)

imbensyon

2.

Sa sistemang ito, may kalayaan ang prodyuser at konsyumer na kumilos ayon sa kanilang pakinabang. Presyo ang nagtatakda kung gaano karami ang gagawin produkto at gaano karami ang bibilhin ng isang konsyumer

a)

command economy

b)

traditional economy

c)

market economy

d)

mixed economy

3.

Sa sistemang ito, nasa ilalim ng komprehensibong kontrol ng pamahalaan ang produksyon ng pangunahing kalakal at paglilingkod.

a)

command economy

b)

market economy

c)

traditional economy

d)

mixed economy

4.

Sa sistemang ito ang kagustuhan at pangangailangan ng tao ay nakabatay sa kultura, tradisyon at paniniwala.

a)

command economy

b)

market economy

c)

traditional economy

d)

mixed economy

5.

Ang sistemang ito ay kinapapalooban ng pinag-utos at pampamilihang ekonomiya na kung saan malayang nakakalahok sa mga gawaing pangkabuhayan ang mga negosyante na pinahihintulutan ng pamahalaan

a)

command economy

b)

market economy

c)

mixed economy

d)

traditional economy

6.

Sa sistemang pampamilihang ekonomiya malayang nakakalahok ang dalawang pangkat ayon sa pansaring interes, Sino ang dalawang kalahok na may malayang pagpili?

a)

prodyuser at konsyumer

b)

pamahalaan at pamilihan

c)

teknolohiya at sambahayan

d)

produkto at serbisyo

7.

Sa sistemang pang-ekonomiya hindi magagawa lahat ng pamahalaan ang mga produktong kailangan ng mga tao ayon sa dami at uri ng gusto. Anong katanungan ang sumasagot dito?

a)

Para kanino ang gagawing produkto?

b)

Gaano karami ang gagawing produkto?

c)

Paano gagawin ang produkto?

d)

Ano-anong produkto ang gagawin?

8.

Sa anong sistemang pang -ekonomiya kontrolado ng pamahalaan ang ipoprodyus na produkto.

a)

traditional economy

b)

market economy

c)

command economy

d)

mixed economy

9.

Sa sistemang pinaghalong ekonomiya, sino ang karaniwang nagpapasya?

a)

pamahalaan

b)

tao

c)

pamilihan

d)

pamahalaan at tao

10.

Anong sistemang pang ekonomiya na kung saan hindi mahirap sagutin kung ano ang lilikhaing produkto?

a)

traditional economy

b)

market economy

c)

command economy

d)

mixed economy

11.

Sa anong paraan ng pagpapasya naka depende ang pangangailangan ng sistemang tradisyunal?

a)

presyo at produkto

b)

tao at lipunan

c)

paniniwala at kultura

d)

serbisyo at produkto

12.

Sa anong sistemang pang ekonomiya na kung saan kusa at boluntaryo ang mga gawaing pang-ekonomiko?

a)

traditional economy

b)

market economy

c)

command economy

d)

mixed economy

13.

Kailangan malaman ang laki ng pangangailangan ng ekonomiya para makapagdesisyon sa gagawing produkto. Anong katanungan sa pang ekonomiya ang sumasagot dito?

a)

Anong produkto ang gagawin?

b)

Paano gagawin ang produkto?

c)

Para kanino ang gagawing produkto?

d)

Gaano karami ang gagawing produkto?

14.

Ang makikinabang sa produkto at serbisyo ang nagsisilbing gabay para makalikha at maipagpatuloy ang produksiyon. Anong katanungan pang-ekonomiko ang sumasagot dito?

a)

Gaano karami ang gagawing produkto?

b)

Para kanino ang gagawing produkto?

c)

Anong produkto ang gagawin?

d)

Paano gagawin ang produkto?

15.

Sa sistemang ito maaaring gumamit ng teknolohiya upang maisakatuparan ang paglikha ng produkto at serbisyo. Anong katanungang pang-ekonomiya ang sumasagot dito?

a)

Paano gagawin ang produkto?

b)

Para kanino ang gagawing produkto?

c)

Gaano karami ang gagawing produkto?

d)

Anong produkto ang gagawin?