wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino 2nd Summative Test Quarter1

Total questions: 30

Worksheet time: 3hrs 30mins

Name
Class
Date
1.

Ang pamilyang Pilipino ang pinakamaliit na institusyon ng lipunan.

Dito unang nahuhubog ang kagandahang asal ng mga bata na itinuturo ng

magulang. Ang pamilya ang unang nasasandalan ng bawat miyembro sa

tuwing nahaharap sa mga pagsubok sa buhay. Ito ang siyang gumagabay

upang maging handa ang sinuman sa pagharap sa mga hamon sa buhay

pagdating ng panahon.

Alin sa sumusunod na pamagat ang angkop sa binasang talata?

a)

Ang Kapamilya

b)

Ang Pamilyang Pilipino

c)

Ang Problema sa Pamilya

d)

Biyaya ng Diyos ang Pamilya

2.

Maraming nabibiling pagkaing masustansiya sa Civoleg.

Ibigay ang uri ng pangngalang may salungguhit.

a)

Pambalana

b)

Pantangi

c)

Panao

3.

Ang_____________ay kuwento ng buhay ng isang tao batay sa mga tala at alaala.

a)

buhay

b)

balita

c)

panaginip

d)

talambuhay

4.

Tangan ni Princesz ang isang magandang paso.

Ang salitang tangan ay salitang hiram ng Indo. Ano ang kahulugan nito?

a)

hawak

b)

biniyak

c)

tinaga

d)

tinaniman

5.

Alin sa mga sumusunod na pamagat ang paksang-diwa ng talata?

a)

Ang mga Pilipino ay mapagmahal.

b)

Ang mga Pilipino ay may kani-kaniyang pamamaraan.

c)

Ang mga Pilipino ay kilala sa iba’t ibang larangan.

d)

Ang mga Pilipino ay masigasig sa sining at mapagmahal sa kapuwa.

6.

Ang _______ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo.

a)

kwento

b)

tula

c)

bugtong

d)

balita

7.

Ito ay tumutukoy sa isang linya o hanay ng mga salita o isang linya ng tula.

a)

Talasitaan

b)

Taludtod

c)

saknong

d)

tugma

8.

Ilang taludtod mayroon ang unang saknong ng tula na nasa larawan?

a)

2

b)

4

c)

8

d)

1

9.

Ilang saknong mayron ang tulang ito?

a)

4

b)

2

c)

8

d)

1

10.

Bilangin ang sukat sa unang taludtod.

a)

5

b)

6

c)

7

d)

4

11.

Anong salita na magkatugma ang tunog ? Isulat ang iyong sagot.

(a)  

12.

Si Annie ay isang kusinera. Kilalang-kilala siya sa bayan ng Malaybalay dahil

napakasarap niyang magluto. Bihira ang handaan lalo na kung pista na ay hindi siya nagluluto.

Marami siyang alam na lutuin tulad ng mga pagkaing Pilipino, Intsek, Espanyol at Italyanao.

Saan bayang kilala si Annie?

(a)  

13.

Inalok niyang bilhin ang sangang hugis krus.

Ano ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap.

a)

Inalis

b)

Inangkin

c)

Isinama

d)

Ipinakiusap

14.

I Maraming tradisyon ang mga Pilipino. Isa na rito ay ang kapistahan.

Bawat lugar ay may kinikilalang patrona ng mga Katoliko at ito ay kanilang

pinaghahandaan. Sama-samang nagtutulungan sa paglilinis ang mga tao

sa kanilang lugar. Ang bawat pamilya naman ay nagkakaisa sa pag aayos

ng kanilang tahanan. Isa pang tradisyon ay ang pagdiriwang ng Flores de

Mayo. Ito ay ang debosyon sa Mahal na Birhen ng mga Katoliko.

Ginaganap ang ritwal nito na tinawag na Santacruzan kung saan ay

binibigyan ng pagpupugay ang Reyna Elena. Nagkakaroon ng prosisyon

ang naggagandahang dilag kasama ang kanilang eskorte palibot ng

simbahan at karatig na mga barangay nito.

Alin sa mga sumusunod ang paksang pangungusap ng talata?

a)

Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan.

b)

Ang bawat lugar sa ating bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang

bilang pasasalamat sa kanilang patron.

c)

Ang bayanihan ay ang pagtutulungan ng mga tao para sa isang

gawain.

d)

Maraming tradisyon ang mga Pilipino.

15.

Ang____________ay akdang naglalarawan ng madamdaming

pahayag at binibigkas nang masining o puno ng damdamin.

Hindi ito katulad ng ibang akdang tuloy-tuloy na isinusulat o

binabasa. Ito ay maaaring may sukat o malayang taludturan.

a)

TULA

b)

talambuhay

c)

talata

d)

talatang nagsalaysay

16.

Ang___________ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng

mga pangungusap na naglalahad ng isang bahagi ng buong

pagkukuro, palagay o paksang diwa.

a)

TULA

b)

talambuhay

c)

talata

d)

talatang nagsalaysay

17.

Ang___________ay binubuo ng mga pangungusap na

naglalayong magkuwento ng karanasang nabasa,

nasaksihan, narinig o napanood.

a)

TULA

b)

talambuhay

c)

talata

d)

talatang nagsalaysay

18.

Ang _____________ ay isang anyo ng panitikang nagsasaad ng

kasaysayan, impormasyon, mga tala at pangyayaring hango

sa tunay na buhay ng isang tao.

a)

TULA

b)

talambuhay

c)

talata

d)

talatang nagsalaysay

19.

________ay mga salitang nagtataglay ng nakatagong kahulugan ng tula

a)

Sukat

b)

Tugma

c)

Kariktan

d)

Talinghaga

20.

Anong lugar sa Iloilo ang kilala sa masarap na batsoy?

a)

Panay

b)

Gingoog

c)

Irong-irong

d)

La Paz

21.

Anong dayuhan ang nagpangalan ng Iloilo sa lalawigan?

a)

Hapon

b)

Tsino

c)

Amerekano

d)

Espanyol

22.

Paboritong luto ng Lola ang pinakbet. Ito ang karaniwan niyang niluluto tuwing

dadalaw kami sa kanila. Pumipitas siya ng mga sariwang talong, sitaw, kamatis at kalabasa sa

kanilang likod-bahay. Iginigisa niya ito sa hipon at baboy. Lalong sumasarap ang pinakbet

kapag hinahaluan ng kaunting bagoong. Palaging nagluluto nito si Lola sapagkat alam niyang

gustong-gusto namin ang ulam na ito

( Ano ang paksa ng talata)

a)

Sariwang talong ,sitaw ,kamatis at kalabasa.

b)

Pumitas siya ng sariwang pagkain.

c)

Pinakbet ang paboritong luto ng Lola

d)

Iginisa niya ang hipon at baboy

23.

“Pandesal sa Umaga”

Tuwing umaga si Nena ay nagtitinda,

Isang araw, mabibili din kita,” sambit niya.

Anong anyo ng Tula ito?

a)

Tradisyunal

b)

Malayang taludturan

c)

Walang sukat na may tugma

d)

Talinghaga

24.

Kay gandang pagmasdan,

Bughaw na kalangitan,

Paligid ay luntian,

Sadyang kaaya-ayang tingnan!

Anong anyo ng Tula ito?

a)

Tradisyunal

b)

Malayang taludturan

c)

Walang sukat na may tugma

d)

Talinghaga

25.

O, Laura kong maganda! Lagi kang nasa isip

Di man lamang nawaglit, Dahil ika’y inibig!

Anong anyo ng Tula ito?

a)

Tradisyunal

b)

Malayang taludturan

c)

Walang sukat na may tugma

d)

Talinghaga

26.

______ay isang elemento ng tula na tumutukoy sa bilang pantig sa bawat taludtod

a)

Tugma

b)

Sukat

c)

Kariktan

d)

Talinghaga

27.

______ay isang mga salitang nagtataglay ng nakatagong kahulugan ng tula

a)

Tugma

b)

Sukat

c)

Kariktan

d)

Talinghaga

28.

_____ ito ang pagkakahawig o pagkakapareho ng tunog ng huling salita

sa bawat saknong.

a)

Tugma

b)

Sukat

c)

Kariktan

d)

Talinghaga

29.

_____ito ay mga makabuluhang salita na nagpapasidhi sa

guniguni ng mga mambabasa. Mga ginagamit na bagay na may

isinasaad na kahulugan. Halimbawa: puting tela – kalinisan, kalapati

– kalayaan

a)

Imahe o larawang-diwa

b)

Persona

c)

Tono

d)

Simbolismo

30.

Ang Lalawigan ng Iloilo ay matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng Islang Panay.

Ito ay kabilang sa rehiyon ng Kanlurang Kabisayaan. Napaliligiran ito ng mga lalawigan ng

Capiz sa hilaga, ng Antique sa kanluran, ng Dagat Kabisayaan at Kipot Guimaras sa

silangan, at Golpo ng Panay at Kipot ng Iloilo sa timog. Pinaniniwalaang binili ng 10 datu

mula sa Borneo ang isla ng Panay sa pinuno ng mga Negrito na si Marikudo noong 1212.

Isang gintong salakot at gintong kuwintas ang ipinambayad ng mga datu. Napunta kay

Datu Paiburong ang teritoryo ng Irong-irong. Nang dumating ang mga Espanyol, nagtayo

sila ng pamayanan sa Ogtong (Oton ngayon). Itinatag ng mga mananakop na Espanyol ang

Fuerza San Pedro sa Irong-Irong. Ang mga Espanyol rin ang nagbigay ng pangalang Iloilo

sa lungsod. Ito na rin ang ipinangalan sa buong lalawigan. Itinatag noong Marso 10, 1917

ang Lalawigan ng Iloilo.

Ang Iloilo ay isa sa mga pangunahing pinagmumulan ng bigas sa Pilipinas. Bukod

sa bigas, ang ilan pa sa mga pangunahing produkto na nagmumula rito ay tubo, niyog, mais,

saging, mangga, kape at iba pang lamang-ugat na halaman. Ang pangingisda ay isa ring

mahalagang pinagkakakitaan ng mga taga-Iloilo. Ang mga bangus at hipon ay

pinagmumulan ng malaking kitang dolyar ng lalawigan. Kilala naman ang bayan ng La Paz

dahil sa masarap na batsoy. Ang Iloilo ay isa sa mga yamang ipinagmamalaki ng Pilipinas

hindi lamang sa mga yaman ng agrikultura dito kundi sa makasaysayang pook na

matatagpuan sa lalawigang ito.

Anong lalawigan ang inilalarawan sa teksto?

a)

Capiz

b)

Antique

c)

Guimaras

d)

Iloilo