Font size
WorksheetsUNANG MARKAHANG PAGSUSULIT (ARALING PANLIPUNAN)
Total questions: 20
Worksheet time: 23mins
Alin sa sumusunod na parke ang HINDI matatagpuan sa NCR?
Manila Ocean Park
Manila Zoo
Enchanted Kingdom
Luneta Park
Ano ang makikita sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center?
rescue center para sa mga hayop
mga nakatutuwang rides
dolphin show
zipline
Sa anong parke makikita ang bantayog ni Rizal?
Luneta Park
Manila Ocean Park
Quezon Memorial Circle
Manila Zoo
Alin ang hindi tumutukoy sa kalikasan?
mga hayop
mga kabundukan at burol
mga basura
mga karagatan at ilog
Ano-ano ang mga paraan sa pangangalaga ng ating kalikasan? (3)
Iwasan ang pagtatapon ng basura.
Gumamit ng sasakyan kahit malapit lamang ang pupuntahan.
Putulin ang mga puno sa kagubatan.
Iwasan ang panghuhuli o pagpatay sa mga endangered species.
Huwag gumamit ng mga lambat na may maliliit na butas sa pangingisda.
Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit bumabaha sa NCR? (3)
hindi maayos na daluyan ng tubig sa Metro Manila
dami ng naninirahan sa NCR
pagkaubos ng puno sa kagubatan
pagtatapon ng basura
pagnanakaw ng mga tao
Alin ang HINDI kabilang sa mga panganib na dulot ng pagbaha? (2)
pagkakasakit ng tao
pagkasira ng ating mga gamit
pagkatutong lumangoy
pagsuspinde ng klase
Paano tayo nahahawa ng COVID-19 virus?
pagsagap ng mga maliliit na talsik ng laway mula sa pagsasalita ng taong may COVID-19
pagtingin sa mata ng taong may COVID-19
paghuhugas ng kamay
pagkain ng masusustansyang pagkain
Paano tayo makakaiwas sa COVID-19? Pumili ng tatlong sagot.
Regular na paghuhugas ng kamay
Pag-inom ng mga gamot kahit hindi kumunsulta sa doktor
Pagpapanatili ng isang metrong distansya sa ibang tao
Pagsusuot ng surgical mask
Paglabas ng bahay kahit di naman kailangan
Sino ang ahensya ng gobyerno na nagbabantay sa mga lindol na nagaganap sa bansa?
DOST
DPWH
PHIVOLCS
PAGASA
Ayon sa pag-aaral, ilang magnitude ang lakas na dala ng THE BIG ONE?
Magnitude 5.2
Magnitude 6.2
Magnitude 7.2
Magnitude 8
Anong fault ang maaaring magdulot sa THE BIG ONE?
Manila Trench
Look ng Maynila
Marikina West Valley Fault
Pacific Ring of Fire
Ano ang mga dapat mong gawin bago ang lindol?
Alamin ang fire exit ng bahay o gusali
Manatili sa ilalim ng mesa.
Lumayo sa mga puno, poste, pader, at mga kable ng kuryente.
Huwag gumamit ng elevator.
Ano ang dapat mong gawin habang lumilindol? Pumili ng dalawa.
Lumayo sa mga matatarik o matataas na lugar.
Tingnan ang iyong sarili kung may pinsalang natamo.
Iwasang buksan agad ang kuryente.
Magmadali sa mataas na lugar kung nakatira malapit sa baybayin.
Ano ang tawag mo sa pagyanig o paggalaw ng kalupaan?
Lindol
Landslide
Tsunami
Bagyo
Ano ang tawag sa pagtaas ng mga alon sa mga baybaying dagat dulot ng malakas na hanging dala ng bagyo?
Tsunami
Landslide
Storm Surge
Bagyo
Ano ang tawag sa di-pangkaraniwang paglaki ng alon sa dalampasigan dulot ng malakas na lindol sa ilalim
Storm Surge
Landslide
Lindol
Tsunami
Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pag-aalaga ng ating kalikasan? Sumulat ng isang buong pangungusap.
Sa iyong palagay, ano ang dapat gawin upang maiwasan ang pagbaha sa NCR? Sumulat ng isang pangungusap sa paglalahad ng iyong sagot.
Anong parke sa NCR ang iyo nang napuntahan? Ilahad ang iyong karanasan dito. Sumulat ng isang pangungusap sa iyong paglalahad.
