WorksheetsESP6- Mapanuring pag-iisip
Total questions: 20
Worksheet time: 46mins
Ang pasiya ay dapay gawin para sa kabutihang ____________.
panlahat
pangmarami
pansarili
para sa ibang miyembro ng pangkat
Isinaalang-alang mo ba ang kapakanan ng lahat sa iyong gagawing pasiya?
Oo
Hindi
Piliin ang mga pangungusap na nagsasaad ng palatandaan ng mapanuring pag-iisip.
Iniisip ang mabuti at hindi mabubuting epekto ng isang sitwasyon.
Pinaiiral ang lahat ng gusto para sa sariling kaligayahan.
Padalos-dalos sa pagpapasiya.
Naghahanap ng alternatibo sa paglutas ng mga suliranin.
Napanood mo sa telebisyon ang isang komersiyal ng bagong sabon. Ito ay ipinakitang gamit ng iyong paboritong artista. Ano ang dapat mong gawin?
Aalamin kung ang mga sangkap nito ay angkop sa iyong balat.
Bibili agad ng marami nito.
Irerekomenda sa iyong mga kaibigan na gamitin ito.
Sa pagbuo ng pasiya, kailangan mong _________________.
magkaroon ng patunay
ipilit ang iyong opinyon
hingin lang ang opinyon ng mga kaibigan.
magbigay ng labis na pansin sa mga patunay na susuporta sa iyong personal na pananaw.
Tumutukoy sa _________ ang mapanuring pag-iisip.
pagtatago ng mga detalye ng isang suliranin
pagtanong sa iyong guro ng kaniyang opinyon
pagpapaliwanag ng sariling punto at 'pagpipilit nito sa iba
pag-aaral nang mabuti sa mga patunay bago gumawa ng isang pasiya
Sa paggawa ng mga pasiya, dapat ______________.
sinusunod ang sariling kagustuhan
ginagawa ang hinahangad ng mga kakilala at awtoridad
hinahayaan ang ibang mga miyembro na magpasiya para sa lahat
nagpapakita ng pagkamakatwiran sa mga maaapektuhan ng pasiya
Naipapakita ang pakikipagtulungan sa _______________.
hindi paggawa sa napagkasunduan
pagtatrabaho kasama ang iba tungo sa isang layunin
hindi pagsasabi ng kahit ano ngunit magkikimkim ng sama ng loob
pagpipilit na gawin kung ano ang tama sa kanyang isip kahit hindi sang-ayon ang iba pang miyembro
Kumakampi ka ba sa kaibigan mo kahit na alam mong mali siya? Oo o Hindi
(a)
Sumasangguni ka ba sa mga kasamahan mo bago ka gumawa ng pasiya. Oo o Hindi.
(a)
May kumakalat na text message sa inyong lugar na wala na raw banta ng Covid-19 at maaari nang lumabas ng bahay ang mga bata. Isa ka sa nakatanggap ng mensaheng ito.
Lalabas na ng bahay upang maggala at maglaro na sa labas.
Magtatanong ka sa mga kinauukulan tungkol sa kumakalat na balita.
Ipagwawalang-bahala ang mensaheng natanggap.
Magtanong sa mga kalaro.
Piliin ang mga pangungusap na nagsasaad ng mapanuring pag-iisip
Binibigyang halaga ang mga bagay na makatutulong sa kaniyang pag-unlad.
Padalos-dalos sa pagpapasiya.
Sinusuri ang iba't-ibang paraan sa pagsasakatuparan ng mga layunin.
Itinuturing na totoo ang lahat ng napapanood sa telebisyon.
Nais mong malaman ang pinakaepektibong paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng Covid-19.
Magsasagawa ka ng isang ekperimento.
Mananaliksik ka sa Internet tungkol dito.
Magtatanong ka sa mga kalaro.
Magtatanong sa kapitbahay.
Piliin ang pangungusap na nagsasaad ng mapanuring pag-iisip.
Paninindigan ang mga desisyong alam niyang tama.
Hindi agad maniniwala sa kuwento ng iba.
Sinusuri ang iba't-ibang paraan sa pagsasakatuparan ng mga layunin.
padalos-dalos sa pagpapasiya.
(Tama o Mali). Tinitimbang kung makabubuti o makakasama ang mga opinyon bago gumawa ng pasiya.
(a)
(Tama o Mali). Hinuhusgahan mo agad ang isang tao mula sa narinig mo.
(a)
( Tama o Mali). Ipinipilit ang pasiyang ginawa kahit na hindi sumasang-ayon ang ibang miyembro ng pangkat.
(a)
Niyaya ka ng iyong kaibigan na manigarilyo.
Susunod sa pag-aya ng kaibigan na manigarilyo upang hindi sumama ang kanyang loob.
Makikipag-away sa kaibigan dahil ayaw mo ito subukan.
Sasabihin sa nakatatanda ang kanyang ginawang pag-aya sa iyo.
Hindi na lamang ito papansinin.
May lalaking kumakatok sa inyong bahay habang ikaw ay nag-iisa. Siya ay nagpakilalang kamag-anak ng iyong ina. Ano ang iyong gagawin?
Nakapangako ka sa iyong matalik na kaibigan na dadalo ka sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan ngunit nagkaroon ng banta ng Covid-19. Ano ang iyong gagawin?
