Font size
Worksheets1st Summative Test Filipino 4
Total questions: 20
Worksheet time: 3600secs
Mahalaga ang pakikipag-usap sa kapuwa sa pamamagitan ng paggamit ng mga ______________________________. Alin sa mga sumusunod ang pinaka-angkop sa pangungusap?
A. masasakit na salita
B. magagalang na pananalita
C. kaaya-ayang pananalita
Gaano kahalaga ang paggamit ng magagalang na pananalita?
A. Ito ay mahalaga pra mapakita ang pagmamalasakit sa kapwa.
B. Ito ay mahalaga dahil tayo ay Pilipino.
C. Ito ay mahalaga dahil dito natin makikita na may respeto tayo sa nakakatanda sa atin at sa kapwa tao.
Anong pangungusap ang gumagamit ng magagalang na pananalita?
A. Maraming salaman Gng. Santos.
B. Bakit dito po kayo nag-uusap?
C.Kunin mo nga at ibigay sa kanya ang bag.
Nag-uusap sina Gng. Limbo at Gng. Sebuc sa may pintuan ng inyong silid-aralan. Ibig mong pumunta sa palikuran, ngunit kailangan mong dumaan sa pagitan nila. Ano ang sasabihin mo?
A. Paraan muna, mga guro.
B. Makikiraan po, mga guro.
C. Huwag po kayong mag-usap dito, walang mararaanan.
May kamag-anak kayong dumating mula sa probinsya. Nagkataong ikaw lamang ang nasa bahay. Paano mo sila tatanggapin?
A. Abala po ako. Balik na lang kayo.
B. Wala rito sina inay at Tatay; bumalik na lang kayo mamaya.
C. Tuloy po kayo, maupo po muna kayo.
Aling bahagi ng pananalita ang nagpapakilala ng ngalan ng tao bagay, pook, hayop o pangyayari?
Pangngalan
Panghalip
Pangatnig
Ano ang halimbawa ng Pangngalan?
Kalendaryo
Pilipinas
Pag-ibig
Ang Lungsod ng Heneral Santos ay tinaguriang Tuna Capital ng Pilipinas. Aling pangngalan ang tinutukoy ng salitang may salungguhit?
tao
pook
bagay
Ito ay tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, pook, pangyayari at gawa. Nagsisimula ito sa malaking titik.
Pambalana
Kongkreto
Pantangi
Ito ay di-tiyak o pangkalahatang ngalan ng tao, bagay, pook, pangyayari at gawa.Ito nagsisimula sa maliit na titik.
Pantangi
Pambalana
Pangngalan
Piliin sa sumusunod ang Pantanging Pangngalan ng nasa larawan.
Paaralan
Lugar
UCCP-BECES INC.
Ito ay tumutukoy sa mga bagay na nakikita at nahahawakan.
Kongkreto
Di-kongkreto
Pangngalan
Tumutukoy ito sa mga bagay na hindi nahahawakan ngunit nararamdaman.
Pangngalang Pantangi
Kongkretong Pangngalan
Di-kongkretong Pangngalan
Piliin ang salitang naglalarawan ng Kongkretong Pangngalan.
umaga
masakit
sapatos
Ang pag-ibig ang pinakamahalagang biyaya ng Diyos. Ang salitang may salungguhit ay ________________.
Kongkretong Pangngalan
Di-kongkretong Pangngalan
Kasarian ng Pangngalan
Galit na galit na kinausap ni Mang Lito si Jose. Ang salitang may salungguhit ay halimbawa ng ______________?
Kongkretong Pangngalan
Di-kongkretong Pangngalan
Kasarian ng Pangngalan
Mabuti ang intensyon ni Rica sa kanyang pag-aaral.
Pangngalang Pantangi
Kongkretong Pangngalan
Di-kongkretong Pangngalan
Matataas ang gusali sa Maynila. Sa pangungusap, anong salita ang kongkretong pangngalan?
matataas
gusali
Maynila
Sa tulang "Ang Halaga ng Pag-ibig", Paano natin maipapakita ang pagmamahal sa ating kapuwa?
Sa pamamagitan ng pang-aapi sa kapuwa.
Sa pagpapakita ng pagmamalasakit.
Sa pagpapasalamat sa kaibigan.
Bakit kaya masasabing isang biyaya ang pag-ibig?
Dahil mahal tayo ng Panginoon.
Dahil may pakiramdam tayo.
Dahil tao tayo.
