Font size
WorksheetsAP 8 Assessment 1.1
Total questions: 32
Worksheet time: 17mins
Ano ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng kalupaan ng mundo?
Isla
Bansa
Kontinente
Rehiyon
Alin ang isa sa limang tema ng heograpiya ang tumutukoy sa bahagi ng daigdig na may magkakatulad na katangiang pisikal o kultural?
Lokasyon
Lugar
Paggalaw
Rehiyon
Ano ang tumutukoy sa matigas at mabatong bahagi ng planetang daigdig?
Crust
Mantle
Core
Pangaea
Ang linyang heograpikal na humahati sa daigdig sa hilaga at timog hemispero ay ang ___________.
Equator
Prime Meridian
International Date Line
Parallels
Ang pangkalahatang lawak ng katubigan ng mundo ay 361, 419, 000 kilometro kwadrado o katumbas ng 70.9 % ng saklaw ng surface ng daigdig. Ano ang ipinahihiwatig nito?
Malalim ang katubigan ng mundo.
Mas malawak ang kalupaan sa mundo.
Mas malawak ang saklaw ng katubigan kaysa sa kalupaan.
Mas malalim ang saklaw ng katubigan kaysa sa kalupaan.
Kung ikaw ay nasa zero degree latitude ang linya ng globo na iyong kinaroroonan ay tinatawag na ________________.
Prime Meridian
International Date Line
Equator
Tropic of Capricorn
Ano ang tumutukoy sa distansyang angular na nasa pagitan ng dalawang meridian patungo sa kanluran o silangan ng Prime Meridian?
Longitude
Latitude
Grid System
Tropics
Hango ang heograpiya sa salitang Greek na geo at graphein. Ano ang ibig sabihin ng salitang geo?
Paglalarawan
Bahay
Daigdig
Pamamahala
Ano ang pinakadulong bahagi ng Northern Hemisphere na direktang sinisikatan ng araw at matatagpuan ito sa 23.50 hilagang ekwador?
Prime Meridian
Tropic of Cancer
Tropic of Capricorn
Tropical Region
Sa tema ng heograpiya, ito ay tumutukoy sa kinaroroonan ng isang lugar. Ano ito?
Interaksyon
Lokasyon
Lugar
Rehiyon
Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa crust MALIBAN sa isa.
Ito ang pinakabalat ng daigdig.
Ito ang panahanan ng lahat ng nabubuhay.
Binubuo ito ng mga tunaw na batong mainit.
Ito ay may habang 3 hanggang 30 milya pailailim.
Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiya?
Upang masamantala natin ang paggamit sa mga likas na
Upang mapangalagaan natin ang ating daigdig mula sa mga penomena
Dahil ito ay nakatutulong para mabigyan ng proteksyon ang ating daigdig
Dahil nakaambag ito sa pag-unlad ng isang bansa
Ano ang gumuguhit sa globo patimog at pahilaga mula sa isang polo hanggang sa isa pang polo?
Parallel
Longhitud
Latitud
Meridian
Ano ang mga bumubuo sa heograpiya ng daigdig?
Kalupaan at Katubigan
Katubigan at klima at Panahon
Klima at Panahon at Kalupaan
Kalupaan, Katubigan at Klima at Panahon
Ano ang pinakamalaking karagatan sa daigdig at may lawak na halos 1/3 ng daigdig?
Indian
Atlantic
Mediterranean
Pacific
May dalawang paraan upang malaman ang tamang kinalalagyan ng isang lugar sa mundo. Anu-ano ang mga ito?
Relatibo at Absolute
Longhitud at Latitud
Anyong Lupa at Anyong Tubig
Grid at Direction
Ang temang Lugar ay nagsasaad ng mga katangiang naaayon sa isang pook. Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa ng katangian ng kinalalagyan?
klima
anyong lupa
likas na yaman
kultura
Batay sa datos, saan karaniwan matatagpuan ang mga Pinakamataas na Bundok sa Daigdig?
Pakistan
Nepal
India
China
Alin ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga karagatan mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit na lawak ng karagatan?
Pacific Ocean, Indian Ocean, Atlantic Ocean, Arctic Ocean, Southern Ocean
Pacific Ocean, Atlantic Ocean, Indian Ocean, Southern Ocean, Arctic Ocean
Pacific Ocean, Indian Ocean, Southern Ocean, Atlantic Ocean, Arctic Ocean
Pacific Ocean, Atlantic Ocean, Southern Ocean, Arctic Ocean, Indian Ocean
Ang kabuuang sukat ng Asya ay 44, 614, 000 km2 na halos katumbas nito ang pinagsama-samang lupain ng ______.
a.
Hilagang Amerika, Timog Amerika, at Australia at Oceania
Aprika, Europa, at Australia at Oceania
Hilagang Amerika, Timog Amerika at Europa
Timog Amerika, Europa at Antartika
Ano ang pinakamalalim na bahagi ng Pacific Ocean?
Java Trench
Marianas Trench
Eurasia Trench
Puerto Rico Trench
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa Unang Limang Pinakamataas na Bundok sa Daigdig?
Manashu
Lhotse
K2
Makalu
Saang hemispero nakalatag ang kontinenteng Asya sa daigdig kung ang pagbabatayan ay ang Prime Meridian?
hilaga
kanluran
silangan
timog
Ano ang average na lalim ng talampakan mayroon ang Southern Ocean?
13, 090
13, 095
13, 100
13, 110
Ano ang tawag sa kailalimang parte ng daigdig na sumasaklaw ng mga metal tulad ng iron at nickel?
Crust
Mantle
Core
Cover
Kasapi ang Saudi Arabia sa Oil-Petroleum Exporting Countries.
lokasyon
lugar
rehiyon
interaksiyon ng tao at kapaligiran
paggalaw
Mainit na klima ang mararanasan sa Aprika.
lokasyon
lugar
rehiyon
interaksiyon ng tao at kapaligiran
paggalaw
Ang malaking sahod sa bansang Estados Unidos ang nag-eengganyo sa maraming nars na Pilipino na doon magtrabaho.
lokasyon
lugar
rehiyon
interaksiyon ng tao at kapaligiran
paggalaw
Matatagpuan ang Japan sa kanluran ng North Pacific Ocean, hilaga ng Philippine Sea at silangan ng Sea of Japan.
lokasyon
lugar
rehiyon
interaksiyon ng tao at kapaligiran
paggalaw
Ang pagsasaka ay isang aktibong kabuhayan ng mga Tsino dahil may malawak na kapatagan ang bansa.
lokasyon
lugar
rehiyon
interaksiyon ng tao at kapaligiran
paggalaw
Ayusin ang mga kontinente ayon sa tamang pagkakasunud-sunod nito mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit.
Australya at Oceania, Timog Amerika, Hilagang Amerika, Asya, Antartika, Europa, Aprika
(a)
Piliin ang LAHAT ng katangiang nagsasaad ng LUGAR.
Kultura
Dami ng tao
Sistemang pulitikal
Longhitud
Latitud
