wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EsP 3 Diagnostic test

Total questions: 20

Worksheet time: 41mins

Name
Class
Date
1.

Makakaroon ng paligsahan sa pag-awit at nagkataon na magaling kang umawit. Ano ang gagawin mo?

a)

Huwag ipakita ang kakayahan

b)

Huwag sumali

c)

Sumali ng buong husay

d)

Mahiyang sumali

2.

Si Arnel ay batang pilay subalit napahusay niyang gumuhit. Kung ikaw ang nasa kalagayan niya, sasali ka ba sa paligsahan sa pagguhit?

a)

Oo dahil takot ako sa guro

b)

Oo dahil kailangang patunayan ko ang aking talento.

c)

Hindi dahil nahihiya ako

d)

Hindi dahil baka hindi ako manalo.

3.

Lahat ng iyong kamag-aral ay marunong sumayaw maliban sa iyo. Nagkataong kailangang magpakita ng talento ang inyong section. Ano ang gagawin mo?

a)

Magmumukmok na lang sa isang sulok

b)

Sasali kahit di marunong

c)

Iiyak dahil kakantiyawan ng kaklase

d)

Magsasabi ng tunay sa guro at sasabihin ko din ang taglay kong kakayahan.

4.

Umuwi ka ng bahay galing sa paaralan. Nadatnan mo na madaming Pinagkainan sa lababo. Anong gagawin mo?

a)

Di na lang papansinin ang nakita ko.

b)

Magdadahilan na masakit ang ulo upang di mapaghugas.

c)

Huhugasan ko ng kusa ang mga plato.

d)

Ipagpapabukas ko ang paghuhugas.

5.

Ano ang dapat gawin kung may mga iniatang na gawain sa iyo ang iyong kapatid?

a)

di ako susunod sa aking kapatid

b)

gagawin ko nang maayos

c)

sa inay lang ako susunod

d)

di ko siya papansinin

6.

Isa sa napiling lumahok sa patimpalak sa pag-awit si Carla? Ano ang kanyang mabuting gagawin?

a)

Mag-eensayo ng mabuti.

b)

Maglalaro na lang muna ako.

c)

Siguradong panalo na ako

d)

Ipagwawalang bahala ko na lang sya.

7.

Ang kaibigan niya ay mahusay sa pagguhit. Madalas syang manalo sa mga patimplak na kanyang sinasalihan. Paano mo sya tutularan?

a)

Maglalaro na lamang ako palagi

b)

Magsasanay at magpapaturo din ako sa pagguhit para magaya sa kanya.

c)

Magsusumbong ako sa aking nanay na di ako marunong gumuhit.

d)

Tatawa na lang ako.

8.

Alin sa mga sumusunod ang kayang gawin ng isang batang katulad mo?

a)

Maglaro ng tumbang preso.

b)

Magpalipad ng eroplano.

c)

Gumawa ng program sa computer.

d)

Magpatakbo ng dyip.

9.

Ang mga sumusunod ay kayang gawin ng isang batang tulad mo maliban sa_________.

a)

Umawit sa koro ng simbahan.

b)

Maglaro ng sipa.

c)

Sumali sa paligsahan sa pagtakbo.

d)

Sumali sa paligsahan sa pagluluto

10.

Aling kakayahan ang nagpasikat kay Manny Pacquiao?

a)

Pag-awit

b)

Pagsayaw

c)

Pagboksing

d)

Paglangoy

11.

Bakit kailangang sumali/makilahok ang batang tulad mo sa mga programa sa paaralan?

a)

upang umunlad ang kakayahan

b)

upang lumakas

c)

Upang yumaman

d)

Upang hindi magkasakit

12.

Kanino nagmula ang kakayahan ng isang tao?

a)

sa guro

b)

sa tatay

c)

sa kaklase

d)

sa Diyos

13.

Ang mga sumusunod ay kakayahang nagagawa mo sa tahanan maliban sa_______________.

a)

Paghuhugas ng pinggan.

b)

Pagwawalis ng bakuran.

c)

Pag-aararo.

d)

Pagbubunot ng sahig.

14.

Ano ang nararamdaman mo kapag tumutulong ka sa mga gawain sa tahanan?

a)

malungkot

b)

masaya

c)

balisa

d)

natatakot

15.

Ano ang dapat mong gawin sa pagtupad ng mga gawaing iniatang sa iyo?

a)

isapuso

b)

Ipagwalang bahala

c)

Ipagawa sa iba

d)

Iutos sa nanay

16.

Si Rowena ay madalas sumali sa paligsahan dahil siya ay may magandang tinig. Siya may kakayahan sa ___________.

a)

Pag-awit

b)

Pagpinta

c)

Pag-ukit

d)

Pagtakbo

17.

Mahilig kang gumuhit at magpinta sa oras na walang ginagawa. Paano mo maipakikita ang iyong kakayahan ng may pagtitiwala sa sarili?

a)

Paghusayin ang sarili sa paglahok sa mga paligsahan.

b)

Itago sa mga kamag-aral ang mga iginuhit sa bahay.

c)

Itabi ang lahat ng mga magagandang iginuhit at ipininta

d)

Ikahiya ang pagsali sa paligsahan.

18.

Isa sa mga gawain nyo sa asignaturang E.S.P. ang paggawa ng rap o jingle. Alam mong may kakayahan ka rito. Ano ang dapat mong gawin bilang isang miyembro ng pangkat?

a)

Hahayaan na lang na sila ang gumawa.

b)

Iboboluntaryo ang sarili sa paggawa ng jingle.

c)

Hindi tutulong at maglalaro na lang.

d)

Hindi na lang papansinin ang guro.

19.

Umalis ang iyong nanay papuntang probinsya kaya wala kang katabi sa pagtulog sa gabi. Ano ang dapat mong gawin upang maipakita ang katatagan ng iyon loob?

a)

Iiyak ako sa pagtulog.

b)

Hindi na lang ako matutulog.

c)

Makikitulog ako sa kapit-bahay.

d)

Matutulog ako kahit wala si nanay.

20.

Kapag kinakausap mo ang iyong guro o matatandang tao ay hindi ka marunong gumamit ng po at opo, kayat pinagsabihan ang iyong guro na palaging gumalang sa nakatatanda sa pamamagitan ng paggamit ng po at opo. Ano ang tamang damdamin sa sitwasyon?

a)

Huwag nalang kausapin ang matatanda at guro para hindi mapansin ang mali.

b)

Sabihin na ayaw mong gumamit ng po at opo

c)

Tanggapin ang puna na maluwag sa puso at gagamit na ng po at opo.

d)

Mapapahiya at magagalit sa nanay at tatay dahil hindi ka tinuruan ng po at opo