NEW
Font size
WorksheetsPagsusulit sa Filipino 10 (3rd Grading)
Total questions: 60
Worksheet time: 17mins
Ang mito ay kadalasang nasa anyo ng panrelihiyon.
Tama
Mali
Isa sa mga layunin ng mito ay maipaliwanag ang natural phenomena.
Tama
Mali
Layunin ng mito na maipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig.
Tama
Mali
Nais na mito na maipaliwanag ang ilang matatandang ugaling panrelihiyon.
Tama
Mali
Layunin ng mito na maisiwalat ang pangkaraniwang pag-asa at takot ng mga tao.
Tama
Mali
Ang manlilikha sa binasang “Ang Pamagat” ay pabaya at malilimutin.
Tama
Mali
Ang nilikha ng manlilikha ay mga maliliit o tinatawag na pandak upang siya ang nangingibabaw sa kanilang lahat.
Tama
Mali
Ang sikreto upang hindi tumanda sa mitong “Ang Pamagat” ay balatan at tanggalin ang balat at iwan kung saan ito nahulog.
Tama
Mali
Sa mitong “Ang Pamagat” ang ibon ay naging maingat sa ibinilin sa kaniya at inintindi ng husto ang ibinilin sa kaniya.
Tama
Mali
Si Mullah sa anekdotang “Ang Panghuhusga” ay isang anak na ibinibigay ang lahat para sa kaniyang mga magulang.
Tama
Mali
Sa anekdotang “Ang Panghuhusga” pumayag ang ama na sumakay sa buro upang wala na siyang marinig na panghuhusga mula sa mga tao.
Tama
Mali
Hinahayaan lamang ni Mullag na may pumuna sa kanilang ginagawa. Palibhasa ay lalaki na likas sa kanila ang ayaw ng maraming daldal.
Tama
Mali
Ang motibo ng may akda sa anekdotang “Ang Panghuhusga” ay maihatid sa mga mambababasa ang pagtikom ng bibig kung walang magandang sasabihin.
Tama
Mali
Sa tulang “Pinuno ng Kinabukasan” tama ba na ang kabataan ay mahalagang handog galing sa Diyos sapagkat sila ang magiging pinuno sa kinabukasan?
Tama
Mali
Kailangan bang maging mabuting huwaran ang bata upang siya ay magtagumpay at maging mabuting halimbawa?
Tama
Mali
Sa maikling kuwentong “Ang Carousel” hilig ng ama na lumabas o mamasyal silang pamilya sa parke.
Tama
Mali
Sa kuwentong “Ang Carousel” mahal ng lalaki ang babae ngunit ayaw niyang pag-usapan ang madalas nilang pagtalunan sapagkat hindi niya kayang gawin ang gustong mangyari ng asawa.
Tama
Mali
Ugali ng lalaki sa kuwentong “Ang Carousel” na pinipilit pa ng asawa sa pagharap sa mga tao kapag may okasyon.
Tama
Mali
Napiling ng may akda ng “Kaharian ng Persia” ang Persian Empire bilang paksa nito dahil siya ay isang Persian.
Tama
Mali
Ipinaliwang ng may akda sa “Kaharian ng Persia” na ang Persia ay naitatag noong 584 B.C. na unang pinakamalaking kaharian na nagmula sa Atlantic Ocean, Morocco, Indus River hanggang sa India.
Tama
Mali
Ano ang panlapi sa salitang nagbalik?
nag-
-lik
Ano ang panlapi sa salitang umulit?
um-
-it
Ano ang panlapi sa salitang sinabi?
-na-
-bi
Ano ang panlapi sa salitang lumalabo?
luma-
lumala-
Ano ang panlapi sa salitang inihanda?
ini-
-da
Ano ang panlapi sa salitang pumapaksa?
puma-
-sa
Ano ang panlapi sa salitang gumagayak?
guma-
-yak
Ano ang panlapi sa salitang nanglilimos?
nangli-
-li-
Ano ang panlapi sa salitang tulugan?
tul-
-an
Ano ang panlapi sa salitang Inaawitan?
In- , -aw
In- , -an
Sinabi ni Nelson Mandela na ang mga nananalo ay isang nagmithi at hindi nawalan ng pag-asa.
Tuwirang Pahayag
Di-tuwirang Pahayag
"Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa malansang isda." - Jose Rizal
Tuwirang Pahayag
Di-tuwirang Pahayag
Binanggit ni Carlos P. Romulo na sa kanyang dugo nanalaytay ang walang kamatayang binhi ng kagitingan.
Tuwirang Pahayag
Di-tuwirang Pahayag
"Sa aking dugo nananalaytay ang walang kamatayang binhi ng kagitingan." - Carlos P. Romulo
Tuwirang Pahayag
Di-tuwirang Pahayag
"Ang mga nananalo ay isang nagmimithi na hindi nawawalan ng pag-asa." - Nelson Mandela
Tuwirang Pahayag
Di-tuwirang Pahayag
“Ang pagsusumikap at pagpipilit na kumite ng ikakabuhay ay nagpapahayag ng tunay na pagmamahala sa sarili, sa asawa, anak, kapatid, at kababayan.” Aniya ni Andres Bonifacio.
Tuwirang Pahayag
Di-tuwirang Pahayag
Ayon sa kay President Duterte aaksiyonan niya ang korapsyon sa pamahalaan habang siya ay nanunungkulan.
Tuwirang Pahayag
Di-tuwirang Pahayag
“The Filipino is worth fighting for.” – Benigno Aquino Sr.
Tuwirang Pahayag
Di-tuwirang Pahayag
Ayon sa estadistika, mas marami ang bilang ng mga babae kaysa mga lalaking Pilipino.
Tuwirang Pahayag
Di-tuwirang Pahayag
Sinabi ni Jose Rizal na ang hindi nagmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa malansang isda.
Tuwirang Pahayag
Di-tuwirang Pahayag
Ito ay isang maikling salaysay na maaaring hango sa hindi o tunay na buhay at mahalagang pangyayari ng isang lugar o pook. Madalas ito ay nag-iiwan ng mahalagang mensahe.
Mito
Anekdota
Tula
Sanaysay
Ito ay isang akdang pampanitikan na kung saan ang kuro-kuro, opinyon, o pananaw ng may-akda ay inilahad. Ito ay umiinog sa isang sentral na kaisipang ipinahahayag.
Mito
Anekdota
Tula
Sanaysay
Ayon kay Fernando B. Monleon ito ay gumagamit ng matatalinghaga o matatayutay na mga salitao yaong hindi pangkaraniwan.
Mito
Anekdota
Tula
Sanaysay
Ito ay hango sa mga kuwentong ang kadalasang pinapaksa ay relihiyon o paniniwala, mga diyos o diyosa, at kung paano nilikha ang daigdig.
Mito
Anekdota
Tula
Sanaysay
Ito ay palitan ng kahulugan sa ibang wika at paglalahad nito sa ibang pananalita.
Pagsasaling-wika
Pagsasaling-diyalekto
Pagsasaling-baybay
Pagsasaling-anekdo
Sa pamamagitan nito, nagagawa ng manunulat na pagtagpuin ang langit at lupa, napasasaya ang mga nalulungkot, at nagbibigay ng pag-asa at sigla sa mga kabataang maaaring maging lider ng bansa.
Dula
Nobela
Maikling-kuwento
Tula
Ito ay tulang nagsasalaysay ng isang kawil ng mga pangyayari na maaaring tunay o kaya ay hango lamang sa guni-guni.
Tula ng Damdamin
Tulang Pasalaysay
Tulang Pandulaan
Tulang Pangkanta
Ang uri ng tulang ito ay binibigkas nang patula at itinatanghal sa entablado o tanghalan.
Tula ng Damdamin
Tulang Pasalaysay
Tulang Pandulaan
Tulang Pangkanta
Ito ang lyric poetry sa wikang Ingles.
Tula ng Damdamin
Tulang Pasalaysay
Tulang Pandulaan
Tulang Pangkanta
Nagpapahayag ito ng damdaming pansarili sa isang kaanyuang maaaring awitin o lapatan ng himig.
Tula ng Damdamin
Tulang Pasalaysay
Tulang Pandulaan
Tulang Pangkanta
Maaari itong masiglang damdamin, isang papuri, o panaghoy ang nilalaman nito.
Kantahin
Oda
Elehiya
Soneto
Ang nilalaman ng tulang ito ay hinggil sa kamatayan.
Kantahin
Oda
Elehiya
Soneto
Sa tulang ito maaaring pansarili o panlipunan ang damdaming ipinapahayag.
Kantahin
Oda
Elehiya
Soneto
Ito ay may tiyak at palagiang kaanyuan na may labing-apat na talutod at ang huling dalawang talutod ay hango lamang sa guni-guni.
Kantahin
Oda
Elehiya
Soneto
Ang mga paksa ng dalawang ito ay ukol sa pakikipagsapalaran ng mga prinsipe at prinsesa at ng mga kabalyerong mandirigma sa layuning palaganapin ang Kristiyanismo.
Tanka
Oda
Epiko
Awit at Korido
May kahabaan ito at nagsasalaysay ng mga kabayanihang gawa, na kadalasan ay may uring angat sa kalikasan o kababalaghan na hindi maaaring maganap sa tunay na buhay.
Tanka
Oda
Epiko
Awit at Korido
Ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng isang saknong.
Paksa
Sukat
Sintunog o Tugma
Saknong
Ito ang bilang ng estropa o bilang ng pinagsama-samang talutod.
Paksa
Sukat
Sintunog o Tugma
Saknong
Ito ang buto at laman, diwa at kaluluwa ng isang tula.
Paksa
Sukat
Sintunog o Tugma
Saknong
Ito ang pagkakasintunugan ng mga huling pantig sa bawat dulo ng taludtod.
Paksa
Sukat
Sintunog o Tugma
Saknong
