Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Tunay na Kalayaan at Dignidad Quiz

Total questions: 26

Worksheet time: 14mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang kaakibat ng kalayaan?

a)

kilos-loob

b)

konsensiya

c)

pagmamahal

d)

tungkulin

2.

Ito ay katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kaniyang kilos tungo sa maaari niyang hantungan at itakda ang paraan upang makamit ito.

a)

kalayaan

b)

kilos-loob

c)

pagmamahal

d)

tungkulin

3.

Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?

a)

Nagagawa ni Connie ang mamasyal anumang oras niya gustuhin.

b)

Inamin ni Lala ang kaniyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa ginawa.

c)

Hindi mahiyain si Greg kaya nasasabi niya ang gusto niyang sabihin sa isang tao.

d)

Kahit pagod na galing sa trabaho, sinamahan pa rin ni Jake ang kapitbahay na isinugod sa ospital.

4.

1. Ang tunay na kalayaan ay paggawa ng mabuti. Ano ang tinutukoy na mabuti?

a)

Ang pagkakaroon ng kalayaan.

b)

Ang pagmamahal at paglilingkod sa kapwa

c)

Ang magamit ang kalayaan sa tama ayon sa inaasahan

d)

Ang kakayahan ng taong pumili ng mabuti

5.

Ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi ang nagmumula sa labas ng tao kundi ang nagmumula mismo sa loob ng tao.

a)

Ang kalayaan ay matatagpuan sa sarili.

b)

Nakahahadlang ang kapwa sa pagkamit ng kalayaan.

c)

Niloob ng tao ang antas ng kaniyang pagiging malaya.

d)

Ang hadlang sa pagiging malaya ay ang sarili niyang pag-uugali

6.

Ang pananagutan ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng pangangailangan ayon sa sitwasyon. Ang pahayag ay:

a)

Mali, dahil ang pananagutan ay ang pagtanggap sa kahihinatnan ng kilos na ginawa

b)

Tama, dahil ang tunay na mapanagutang kalayaan ay ang pagtulong sa kapuwa

c)

Mali, dahil ang responsibilidad ay palaging kakambal ng kalayaan na ginagamit ng tao.

d)

Tama, dahil may kakayahan ang taong magbigay paliwanag sa kilos na ginawa.

7.

Bakit kailangang lumaya ang tao mula sa makasariling interes, pagmamataas, katamaran, at iba pang negatibong pag-uugali?

a)

Nilalayuan ng ibang tao ang may ganitong mga pag-uugali

b)

Nakasentro lamang siya sa kaniyang sarili kaya hindi makakamit ang kalayaan.

c)

Magkakaroon ng kabuluhan ang buhay kung walang ganitong katangian.

d)

Nag-iiwan ito ng hindi magandang imahe sa pagkatao ng tao.

8.

Hindi mo maunawaan ang leksiyon ng inyong guro at nakababagot sa pakiramdam kaya nawalan ka ng interes na makinig sa kaniya. Dahil dito wala kang natutuhan sa itinuro niya, sinisi mo ang iyong guro. Sang-ayon ka ba sa kaniya?

a)

Sang-ayon, dahil kailangang mapaganda ang leksiyon para hindi nakababagot sa mag-aaral.

b)

Di sang-ayon, dahil may pananagutan ang tao sa kaniyang kilos.

c)

Di sang-ayon, dahil may kakayahan kang piliin ang iyong kilos

d)

Sang-ayon, dahil responsibilidad ng guro ang maipaunawa sa mga mag-aaral ang leksiyon.

9.

Bakit may kakayahan ang taong kumilos ayon sa sariling kagustuhan at ayon sa pagdidesisyon kung ano ang gagawin

a)

May kakayahan ang taong gamitin ang kaniyang konsensiya

b)

Sapagkat ang tao ay may kakayahang pag-isipan ang mga ito

c)

Dahil ang tao ay may malayang kilos-loob

d)

May likas na batas moral na gumagabay sa kaniya

10.

Tama o Mali.

Malaya ang sinomang nakatatamasa ng lahat ng pribilehiyo o karapatang ipinagkaloob sa kaniya ng estado.

a)

Tama

b)

Mali

11.

Tama o Mali.

Ang kalayaan ng tao ay may limitasyon.

a)

Tama

b)

Mali

12.

Tama o Mali.

Tunay kang malaya kung nagagawa mo ang lahat ng gusto mong gawin kahit ito man ay makabubuti o makasasama sa nakararami.

a)

Mali

b)

Tama

13.

Tama o Mali.

Nasasabi ni Nenelou ang lahat ng gusto niyang sabihin kahit na ang iba rito ay walang katotohanan. Siya ay tunay na malaya.

a)

Mali

b)

Tama

14.

Tama o Mali.

Tunay na kalayaan ang ipinapakita ng isang taong mapagmalasakit sa kapwa.

a)

Tama

b)

Mali

15.

Tama o Mali.

Masasabi nating tunay tayong malaya kung walang sinomang humahadlang sa mga gusto nating gawin.

a)

Mali

b)

Tama

16.
Bakit nilikhang hindi pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo?
a)
a. Matututo tayo ng pagpapakumbaba at pagpapaubaya.
b)
b. Mabibigyan pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng talento at kakayahan na biyaya ng Diyos sa iilang tao.
c)
c. Makikilala natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan upang maturuan tayong magsikap at magpunyagi para sa pag-unlad ng ating pagkatao.
d)
d. Mauunawaan ng tao na kailangan niya ang kanyang kapwa dahil sa kanila natin matatanggap ang ating mga pangangailangang materyal at espiritwal.
17.
Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?
a)
a. Sa paningin ng Diyos at ng lipunan
b)
b. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya
c)
c. Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito
d)
d. Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig
18.
Ang sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad maliban sa:
a)
a. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
b)
b. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
c)
c. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon
d)
d. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.
19.
Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?
a)
a. Isang negosyante na nagbibigay ng malaking halaga bilang puhunan ng isang empleyado na tumatanda na
b)
b. Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na nangangailangan ng kanyang tulong
c)
c. Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan
d)
d. Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba
20.
Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?
a)
a. Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal.
b)
b. Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa upang laging makuha ang paggalang ng kapwa.
c)
c. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging karapat-dapat sa kanilang pagkilala.
d)
d. Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian mayroon kundi sa karangalan bilang tao.
21.
Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad sa tao?
a)
a. Magiging malaya ang tao na ipakita ang kanyang totoong sarili.
b)
b. Mapananatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao.
c)
c. Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kanyang nais nang walang pag-aalinlangan.
d)
d. Ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi
makasasakit o makasasama sa ibang tao.
22.

Ito ay tumutukoy sa kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kaniyang estado sa buhay.

a)

Batas

b)

Konsensiya

c)

Tungkulin

d)

Karapatan

23.

Ito ay tumutukoy sa obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin ang isang gawain.

a)

Karapatan

b)

Konsensiya

c)

Tungkulin

d)

Batas

24.

Isang paraan ng paglilingkod at pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at sa lipunan. Ito ay pagbibigay sa sarili na hindi naghahangad ng anumang kapalit.

a)

Paggalang sa batas

b)

Bolunterismo

c)

Pakikilahok

d)

Paggalang sa indibidwal na tao

25.

Tumutukoy ito sa pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang ng kaniyang kapwa.

a)

Dignidad

b)

Tungkulin

c)

Karapatan

d)

Respeto

26.

Kadalasan tuwing may kalamidad o sakuna, likas sa ating mga Pilipino ang mag-alay ng ating panahon, sarili at yaman para sa iba. Anong pagpapahalaga ang ipinapakita natin?

a)

Kabayanihan

b)

Kasipagan

c)

Pagmamalasakit

d)

Pagmamahal sa kapwa