Font size
WorksheetsTayahin - (Ang Ama)
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
May dalawang lalaki, kambal na nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso anyos at isang dos anyos na paslit. Ano ang kahulugan ng salitang paslit?
dalaga
binata
bata
sanggol
Pagkatapos ay naroong magkagulo sa tira, ang mga bata ay aali-aligid sa mesa. Ano ang kahulugan ng salitang aali-aligid?
nanahimik
nag-uusisa
umiiwas
nagtatago
Ang dahila'y si Muimui, otso anyos at sakitin na palahalinghing na parang kuting. Ano ang kasalungat ng salitang palahalinghing?
tahimik
umiiyak
humihiyaw
humihikbi
Anong uri ng maikling kuwentong "Ang Ama" ni Mauro R. Avena?
katutubong kulay
pag-ibig
tauhan
makabanghay
Ano ang katangian ng ama sa unang bahagi ng kuwento:
mapag-aruga
iresponsable
mapagmahal
maalalahanin
Ano ang nagbago sa masamang ugali ng ama?
dahil sa ibinigay na abuloy sa knila.
dahil sa pagpapatawad ng kanyang amo
dahil sa di-sinasadyang pananakit sa anak na si Muimui
dahil sa pakikiramay ng kanilang mga kaibigan
Ang tungkulin ng pangatnig ay mag-ugnay ng mga salita at parirala. Ano naman ang tungkulin ng transitional devices?
magpatotoo sa mga pangyayari
mapagsunod-sunod ang mga pangyayari
maghatol sa mga pangyayari
magbigay ng opinyon sa mga pangyayari
Magsikap ka pa __________ darating ang araw na magbubunga ng iyong pagpupunyagi. Ano ang pangatnig ang dapat na ilagay sa patlang?
dahil
subalit
tulad
kaya
Pagkatapos na ibaba sa GCQ ang lungsod ng Quezon City, nagbukas na ang ilang pamilihan. Anong uri ng transitional device ang salitang may salungguhit?
pagsalungat
pag-titiyak
nagsasaad ng Pagkakasunod-sunod
naghuhudyat ng Pananaw
Umuwi ang ama na may dalang isang supot para sa kanyang pamilya upang pagsaluhan __________ isang beses lang iyong nangyari. Ano ang pangatnig na bubuo ng diwa sa pangungusap?
sumunod
subalit
dahil
kaya
