wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP6 Modyul 5

Total questions: 20

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Sino ang sumulat at nagbasa ng deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas noong 1898?

a)

Ambrosio Rianzares Bautista

b)

L.M. Johnson

c)

Emilio Aguinaldo

d)

Apolinario Mabini

2.

Ano ang pangalan ng barkong sinakyan ni Emilio Aguinaldo nang siya ay bumalik ng Pilipinas mula Hongkong?

a)

USS South Carolina

b)

USS Paragua

c)

USS Rizal

d)

USRC Mc Culloch

3.

Ano ang kahalagahan nang pagdeklara ni Aguinaldo ng kasarinlan ng Pilipinas bagamat narito pa ang mga Espanyol at Amerikano?

a)

Ipakita na mayroong sariling pamahalaan ang Pilipinas

b)

Ipakita na hindi kayang magapi ng mga dayuhan ang mga Pilipino

c)

Ipakita sa buong daigdig na ang Pilipinas ay isa nang ganap na malayang bansa

d)

Ipakita na ang mga Pilipino ay may alam sa batas

4.

Kailan ipinahayag ang kasarinlan ng Pilipinas?

a)

Hulyo 12,1898

b)

Agosto 12,1898

c)

Disyembre 12,1898

d)

Hunyo 12,1898

5.

Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit ipinayo ni Mabini na palitan ni Aguinaldo ang diktatoryal na pamahalaan ng rebolusyonaryong pamahalaan?

a)

Kilalanin ang Pilipinas ng ibang bansa

b)

Kapalit ng pamahalaang diktatoryal

c)

Magkaroon nang kasarinlan

d)

Magtatag ng Kongreso

6.

Kailan pinasinayaan ang Unang Republika ng Pilipinas?

a)

Enero 23, 1899

b)

Enero 21, 1899

c)

Enero 19, 1899

d)

Enero 18, 1899

7.

Ano ang dahilan kung bakit sa loob ng isang taon ay hindi maawit ng mga mamamayan at mga kawal na Pilipino ang pambansang awit ng Pilipinas?

a)

Dayuhan ang may komposisyon ng awit

b)

Hindi maunawaan ang kahulugan ng awit

c)

Walang liriko o titik ang pambansang awit

d)

. Hindi maganda ang ibig ipakahulugan ng awit

8.

Saang lugar ipinahayag ni Emilio Aguinaldo ang kasarinlan ng Pilipinas?

a)

Calamba, Laguna

b)

Dasmariñas, Cavite

c)

Bagong Silang Caloocan

d)

Kawit, Cavite

9.

Sino ang naglapat nang titik sa pambansang awit ng Pilipinas?

a)

Jose Palma

b)

Julian Cruz

c)

Julian Felipe

d)

Ildefonso Santos

10.

Saang bansa tinahi ang watawat ng Pilipinas nina Marcella Agoncillo at ng mga kasama nito?

a)

Espanya

b)

Amerika

c)

Hongkong

d)

Pilipinas

11.

Ano ang naging taguri o bansag kay Melchora Aquino dahil sa ginawa niyang pag-aalaga sa mga katipunero?

a)

Ina ng Katipunan

b)

Ina ng Awa

c)

Mayora ng Katipunan

d)

Taga-gamot ng Bayan

12.

Siya ay kilalang natatanging babaeng Heneral ng himagsikan, nagsilbing guro at magsasaka.

a)

Teresa Magbanua

b)

Agueda Kahabagan

c)

Trinidad Tecson

d)

Josefa Rizal

13.

Siya ang kauna-unahang babaeng kasapi ng Katipunan.

a)

Melchora Aquino

b)

Gregoria de Jesus

c)

Teresa Magbanua

d)

Marina Dizon-Santiago

14.

Siya ang asawa ng diplomatiko na si Felipe Agoncillo at tumahi ng unang bandila na ginamit ni Pangulong Emilio Aguinaldo noong Hunyo 12, 1898.

a)

Marcella Agoncillo

b)

Melchora Aquino

c)

Gregoria de Jesus

d)

Marina Dizon

15.

Saang bansa tinahi ang unang opisyal na watawat ng Pilipinas?

a)

Estados Unidos

b)

China

c)

Malaysia

d)

Hong Kong

16.

Sino ang pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas?

a)

Apolinario Mabini

b)

Pedro Paterno

c)

Julian Felipe

d)

Emilio Aguinaldo

17.

Sino ang nahalal siya bilang pangulo ng Kongreso ng Malolos?

a)

Pedro Paterno

b)

Andres Bonifacio

c)

George Dewey

d)

Wesley Merritt

18.

Sino ang pinuno ng plota ng mga Amerikano sa Silangan?

a)

Colonel L.M Johnson

b)

Emilio Aguinaldo

c)

George Dewey

d)

Pedro Paterno

19.

Kailan pinasinayaan ang Unang Republika ng Pilipinas?

a)

Enero 1, 1899

b)

Enero 5, 1898

c)

Enero 23,1899

d)

Enero 29, 1898

20.

Kailan pinasinayaan sa simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan ang Kongreso o mas kilala sa tawag ng “Kongreso ng Malolos?

a)

Nobyembre 15, 1898

b)

Oktubre 15, 1898

c)

Agosto 15, 1898

d)

Setyembre 15,1898