Font size
WorksheetsPaunang Pagsubok Modyul 3
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
Kailangan ni Daniel na maibenta ang kaniyang lumang kotse dahil nais niyang makabili ng bago. Nagtungo siya sa kanyang kumpare. Nakumbinsi naman niya ito dahil sila'y nagkasundo sa halaga nito.
I-Thou
I-It
May suliranin si Jane sa kaniyang pamilya. Kailangan niya ng mapaghihingahan ng kaniyang sama ng loob. Pumunta siya sa kanilang gurong tagapayo. Alam ni Jane na bibigyan siya nito ng panahon at hindi siya nito huhusgahan.
I-Thou
I-It
Maganda ang samahan nina John at kaniyang ama. Pinakikinggan nito ang kaniyang mga opinyon sa tuwing sila'y nagkakausap. Bagama't hindi siya nito laging pinagbibigyan sa kaniyang mga gustong gawin, alam ni John na ito'y para sa kaniyang ikabubuti.
I-Thou
I-It
Malapit na ang semestral break. Niyaya si Josie ng kaniyang kaibigan na magbakasyon sa isang kilalang resort. Nag-isip si Josie ng paraan upang makumbinsi ang kaniyang mga magulang ngunit sa kanilang pag-uusap ay hindi niya rin ito napapayag.
I-Thou
I-It
Madalas nagkakagalit ang magkapatid na Wally at Jose. Hindi nila pinakikinggan ang sinasabi ng bawat isa. Kapwa ayaw magpatalo sa argumento ang dalawa.
I-Thou
I-It
Gandang-ganda si Juan kay Mila. Nang minsang magkita sila at nagkausap, masayang masaya si Juan. Wari ba’y si Mila at siya lang ang nasa silid, hindi nila kapwa napapansin at naririnig ang ibang tao.
I-Thou
I-It
Nagkaroon ng pagpupulong ang Samahan sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa paaralan ni Joan. Si Wency, ang pangulo nito. Nais ni Joan na imungkahi sa samahan ang isang proyekto para sa nalalapit na “Boys and Girls Week,” ngunit hindi siya nagkaroon ng pagkakataon. Si Wency ang nasunod sa lahat ng proyekto.
I-Thou
I-It
Pinagsabihan ni Aling Juana si Milet dahil sa ginawa nitong pag-alis nang walang paalam. Walang magawa si Milet kundi ang umiyak. Lubos siyang nagsisisi sa pagsuway sa kaniyang ina.
I-Thou
I-It
Malapit na ang ika-13 kaarawan ni Jules. Sinabi ni Jules sa kaniyang mga magulang na nais niya ang isang party upang maimbita ang kaniyang mga kaibigan. Iminungkahi naman ng kaniyang mga magulang na sila’y kumain na lamang sa labas at ang gagastusin sana sa party ay ibili na lamang ng mga damit para sa mga bata sa ampunan. Sa huli’y pumayag si Jules sa mungkahi ng mga magulang.
I-Thou
I-It
Hindi magkasundo ang mag asawang Ruiz para sa mga desisyon sa kanilang mga anak. Magkaiba sila ng mga pananaw tungkol sa mga pagpapalaki sa mga bata.
I-Thou
I-It
